Kailan pwede uminom ng tubig ang baby? Mahalaga ang pag-inom ng tubig sa ating survival at well-being. Gayunpaman, para sa mga infant at sanggol na wala pang anim na buwang gulang, hindi ipinapayo ang pag-inom ng tubig para sa kanilang pangkalahatang kalusugan. Ang gatas ng ina ang tanging pinagkukunan ng pagkain para sa sanggol dahil taglay na nito ang lahat ng sustansyang kailangan ng bata. Kailan pwedeng uminom ng tubig ang baby?
Kailangan mong unti-unting ihinto ang pagpapainom ng breast milk pagkatapos nilang magdalawang taon. Dapat na silang masanay sa pag-inom ng tubig at pagkain ng solid food – magsimula sa dinurog na pagkain hanggang sa makakain na sila ng matitigas.
Ngayon, ang tanong ay – kailan pwede uminom ng tubig ang baby? Basahin ito upang malaman ang tamang panahon kung kailan ito pwedeng gagawin.
Pagkalason sa Tubig at Gastroenteritis
Bago natin sagutin ang tanong na “kailan pwedeng uminom ng tubig ang baby?” dapat mong malaman na ang katawan ng infant ay kayang kumuha ng mga sustansya mula sa breast milk at formula. Ito ang lahat ng kailangang nutrisyon ng infant, kasama na ang tubig.
Ang pag-inom ng tubig ay makapagdudulot sa sanggol ng pakiramdam na bloated at nawawala ang pagkagutom nila sa breastmilk. Sa ilang bihira at seryosong mga kaso, puwedeng magkaroon ng water intoxication ang iyong sanggol sa pag-inom ng sobrang tubig.
Dulot ito ng dilution ng tubig, na nauuwi sa pagkakulong ng sodium sa katawan ng baby at bumabagsak ang electrolyte balance sa tissue. Ang water intoxication ay madaling magdulot ng pamamaga sa malulusog na tissue at magresulta sa seizures. Sa mas malalang kaso, puwedeng ma-coma ang iyong anak.
Sakaling magkaroon ng stomach flu o gastroenteritis ang iyong sanggol, maaaring irekomenda ng doktor ang ilang gamutan at Oral Rehydration Solution (ORS) upang maiwasan ang dehydration.
Ang Tubig at ang Digestive System
Bukod sa pagkalason sa tubig, maaaring malagay sa panganib ng malnutrisyon at pagtatae ang iyong baby.
Gaya ng nabanggit na kanina, sobrang sensitibo ang digestive system ng sanggol at ang maruming tubig ay puwedeng magdulot ng pamamaga sa mahina nilang tiyan. Kapag maagang huminto ang isang nanay sa pagpapasuso ng kanyang bagong silang na sanggol, makararanas kalaunan ang baby ng malnutrisyon.
Ang pagbibigay ng tubig imbis na breast milk sa sanggol ay makapagpapahina sa produksyon ng gatas ng nanay. Ang mga sanggol na pinadedede sa bote ay maaaring makaramdam ng uhaw kapag uminit ang panahon. Sa mga ganitong sitwasyon, tiyaking malinis ang iinuming tubig at mas mainam kung lukewarm.
Pre-packed baby food
Sa pagpapakain ng pre-packed baby food, maging maingat sa pagbabasa ng label. Kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak tungkol sa mga sangkap at formulation upang masigurado mong makaiiwas ang baby sa allergic reactions.
Sundin ang instructions sa food packaging ng baby at limitahan lamang ang paggamit ng tubig batay sa nakasaad dito. Ito ang dami ng tubig na kailangan ng katawan ng iyong baby at ang dami ng kaya lang nilang inumin. Tiyaking hindi sosobra sa kinakailangan dahil maaari itong mauwi sa pagkalason sa tubig.
Kailan pwedeng uminom ng tubig ang baby?
Kung nag-iisip ka kung “Kailan pwede uminom ng tubig ang baby?”, hindi ka dapat mag-alala. Binubuo ang breast milk ng 80 % fluid, lalo na ang first served milk sa bawat pagpapakain, at mas mainam na pamalit sa inuming tubig.
Hindi lamang nakapapatid ng uhaw ang breast milk para sa baby, napabubuti rin nito ang kanilang immune system. Sa pag-inom ng breast milk, napoproteksyunan din ang iyong baby sa mga impeksyon at nakatutulong sa kanilang paglaki at pag-unlad.
Sa pangkalahatan, kailangang maghintay ng mga magulang na makompleto ng kanilang anak ang 6 na buwan bago simulang painumin ng tubig. Pasipsipin ang iyong anak ng tubig kapag nauuhaw sila. Ngunit bago dumating sa panahong iyon, puwede namang maging hydrated ang iyong baby sa pag-inom ng gatas ng ina at formula.
Pangunahing Konklusyon
Kailan pwedeng uminom ng tubig ang baby? Sa anumang pagbabago sa pagkain o routine ng iyong baby, susi ang dahan-dahang pagsasagawa nito. Bukod dyan, mahalagang kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak bago magsagawa ng anumang pagbabagong maaaring makaapekto sa pangkalahatang nutrisyon. Bagaman nakatutulong ang tubig upang manatiling hydrated ang iyong baby matapos ng 6 na buwang gulang, mahalaga ang breast milk at masusustansyang dinurog na solid food upang makatulong sa iyong baby na lumaking malusog at masaya.
Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.