backup og meta

Pagtigil sa Pagpapadede: Tradisyonal, o Baby-Led?

Pagtigil sa Pagpapadede: Tradisyonal, o Baby-Led?

Ang pagpapasuso ay labis na hinihikayat sa unang anim na buwan ng bagong silang na sanggol. Gayunpaman, sa paglaki nila sa unang taon, makakakain na sila ng solid food. Ang ibig sabihin ng weaning ay hindi na dedepende ang iyong sanggol sa iyong gatas bilang pagkain. Ngayon, anong mahalagang tips ang dapat mong malaman tungkol sa proseso ng pagtigil sa pagpapadede?

Ano ang Pagtigil sa Pagpapadede o Weaning?

Ang weaning ay nangangahulugang dahan-dahan na pagpapalit mula sa gatas ng ina. Bagaman ito ay mukhang madali lamang, alam ng mga nanay na ang weaning ay hindi nangyayari nang buong magdamag. Hindi ito magiging madali tulad ng pagpatay ng ilaw. Ngunit maaari kang sumubok ng ilang mga hakbang upang hindi mahirapan.

Sinasabi ng mga eksperto na nagsisimula ang weaning kung ang iyong sanggol ay kumakain na ng ibang pagkain ilan beses sa isang araw liban sa gatas ng ina. Matapos ito, ang weaning ay nagtatapos kung ang iyong sanggol ay hindi na dumedepende sa gatas ng ina para sa pagkain.

Kadalasan na nagdedesisyon ang mga magulang upang awatin ang kanilang anak sa pag-inom ng gatas mula sa suso. Sa tipikal, nangyayari ito sa mga panahon kung ang sanggol ay 6 na buwan hanggang isang taong gulang, ngunit maaari ding mas maaga o huli.

Bakit Kailangan ang Pagtigil sa Pagpapadede?

Tandaan na ang weaning ay may kahulugan na ang solid foods ay kailangan lang kainin ng sanggol kung ito ay nakatuntong na ng anim na buwan. Ang pagsasagawa nito bago sila mag-anim na buwan ay maaaring maging mapanganib. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga magulang ay nagdedesisyon na huminto sa pagpapasuso sa anak dahil sa:

  • Nararamdaman o nasa isip na ang kanilang sanggol ay hindi nakakukuha ng sapat na gatas kada nagpapasuso.
  • Nagsabi na ang kanilang mga sanggol ay “nawawalan ng interes” sa pagsuso ng gatas.
  • Nakararanas ng sakit habang nagpapasuso, maging ang ibang mga “epekto,” tulad ng cracked nipples o mastitis.
  • Naniniwala na ang kanilang mga sanggol ay hindi na nasa-satisfy lang sa gatas ng ina.

Mga Tips sa Pagtigil sa Pagpapadede

Bago ang solid foods, maraming mga nanay ang unang pinapalitan ang mula pagpapasuso papuntang bote sa pagpapainom ng gatas sa kanilang sanggol. Narito ang ilang kapakipakinabang na tips:

  • Gawin ito nang marahan. Bigyan ng panahon ang iyong sanggol upang mag-adjust sa pagbabago
  • Alalahanin ang edad ng iyong sanggol. Kung napagpasiyahan mo siyang i-wean kung sila ay 7 o 8 buwan na edad, maaari mo silang gabayan sa pag-inom sa baso.
  • Magpasya sa mga oras ng pagpapasuso kung kailan ang iyong sanggol na hindi masyadong gusto ito.
  • Palitan ang pagpapasuso sa mga oras na ito ng infant formula sa bote o baso.
  • Magbawas ng isang session sa tiyak na panahon. Ang ibig sabihin nito na kailangan mong maghintay ng ilang mga araw o linggo bago ka magbawas ulit ng isa pang session ng pagpapasuso.

Traditional vs Baby-Led Weaning

Dahil ang ibig sabihin ng weaning ay paghinto ng pagpapasuso (o pagpapadede sa bote), mahalaga ang pagpapakilala ng mga nanay sa “solid foods.”

Sa pangkalahatan, may dalawang paraan upang pahintuin ang sanggol at magpakilala ng bagong pagkain — maaari mong gamitin ang tradisyunal na approach o ang BLW o baby-led weaning na pamamaraan.

Ngunit paano nagkakaiba ang dalawang ito at ano ang pinaka mainam para sa iyong sanggol?

Traditional Weaning 

Ang traditional weaning ay nangangahulugan na ang mga nanay ay tungkulin ang maging proactive sa pagpapakilala ng bago at solid na pagkain sa kanilang mga sanggol. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagbili o pagmasa ng pagkain, at ipakain ito sa pamamagitan ng kutsara sa iyong sanggol.

Pros

Ibig sabihin ng traditional weaning ay maaari mong:

  • Madaling i-monitor gaano karami na ang nakakain ng iyong sanggol dahil agad lang itong masusukat.
  • Maiwasan ang pagsasayang; dahil pinakakain mo ang iyong sanggol, maliit lang ang tsansa na mahulog ang pagkain sa lapag.
  • Tingnan ang labels (para sa mga biniling cereals sa tindahan at puree), upang alamin ang mga nutrisyon na nilalaman at madaling sukatin sa iyong sanggol kung siya ba ay may balanseng nutrisyon.
  • Hindi masyadong mag-aalala sa pagkasamid dahil ang puree at cereals ay mas manipis.

Cons

Ibig sabihin ng traditional weaning ay ikaw ay:

  • Maaaring mas maraming oras sa pagmasa ng pagkain o gumastos nang malaki para sa nabibiling cereals at puree.
  • Maaaring hindi ma-enjoy ang pagkain nang sabay dahil kailangan mong subuan ang iyong sanggol.
  • Maaaring mahirapan sa pagpapakilala ng totoong solid na pagkain dahil nasanay sila sa malambot na texture ng puree.

Baby-Led Weaning

Maraming mga nanay ang gustong sumubok ng baby-led weaning dahil naniniwala silang magiging mas adventurous ang kanilang sanggol sa pagkain ng iba’t ibang pagkain.

Kapag sinabi nating baby-led weaning, ibig sabihin nito na ang iyong sanggol ay kakain nang mag-isa. Syempre, hindi ibig sabihin nito na iiwan mo sila sa pagkain. Ngunit sa pangkalahatan, kailangan mo lang mag-iwan ng kakarampot na solid foods sa harap nila habang kumakain.

Ang iyong sanggol ay mag e-explore sa pagkain at ilalagay nila ito sa kanilang bibig para kainin.

Pros

Sa BLW, maaari mong:

  • Masiguro na ang iyong sanggol ay kumakain ng pagkain na may iba’t ibang texture
  • Hindi ka masyadong mahihirapan sa hinaharap dahil ang iyong sanggol ay maaaring hindi maging mapili o maselan sa pagkain.
  • Mae-enjoy mo ang oras ng pagkain sa BLW dahil nanghihikayat ito na kumain ang sanggol kasabay ng pamilya.
  • Mas marami kang oras sa ibang mga bagay dahil hindi mo na kailangan magmasa pa ng pagkain para sa puree.

Cons

Sa baby-led weaning maaari kang:

  • Humarap sa mga kalat. Dahil ang iyong sanggol ay kumakain nang mag-isa, mapupunta ang pagkain sa kanilang damit o mahuhulog sa lapag.
  • Mas mahirapan sa pag-alam kung gaano karami na ang kinakain.
  • Mas mag-alala na maaari siyang mabulunan.
  • Maging mapagpasyensa at maghintay hanggang ang iyong sanggol ay 6 na buwan o mas matanda.

Combination Weaning

Mula sa pangalan nito, ang combination weaning ay nangangahulugang i-explore mo ang parehong traditional na pamamaraan at BLW. Hayaan mo silang sumubok ng finger foods sa isang banda at subuan sila ng puree o cereals sa sunod.

Maraming mga nanay ang mas nais ang ganitong pamamaraan dahil umaakma ito sa maraming sitwasyon. Halimbawa, maaari mo ring gamitin ang BLW habang nasa restaurant sa pagbibigay sa kanila ng maliliit na hiwa ng pagkain. At pwede mong palitan ito ng puree kung ikaw ay nasa ibang lugar tulad ng parke o sa loob ng kotse.

Isa pang benepisyo ng kombinasyon sa pagpapakain sa iyong sanggol ay matututo ang iyong sanggol na ngumuya at lumunok sa parehong pagkakataon. Isipin ito, kung ikaw ay nagdepende lang sa puree, ang iyong sanggol ay malamang na lumulunok lang bago matuto na ngumuya.

Gayunpaman, ang ilang mga nanay ay nakararamdam na ang pagpili ng parehong traditional at BLW ay nakalilito sa sanggol.

pagtigil sa pagpapadede

Mahalagang Tips sa Pagtigil sa Pagpapadede

Kung ang iyong napili ay traditional na pamamaraan, BLW o kombinasyon na pamamaraan; hinihikayat kang sundin ang tips sa ibaba:

  1. Tingnan kung ang iyong sanggol ay talaga bang handa sa solid foods. Kailangan mong tingnan ang hand-eye coordination, ang abilidad na manatili sa posisyon ng pagkakaupo (habang hawak ang kanilang mga ulo), at ang abilidad na ngumuya
  2. Dahan-dahang ipakilala ang solid foods, mas mabuti isang kutsarita kada subo hanggang ang iyong sanggol ay “gusto pa ng marami.”
  3. Ipakilala ang pagkain nang isa-isa, at simulan sa mga gulay.
  4. Bigyan sila ng baryasyon ng masusustansyang pagkain habang sila ay dahan-dahang natututo na kumain ng solid foods.
  5. Tigilan ang pagbibigay ng matamis at maalat na pagkain. Hindi lang dahil sa hindi ito ang masustansyang options, ngunit makaaapekto rin ito sa gawi ng pagkain ng iyong sanggol sa hinaharap.
  6. Sa traditional weaning, ibig sabihin nito na kailangan mong tingnan ang mga senyales na ang iyong sanggol ay busog na. Mapapansin mong lalayo na sila mula sa kutsara o nagiging makulit kung itinutulak mo ang kutsara sa kanilang bibig. Para sa BLW, maaari silang huminto sa pagpili ng kanilang pagkain.
  7. Iwasan ang itlog at peanut butter nang maaga dahil maaaring maging sanhi ito ng food allergies. Gayundin, huwag pakainin ng honey hanggang sila ay nasa isang taong gulang.
  8. Ang baby-led weaning ay nangangahulugang pag-iwas sa mga pagkain na matigas, maliit at bilog, at malagkit.

Key Takeaways

Bagaman magiging mahabang proseso ito, nangangahulugan ang weaning na ang iyong sanggol ay isang hakbang na mas malapit sa pag-explore ng iba’t ibang pagkain. Dahil walang tama o maling sagot, ikonsidera ang mga kagustuhan ng iyong sanggol at mga abilidad niya sa pagdedesisyon ng weaning.

Matuto pa tungkol sa Parenting dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Weaning: stopping breastfeeding, https://raisingchildren.net.au/babies/breastfeeding-bottle-feeding-solids/weaning/weaning, Accessed July 29, 2020

From breast to bottle: your 14-day weaning guide, https://www.livingandloving.co.za/child/from-breast-to-bottle, Accessed July 29, 2020

Purees vs Baby-Led Weaning?, https://childrensmd.org/browse-by-age-group/newborn-infants/purees-vs-baby-led-weaning/, Accessed July 29, 2020

Getting Started with Weaning – the different approaches explained, https://weaningweek.co.uk/getting-started-with-weaning-the-different-approaches-explained, Accessed July 29, 2020

Weaning experts share seven simple tips to get your baby eating solid food, https://www.heart.co.uk/lifestyle/parenting/expert-tips-weaning-success/, Accessed July 29, 2020

Kasalukuyang Version

04/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement