backup og meta

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Hindi mapatahan ang anak? Ito marahil ang pinakauna sa listahan ng mga problema ng mga magulang. Lahat ng bagong panganak ay umiiyak at kung minsan ay nagiging maselan. Normal para sa isang sanggol na umiyak ng dalawa hanggang tatlong oras sa isang araw sa unang anim na linggo. Sa unang tatlong buwan ng buhay, umiiyak sila nang kahit sa anumang oras. Sa mga panahong ito, ang pag-iyak lamang ang kayang magawa ni baby upang kunin ang iyong atensyon. Mahirap kapag ang iyong sanggol ay hindi tumitigil sa pag-iyak. Maaari kang mag-alala na may mali sa iyong anak. Minsan nakaka frustrate isipin na wala kang kakayahang mapatahan ang iyong anak. 

Umiiyak ang mga sanggol sa maraming dahilan. ito ang pangunahing paraan ng pakikipag-usap at pagpapahayag ng kanilang mga pangangailangan. Sa una, maaaring mahirap bigyang-kahulugan ang iba’t ibang iyak ng iyong sanggol. Ngunit habang gumugugol ka ng mas maraming oras sa pakikinig, magiging mas mahusay ka sa pagkilala at pagtugon sa mga partikular na pangangailangan ng iyong anak.

Hindi mapatahan ang anak? Subukan ang mga tips na ito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Swaddling

Ang swaddling o pagbalot kay baby ay maihahalintulad sa yakap at seguridad na nakasanayan niya sa sinapupunan. Kamangha-mangha ang epekto ng swaddling sa pagpapatahimik ng mga sanggol. Gumamit ng lampin o mga espesyal na swaddling cloth at balutin si baby na parang burrito. Ang kanyang mga braso ay nakadikit at tuwid sa kanyang mga tagiliran at ang kanilang mga balakang ay maluwag at nakabaluktot. Balutin lamang si baby kapag fussy sya o ayaw huminto sa pag-iyak o di kaya ay sa pagtulog. Ihinto ang pagbalot ng ganitol kapag ang iyong anak ay maaari nang gumulong para sa kanyang kaligtasan.

Kung hindi mapatahan ang anak, subukan ang patagilid na posisyon

Ilagay ang sanggol sa iyong mga tuhod na naka posisyon sa baba ang kanyang tiyan. Pagkatapos ay dahan-dahang kamutin ang kanyang likod. Ang mahinang pressure sa tiyan ng isang sanggol ay makakatulong sa pag-aliw sa kanila. Dagdag pa, ang paghawak sa iyong sanggol sa kanyang tiyan o tagiliran ay nagdudulot ng calming reflex. Tandaan lamang na hindi ligtas na ilagay ang isang sanggol sa gilid o tiyan upang matulog. Ang likod ay ang tanging ligtas na posisyon para sa pagtulog.

Pagpapatahan sa sanggol

Sa sinapupunan ay pinakikinggan ng mga sanggol ang tunog ng daloy ng dugo na mas malakas kaysa sa vacuum cleaner. Ang pare-parehong tunog na ito ay may nakakapagpakalmang epekto sa mga sanggol. Pinakamahusay na paraan upang muling likhain ito ay sa pamamagitan ng pare-pareho at mababang tunog. Ang tawag ng mga eksperto dito ay white noise na tulad ng mga tunog na nakasanayan niyang pakinggan sa sinapupunan.

Umaayon ang American Academy of Pediatrics na ang white noise ay makakatulong na mapabuti ang pagtulog ng mga sanggol. Nalaman ng isang pag-aaral sa London na ang white noise ay nakatulong sa 80% na sanggol na makatulog sa loob lamang ng limang minuto. May mga nabibiling white noise machine ngunit huwag itong ilagay malapit kay baby.

Pagduyan

Subukan ang pagduyan kapag hindi mapatahan ang anak. Nasanay si baby na medyo magalaw ngunit kalmado ang buhay nya sa iyong sinapupunan. Ang pagpapatuloy ng pag-uyog pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol ay makakatulong sa pagpapahinto sa kanyang pag-iyak. Nalaman ng pag-aaral na ang pagsasayaw o pagduyan sa sanggol ay nagpapabuti din ng pagtulog niya at nagpapakalma. Maaari mong kargahin si baby habang idinuduyan sya. Maari din syang iduyan sa kanyang crib upang mapakalma at mapatigil sa pag-iyak.

Pagpapasuso kung hindi mapatahan ang anak

Pinapababa ng pagsuso ang tibok ng puso, presyon ng dugo, at mga antas ng stress ng iyong sanggol. Kaya hindi nakakagulat na ang mga pacifier ay nakakatulong sa maraming maselan na sanggol na makapagpahinga ng matagal. May ibang magulang na ayaw sanayin na naka-pacifier ang kanilang anak, Ang sabi ng iba ay nakakasira ito ng porma ng bunganga ni baby.  Kung ikaw ay nagpapasuso, maghintay hanggang sa maayos ang pagpapasuso bago gumamit ng pacifier.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why do babies cry

https://www.helpguide.org/articles/parenting-family/when-your-baby-wont-stop-crying.htm#:~:text=If%20your%20baby%20is%20crying,what%20to%20do%20about%20it.

Excessive crying in infants

https://medlineplus.gov/ency/article/003023.htm#:~:text=Infants%20may%20cry%20because%20of,excessive%20gas%2C%20or%20feeling%20cold

Check if your baby has colic

https://www.nhs.uk/conditions/colic/#:~:text=Check%20if%20your%20baby%20has,soothe%20or%20settle%20your%20baby

Help! My baby wont stop crying

https://www.healthline.com/health/baby/baby-wont-stop-crying

Is my baby crying too much

https://healthtalk.unchealthcare.org/is-my-baby-crying-too-much/#:~:text=%E2%80%9CAssuming%20there%20are%20no%20medical,while%20crying%2C%20but%20that’s%20OK.

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Kailan At Paano Putulan Ang Kuko Ng Baby?

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement