backup og meta

Paano ang wastong latching ng sanggol?

Paano ang wastong latching ng sanggol?

Maraming tao ang nag-iisip na ang pagpapasuso ay tungkol sa produksyon ng gatas. Bagama’t maaaring totoo ito sa karamihan, posible ring makalimutan na importante ang wastong latching sa matagumpay na pagpapasuso. Gayunpaman, hindi lahat ng mga ina ay makukuha agad kung paano mag-latch ang sanggol sa kanilang unang pagpapasuso. Paano mo ipapagawa sa baby mo ang tamang breastfeeding latch? Kailangan ng pasensya at tamang kaalaman para maisagawa ito. Narito ang guide na dapat mong sundin na makakatulong kung paano mag-latch ang sanggol.

Pag-unawa sa Kahalagahan ng Latching

Bago makakuha ang sinumang sanggol ng mga sustansya mula sa gatas ng ina, kailangan munang gawin kung paano mag-latch ang sanggol.

Ang latching ay isang proseso kung saan ididikit ng sanggol mo ang kanyang bibig sa iyong suso para makadede. Maraming tao ang naniniwala na ang hakbang na ito ay madaling gawin. Pero ang totoo, ito ay isang kasanayan na dapat mong makuha at ng iyong sanggol nang magkasama.  

Mahalaga ang wastong latching. Ito ay nakakatulong na maiwasan ang discomfort at cracked nipples. Hinahayaan din nito ang bata na makakuha ng tamang dami ng gatas na kailangan niya. Kapag ikaw ay nasa isang nakakarelaks at komportableng pwesto, ang sanggol ay madaling madede ng husto mula sa bawat suso. Ito ay nagpapahintulot sa kanila na makakuha ng mas mataba na gatas mula sa iyo.

Paano ang wastong latching ng sanggol?

Paghahanda

  • Bago ang anumang bagay, humanap ng komportableng posisyon sa pamamagitan ng pag-upo sa isang upuan na may magandang suporta sa likod. Maaaring makatulong din ang stool kung saan maaari mong ipahinga ang iyong mga paa. Mapapanatili nito ang wastong postura at iniiwasan ang paglalagay ng stress sa leeg at balikat habang nagpapasuso.
  • Maaari mo ring gamitin ang breastfeeding support cushion kung meron ka nito. Mabuti rin ang isang nursing pillow sa pagkuha ng sanggol sa tamang posisyon para sa tamang pag-latch.

Pagpoposisyon

  • Siguraduhin na ang iyong sanggol ay palaging tummy-to-tummy sa iyo. Gayundin, kargahin ang baby mo sa halip na ikaw ang sasandal papunta sa kanya. Ang paggawa nito ay hindi lamang magbibigay ng pressure sa leeg at balikat mo, ngunit maaari rin itong makapinsala sa posisyon ng sanggol.
  • Dapat ang tainga, balikat, at balakang ng iyong sanggol  ay magkakapantay para madali ang paglunok.
  • Ang ilong ng sanggol ay dapat nasa kabilang side ng dibdib.

Paano Mag-latch ang Sanggol ng Tama

  • Maaaring kailanganin mong itutok ang utong papunta sa bibig ng iyong sanggol sa pamamagitan ng paghawak sa iyong suso sa tinatawag na “nipple sandwich.” Gamit ang “C” o “U” hold, hawakan ang suso sa mga gilid. Ilayo ang iyong mga daliri sa utong upang hindi makagambala sa kung paano mag-latch ang sanggol.
  • Ituon ang utong sa tuktok na labi o ilong ng sanggol kaysa sa gitna ng bibig. Upang maibuka ng iyong sanggol ang bibig, maaaring kailanganin mong i-stroke ang bahagi ng utong sa kaniyang itaas na labi.
  • Bahagyang ikiling pabalik ang ulo ng iyong sanggol upang pigilan ang baba sa pagpatong sa kanilang sariling dibdib.
  • Ang sanggol ay dapat mag-latch sa utong kapag binubuksan ang bibig nang malapad, chin down, at dila pababa. Huwag subukang itulak ang utong papasok at pilitin ang bibig ng mas malawak kung hindi ito bumuka nang husto. Mas mainam na maghintay, kilitiin muli ang labi gamit ang utong, at maghintay para sa  pagbukas ng bibig.
  • Sikaping ipasok ang pinakamaraming bahagi ng areola (ang lugar sa paligid ng utong) sa bibig ng sanggol hangga’t maaari.
  • Ang ibabang bahagi ng iyong dibdib ay dapat na naka-indent sa baba ng sanggol.
  • Suriin ang ibaba at itaas na labi ng sanggol upang makita kung ang mga ito ay flanged out tulad ng mga labi ng isda. Kung hindi, gamitin ang iyong daliri upang dahan-dahang hilahin ang ibaba at buksan pa ang itaas.

Mga Palatandaan ng Tamang Breastfeeding Latch

Mayroong ilang mga palatandaan na maaaring magsabi sa iyo kung paano mag-latch ang sanggol ng tama.

  • Ang ang wastong latching sa pagpapasuso ay hindi dapat maging hindi komportableng karanasan para sa ina.
  • Ang dibdib at tiyan ng sanggol mo ay nakahiga sa iyong katawan, na ang ulo ay tuwid at hindi nakatalikod.
  • Nakapatong sa iyong dibdib ang baba ng sanggol.
  • Hindi lamang ang mga labi, ngunit ang bibig ng sanggol ay nakabuka nang malawak sa paligid ng iyong dibdib.
  • Nakausli ang mga labi ni baby.
  • Nakasipsip ang dila ng sanggol sa ilalim ng iyong suso.
  • Naririnig mo o nakikita mo ang iyong sanggol na lumulunok.
  • Maaari mo ring makitang bahagyang gumagalaw ang mga tainga ng iyong sanggol habang siya ay sumususo.

Bumabagal ang pagsuso ng mga sanggol kapag malapit ng matapos. Ang mga suso mo ay maaaring maging mas malambot, at ang mga kamay at balikat ni baby ay maaaring maging mas nakarelaks. Kung naobserbahan mo ang mga bagay na ito, sigurado na ang iyong anak ay matagumpay na nakasuso. At salamat sa isang wastong breastfeeding latch.

Key Takeaways

Isang achievement ang manganak, at ang ma-master ang art ng breastfeeding ay isa pang tagumpay. Maaaring may ilang mga pagkakataon na hindi mo makuha ng tama kung paano mag-latch ang sanggol, tandaan na ito ay normal. Maaari mong subukan at subukang muli hanggang sa pareho kayong masanay. Patuloy na magsanay at suportahan ang iyong sanggol sa proseso upang makuha ang magandang latch.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breastfeeding FAQs: Getting Your Baby to Latch, https://kidshealth.org/en/parents/latch.html, Accessed December 6, 2021

Breastfeeding Latch, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/breastfeeding/breastfeeding-latch/, Accessed December 6, 2021

Ensuring Proper Latch On, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/breastfeeding/Pages/Ensuring-Proper-Latch-On.aspx, Accessed December 6, 2021

Getting a good latch, https://www.womenshealth.gov/breastfeeding/learning-breastfeed/getting-good-latch, Accessed December 6, 2021

How to breastfeed, https://www.nhs.uk/start4life/baby/feeding-your-baby/breastfeeding/how-to-breastfeed/latching-on/, Accessed December 6, 2021

Steps and Signs of a Good Latch, https://wicbreastfeeding.fns.usda.gov/steps-and-signs-good-latch, Accessed December 6, 2021

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement