backup og meta

Kahalagahan Ng Breastfeeding: Bakit Ang Breast Milk Ay "Best" Sa Mga Baby

Kahalagahan Ng Breastfeeding: Bakit Ang Breast Milk Ay "Best" Sa Mga Baby

Sa paglipas ng panahon, itinataguyod ng agham ang kahalagahan ng breastfeeding para sa parehong nanay at kanilang mga sanggol. Ang breast milk ay nagbibigay ng pinakamahusay na nutrisyon para sa mga bagong silang na sanggol at nagpapatibay sa ugnayan sa pagitan ng nanay at anak.

Pinalawak na Batas sa Breastfeeding sa Pilipinas 

Sa pagpirma sa pagsasabatas ng Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang patakaran ng estado upang itaguyod ang pagpapasuso. Itinatampok ng Batas ang kahalagahan ng breastfeeding. Kasama na rito ang pagbibigay puwang sa pambansang polisiya na nagtatakda ng breastfeeding station at pagsulong ng tuloy-tuloy na edukasyon at pagsasanay kung paano mangangalaga ng mga sanggol.

Ano ang kahalagahan ng breastfeeding? 

 Ang kabutihan ng gatas ng nanay para sa mga sanggol ay binibigyang diin ang kahalagahan ng breastfeeding. Ang breastmilk ay itinuturing na pinakamahusay at kumpleto sa sustansya na pagkain para sa mga sanggol dahilan sa sumusunod:

Taglay ng Breastmilk ang Lahat ng Nutrisyon

Bukod sa bitamina D, ang gatas ng ina ay naglalaman ng lahat ng mahahalagang nutrisyon na kailangan ng iyong sanggol upang mabuhay sa unang anim na buwan. Ang colostrum, isang makapal, at dilaw na likido na pinoprodyus ng mga dibdib sa mga unang araw pagkatapos ng panganganak, ay mayaman sa protina at iba pang healthy compund. Mababa rin ito sa asukal at tumutulong sa pagdedebelop ng immature digestive tract ng sanggol.

Ang breastmilk ay mayaman sa antibodies 

Ang kahalagahan ng breastfeeding sa sanggol ay pagkuha ng proteksyon mula rito laban sa anomang virus o bacteria. Ang colostrum ay puno ng immunoglobulin A (IGA), na pumipigil sa sanggol na makakuha ng sakit sa pamamagitan ng pagprotekta sa ilong, lalamunan, at digestive system.

Naipapasa ng nanay ang mga antibodies na nakuha niya noong may sakit siya sa kanyang inaalagaang sanggol. Kaya, ang mga nanay na nagpapasuso kahit may trangkaso ay kinakailangang magbigay sa kanilang mga sanggol ng mga paraan upang labanan ang sakit. Ipinakikita rin ng mga pag-aaral na ang mga sanggol na hindi pinasuso ay mas madaling kapitan ng pneumonia, pagtatae, at mga impeksyon.

Ang pagpapasuso ay maaaring mabawasan ang mga sakit 

 Ang kahalagahan ng breastfeeding para sa mga sanggol ay makikita sa kung paano ito nakatutulong

  • Impeksyon sa tainga (Middle Ear Infection) 
  • Sakit at impeksyon sa paghinga (Respiratory Tract Infection)
  •  Sipon (Colds)
  •  Gut Infection
  •  Sudden intestinal death syndrome (sids) 
  •  Intestinal tissue damage
  •  Allergy dahil sa hika 
  •  celiac disease 
  • Inflammatory bowel disease
  •  Atomic dermatitis at eczema
  •  Diabetes
  •  Childhood Leukemia

Nababawasan ng breastmilk ang panganib ng labis na katabaan

 Ang mga sanggol na breastfed ay mas mababa sa timbang kaysa sa mga formula-fed. Ang bawat buwan ng pagpapasuso ay nagpapababa ng 4% ang panganib ng labis na katabaan ng iyong anak. Ang breastmilk ay may bacteria na nakakaimpluwensya sa fat storage, pati na rin ang leptin na kumokontrol sa ganang kumain. Ang mga breastfed na sanggol ay may posibilidad na magkaroon ng malusog na habit sa pagkain; Kinokontrol nila ang kanilang pag-inom ng gatas at kakain lamang kapag nagugutom.

Ang pagpapasuso ay maaaring magpataas ng IQ

 Ang mga breastfed na sanggol ay may mas mataas na marka sa pagsusulit sa pagsukat ng katalinuhan at mas kaunti ang nagiging problema sa pag-uugali at pag-aaral habang lumalaki sila. Maaaring dahil ito sa pisikal na intimacy sa pagitan ng nanay at anak. Katulad nito, ang mga breastfed preterm na sanggol ay nagpapakita ng pangmatagalang pag-unlad ng utak.

Mga Benepisyo ng Pagpapasuso para sa mga Nanay

Ang mga nanay ay maaari ring makinabang mula sa pagpapasuso dahil sa sumusunod:

Ang pagpapasuso ay upang matulungan ang mga bagong nanay na mabawasan ang timbang 

Ang isa pang kahalagahan ng breastfeeding ay ang pagbaba ng timbang. Makalipas ang tatlong buwan, ang mga nagpapasusong nanay ay nakatunaw na ng taba kaysa sa mga hindi nagpapasuso.

Ang pagpapasuso ay tumutulong sa pagbabalik ng dating sukat at hulma ng uterus

Kapag ang bata ay nagbe-breastfeed, ang katawan ng nanay ay nagpoprodyus ng oxytocin, isang hormone na binabawasan ang pagdurugo pagkatapos ng panganganak at tumutulong sa uterus bumalik sa dating sukat nito.

Binabawasan ng pagpapasuso ang postpartum depression 

Ang oxytocin sa mga nagpapasusong ina ay lumalaban sa pagkabalisa. Ang hormone ay nagtataguyod din ng pangangalaga, pagpapahinga, at bonding ng nanay at ng anak. Ayon sa isang pag-aaral na nagpapakita na ang mga nanay na hindi nagpapasuso ay may mataas na tsansa na makagawa ng pang-aabuso at kapabayaan kaysa sa ibang nag-aalaga sa ang kanyang anak.

Ang pagpapasuso ay nakapag-aanta ng menstruation

Ang paghinto ng obulasyon at pagreregla ay nagbibigay-diin sa importansya ng breastfeeding sa puwang o espasyo ng mga pagbubuntis. Ginagamit ito ng ilan sa mga kababaihan upang makontrol ang kanilang pagbubuntis, kahit na hindi ito gaanong subok.

Ang pagpapasuso ay nagse-save ng oras, pagsisikap, at pera 

Ang gatas sa dibdib ay libre. Hindi mo kailangang bumangon sa kalagitnaan ng gabi upang maghanda ng formula ng sanggol, mag-sterilize ang mga bote, at pakuluan ito. Ang gatas ng ina ay laging may tamang temperatura para sa mga sanggol.

Paano ako mananatiling malusog habang nagpapasuso? 

Ang kahalagahan ng breastfeeding ay kailangang isaalang-alang ng bawat ina ang kanyang kalusugan at nutrisyon. Gawin itong habit:

  • Pumili ng mga pagkaing magbibigay sa iyo ng karagdagang malusog na kaloriya. Kailangan mo ng 450 hanggang 500 na karagdagang kaloriya sa isang araw kung ikaw ay nagpapasuso. 
  •  Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina, tulad ng karne, mga itlog, dairy products, beans, low-mercury seafood, prutas, at gulay.
  •  kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain dahil makatutulong ito sa iyong sanggol sa pag-aadjust sa mga solid na pagkain pagkalipas ng ilang mga buwan.
  •  Uminom kapag nararamdaman mong nauuhaw, lalo na kapag ang iyong ihi ay nagiging matingkad ang pagkadilaw. Uminom ng isang baso ng tubig habang nagpapasuso.
  • Lumayo mula sa matamis na inumin at labis na caffeine. 
  •  Kumain ng mayaman sa iron tulad ng mga lentils, enriched cereal, green leafy vegetables, peas, at dried fruit tulad ng pasas. Tulungan ang iyong sarili na makuha nito sa pamamagitan ng pagkain na mayaman sa bitamina C, tulad ng mga bunga ng sitrus, kasabay ng mga pagkaing mayaman sa protina. 
  •  Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga suplemento para sa bitamina B-12 at Bitamina D.

Ang iyong sanggol ay nakaiinom ba ng sapat na gatas? 

 Habang ang mga sanggol ay nakakakuha ng pagkain sa pamamagitan ng breastmilk sa unang anim na buwan ng kanilang buhay, mahalaga na ang nanay ay nakapagpoprodyus ng sapat at mataas na kalidad na gatas. Narito ang mga palatandaan ng isang malusog na breastfeeding baby.

  • Nadadagdagan ang timbang
  •  Ang mga ito ay nagpapasuso 8 hanggang 12 beses araw-araw, o sa pagitan ng bawat dalawa hanggang tatlong oras. Maaari itong tumaas sa panahon ng pagdebelop ng spurts. 
  •  Ang iyong sanggol ay lumulunok. Mapapansin mo ang isang maliit na pag-alon sa ilalim ng baba o baba ng panga ng iyong sanggol.
  •  Mapapansin mo ang isang banayad na pahilang pakiramdam sa iyong dibdib sa panahon ng pagpapasuso, na iba sa kurot, pagkagat sa utong.
  • Ang bilang ng mga basang diaper ay tumataas araw-araw sa ilang araw pagkatapos ng kapanganakan. Sa ikalimang araw, makikita mo ang anim na basang diapers at tatlong beses na pagdumi. Ang dumi ng sanggol ay maitim at malagkit para sa mga unang araw, at mabuto, malambot, at magiging ginintuang kalaunan.
  •  Ang iyong sanggol ay aktibo at alerto.

Paano ko sisimulan ang pagpapasuso? 

 Ang pagpapasuso, lalo na para sa mga unang beses maging nanay, ay maaaring maging isang hamon. Ngunit ito ay napakahalaga na isaalang-alang dahil sa kahalagahan ng breastfeeding. Narito kung paano ka maaaring magpatuloy tungkol dito

  • Maging komportable. Gumamit ng mga unan upang umalalay sa iyong sarili at kargahin ang iyong sanggol malapit sa iyong dibdib. Huwag humilig pasulong upang dalhin ang iyong dibdib sa iyong bagong panganak na sanggol. Kargahin ang iyong sanggol sa iyong braso. 
  •  Hawakan ang ulo ng iyong sanggol na gamit ang isang kamay at bigyang suporta ang iyong dibdib sa kabila kamay. Idampi sa babang labi ng iyong sanggol ang iyong utong upang ang iyong bagong panganak ay humimok na sumipsip. Ang sanggol ay susunggab sa mas maitim na bahagi ng utong. Ang iyong sanggol ay makasisipsip at makalulunok nang maayos.
  • Karamihan sa mga bagong silang na sanggol ay sususo sa kada dalawa hanggang tatlong oras para sa unang mga linggo. Sila ay magpapakita ng pagkagutom sa pamamagitan ng pag-uunat, pagiging walang kapahingahan, o pagsipsip at paggalaw ng kanilang labi. 
  • Lubusang pakainin ang iyong sanggol mula sa unang dibdib, hanggang sa malambot na ito—karaniwan ay tumatagal ng 15 hanggang 20 minuto. 
  • Pagdighayin ang sanggol. Tingnan kung ang sanggol ay susunggab papunta sa isa pang mga suso. Ang iyong sanggol ay susunggab kung sila nagugutom pa. Kung ang iyong sanggol ay palaging sumususo sa isang dibdib para sa unang mga linggo, i-pump ang kabilang dibdib at mag-imbak ng iyong suplay ng gatas.

Key Takeaways

Ang kahalagahan ng breastfeeding ay hindi maitatanggi. Ito ay napakahalaga para sa kaligtasan ng isang sanggol at sa pisikal at mental na kalusugan ng isang nanay. 

Alamin pa ang tungkol sa pagiging Magulang dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2010/ra_10028_2010.html, Accessed April 28, 2020

Benefits of Breastfeeding, https://www.aap.org/en-us/advocacy-and-policy/aap-health-initiatives/Breastfeeding/Pages/Benefits-of-Breastfeeding.aspx, Accessed April 28, 2020

Breast-feeding tips: What new moms need to know, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breast-feeding/art-20047138, Accessed April 28, 2020

Breast-feeding: How to gauge success, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breast-feeding/art-20045638, Accessed April 28, 2020

Breast-feeding and medications: What’s safe?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breastfeeding-and-medications/art-20043975, Accessed April 28, 2020

Maternal Diet, https://www.cdc.gov/breastfeeding/breastfeeding-special-circumstances/diet-and-micronutrients/maternal-diet.html#:~:text=diet%20while%20breastfeeding%3F-,Do%20mothers%20need%20more%20calories%20while%20breastfeeding%3F,their%20nutritional%20needs%20while%20breastfeeding., Accessed October 22, 2020

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Brand ng Baby Food na Mabibili ng mga Magulang

Alamin: Mga Pagkain para sa Baby-led Weaning


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement