backup og meta

Makati Ang Utong Habang Nagpapadede: Ano Ang Solusyon Dito?

Makati Ang Utong Habang Nagpapadede: Ano Ang Solusyon Dito?

Ang pangangati ay isang hindi komportableng pakiramdam na nagdudulot ng kagustuhang kamutin ito. Bagaman normal lang itong pangyayari sa pang-araw-araw na buhay, maaari kang mabalisa kung ngangati ang utong mo habang nagpapasuso. Ano ang dapat gawin kung makati ang utong?

Isa sa mga sintomas ng makating utong habang nagpapasuso ay ang hindi magandang pakiramdam sa iyong suso na sinasabayan pa ng kagustuhang kamutin ito.  

Kailan Ako Dapat Magpunta Sa Doktor?

Dapat kang kumonsulta agad sa iyong doktor kapag ang pangangati ng iyong utong ay sinasabayan na ng iba pang sintomas gaya ng:

  • Lagnat
  • May lump sa ilalim ng balat
  • Pamamaga ng suso
  • Kkirot o sakit
  • Impeksyon

Kung patuloy ang pakiramdama na makati ang utong, maaari ding ang sintomas na ito ay nagpapakita ng nakatagong problema na kailangan ng medikal na atensyon.

Ano Ang Nagdudulot Ng Pangangati Ng Utong Habang Nagpapasuso?

Mastitis

Inilarawan ang mastitis bilang breast tissue na namaga at nairita. Nagreresulta ito sa pamamaga at masakit na suso, na may kasamang mainit na pakiramdam, pamumula at pangangati. May kasama rin ang mastitis na lagnat at panginginig. Puwede itong lumitaw bigla. Madalas itong epekto ng baradong milk duct o bacteria na pumapasok sa iyong mga suso. 

Eczema

Maiuugnay ng mga babaeng may history ng eczema ang kondisyong ito ng balat sa pangangati ng kanilang utong habang nagpapasuso. Habang nagpapasuso, maaaring mairita ang mga utong mo at suso sa ganitong gawain. Nakadaragdag din ng iritasyon sa iyong balat ang pagsusuot ng masisikap na damit na kumukulong sa moisture.

Thrush

Isa pang karaniwang sanhi ng pangangati ng mga utong habang nagpapasuso ang yeast na nakapagdudulot ng impeksyon sa iyong mga utong at suso. Kilala rin sa tawag na thrush, ito ay karaniwang impeksyong naipapasa nang pabalik-balik sa pagitan ng ina gamit ang kanyang utong at sa sanggol gamit ang kanyang bibig.

Maaari ding dulot ng iba pang hindi gaanong kilalang dahilan ang pangangati ng utong habang nagpapasuso. Kabilang dito ang:

Paget’s Disease of the Breast

Kabilang sa Paget’s disease of the breast, isang bihirang uri ng breast cancer, ang balat ng utong hanggang sa areola. Bukod sa pangangati, mayroon ding tumors ang babae sa kanyang suso. Kabilang sa iba pang sintomas nito ang bitak-bitak, matigas na balat, at madilaw o kulay dugong lumalabas mula sa balat ng utong.  

Ano ang Nagpapataas Ng Panganib Na Makati Ang Utong Habang Nagpapasuso?

Ang pagpapasuso ng iyong sanggol ang nagpapataas ng panganib na maranasan mo ang pangangati ng utong. Ang pagkakaroon ng history ng eczema ay nakaaambag din sa posibleng pangangati nito. Kung magkaroon ng thrush ang iyong sanggol, mapapataas din nito ang pakiramdam na makati ang utong habang nagpapasuso.

Diagnosis at Treatment

Ang diagnosis at treatment kapag makati ang utong ay maaaring magkaiba-iba depende sa sanhi. Narito ang ilan sa mga posibleng diagnosis at treatment.

Paano Natutukoy Ang Mga Sanhi Ng Pangangati Ng Utong?

Mastitis

Magtatanong ang iyong doktor ang magsasagawa ng physical examination, kasabay ng ilang tests gaya ng pagkuha ng sample ng dugo. Maaari ding irekumenda ang paggamit ng mammogram o ultrasound kung may mga sintomas na nagpapatuloy matapos ng antibiotic therapy.

makati ang utong

Eczema

Susuriin ng iyong dermatologist ang iyong balat upang malaman kung eczema nga ang sanhi ng pangangati.

Thrush

Maaaring suriin ng iyong doktor ang bibig ng iyong sanggol at tingnan ang mga posibleng pagbabago rito. Maaari ding kumuha ang iyong doktor ng ilang sample upang makapagsagawa ng ilang tests. Puwede ring magsagawa ng blood test ang doktor upang matukoy kung mayroon bang mga sanhi ng thrush.

Paano Nagagamot Ang Mga Sanhi Ng Pangangati Ng Utong?

Magkakaiba ang treatment sa bawat sanhi. Narito ang mga posibleng treatment kapag makati ang utong.

Mastitis

Kapag tukoy na ang mastitis, narito ang mga posibleng pagpiliang gamutan:

  • Antibiotics
  • Pain relievers

Eczema

Kapag natukoy na ang eczema, narito ang mga posibleng pagpiliang gamutan:

  •  Oral allergy o anti-itch medication

Thrush

Kapag natukoy na ang thrush, narito ang mga posibleng pagpiliang gamutan:

  • Mild antifungal medication para sa iyong sanggol
  • Antifungal cream para sa iyong suso

Ano Ang Mga Lifestyle Changes o Home Remedies Upang Makontrol Ang Pangangati Ng Utong Habang Nagpapasuso?

Kung nalaman mong ang pangangati ng utong ay hindi dahil sa impeksyon o sa mga problemang gaya ng mastitis, maaaring makatulong at maiwasan ang hindi komportableng pakiramdam ng ilang home remedies.

Narito ang ilang posibleng remedies:

  • Magtanong sa iyong doktor tungkol sa ointments o creams na makatutulong upang mabawasan ang pangangati.
  • Gumamit ng moisturizer.
  • Linisin at punasan ang iyong suso tuwing pagkatapos magpasuso.
  • Ubusin ang gatas sa iyong mga suso sa pamamagitan ng pagpapaubos sa sanggol ng gatas sa isang suso bago lumipat sa isa pang suso.
  • Magpalit-palit ng posisyon sa pagpapasuso.
  • Lumapit sa isang lactation consultant.
  • Gawin ang tamang posisyon sa pagpapasuso.
  • Gumamit ng nursing pads.

Ang pagpapasuso ang isa sa pinakamasayang bagay para sa isang ina. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang matugunan ang anumang isyung pangkalusugan o hindi komportableng pakiramdam upang lubos na ma-enjoy ang karanasang ito.

Matuto pa tungkol sa pagiging magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17885-breast-rash/when-to-call-the-doctor, Accessed April 27, 2020

Breast Rash, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17885-breast-rash/possible-causes, Accessed April 27, 2020

Mastitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/mastitis/symptoms-causes/syc-20374829, Accessed April 27, 2020

Mastitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/mastitis/diagnosis-treatment/drc-20374834, Accessed April 27, 2020

Oral thrush, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oral-thrush/diagnosis-treatment/drc-20353539, Accessed April 27, 2020

Oral thrush, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oral-thrush/symptoms-causes/syc-20353533, Accessed April 27, 2020

Atopic dermatitis (eczema), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273, Accessed April 27, 2020

Kasalukuyang Version

03/21/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Malunggay Recipe for Breastfeeding Moms na Maaaring Magpadami ng Milk Supply

Paano Gumamit Ng Breast Pump? Heto Ang Step-By-Step Kung Paano


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement