Kapag stimulated, karamihan ng mga tao ay nakakaranas ng inverted ng utong. Gayunpaman, may mga kaso kung saan, kahit na may pagpapasigla o stimulation. Ang mga utong ay hindi nakausli – naka-point inward ang mga ito sa ibabaw ng dibdib. Ito ay tinutukoy bilang inverted nipples. At ang kondisyong ito ay maaaring mangyari sa isa o dalawang mga utong. Kailangan mo bang ayusin ang inverted na utong? At paano ayusin ang isang inverted na utong? Alamin dito.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Ano ang Nagiging Sanhi ng Inverted na Utong?
Bago natin ipaliwanag ang mga paraan para ayusin ang inverted na utong, linawin muna natin ang ilang bagay.
Una, ang nipple inversion ay maaaring mangyari sa mga lalaki at babae. Pangalawa, ang isang inverted na utong ay maaaring congenital, ibig sabihin ay ipinanganak ka na mayroon nito o nakuha mo. Panghuli, ang pagkakaroon ng inverted na utong ay hindi nangangahulugang kailangan mo ng tritment.
Ngunit ano nga ba ang sanhi ng nipple inversion?
Masyadong maraming pagdirikit o adhesion
Ang congenital nipple inversion ay nangyayari kapag ang breast tissues ay masyadong nakakabit sa base ng nipple. Dahil ang mga tissue na masyadong nakadikit, ang utong ay nagpo-point inward, loob sa halip na dapat ay nasa labas. Kahit na ito ay pinasigla o stimulated minsan (malamig na temperatura, kasarian, atbp.)
Shortening ng milk ducts
Ang isa pang posibleng dahilan sa ng inverted na utong ay ang pagpapaikli ng milk ducts. Na dumadaan sa breast tissues at opening ng utong.
Mga kondisyong medikal
Ang mga medical condition ay maaaring mag-lead sa nipple inversion. Ang ilan sa mga pinagbabatayan health concerns na nagtri-trigger ng inverted na utong ay:
- Mastitis
- Abscess sa ilalim ng areola
- Duct ectasia, isang kondisyon kung saan lumalawak ang milk ducts at nagiging makapal ang mga wall nito.
- Tuberkulosis
- Biglang pagbaba ng timbang
- Mga komplikasyon ng operasyon sa dibdib
- Ilang uri ng kanser sa suso, tulad ng Paget’s disease ng utong
Tandaan:
Kung ikaw o may kilala kang tao na naobserbahan mong bago o biglaang nagsimula ang nipple inversion. At iba pang mga palatandaan tulad ng pamamaga o discharge. Maganda na kumunsulta kaagad sa isang doktor.
Kailangan Mo Bang Ayusin ang Inverted na Utong?
Nalalaman ng maraming tao ang tungkol sa nipple inversion sa isang regular na pisikal na pagsusuri. Kung na-observe ito ng doktor bago ang puberty, malamang na hindi nila irerekomenda ang tritment. Dahil maraming kaso ang nalulutas kapag ang mga pasyente ay umabot na sa adolescence.
Kung hindi ito malulutas, at ang utong ay mananatiling retracted pagkatapos ng puberty. Malamang na magpapatuloy ang kondisyon. Hindi ito nangangahulugan na kailangan mo itong gamutin. Dahil karamihan sa mga kaso ng congenital nipple inversion ay hindi nagdudulot ng anumang pinsala. Gayunpaman, ang hitsura ng isang inverted na utong ay maaaring maging sanhi ng isang tiyak na level of distress. Higit pa rito, maaaring maging mahirap ang pagpapasuso.
Para sa kadahilanang ito, ang ilang mga tao ay naghahangad na ayusin ang kanilang mga inverted na utong para sa pagpapasuso, psychosocial, o cosmetic na mga dahilan.
Paano Ayusin ang Inverted na Utong?
Ang pagwawasto ng inverted nipple ay kadalasang nakadepende sa grade of inversion.
Grade 1: Tinatawag ding “shy nipples” dahil kaunti lamang fibrosis at minsan ay wala itong fibrosis (pagkakapal ng mga tisyu) at ang nipples ay madaling i-pull out at ma-maintain ang protrusion.
Grade 2: Moderate fibrosis. Ang mga utong ay maaaring i-pull out, ngunit mas mahirap, at sila ay nagre-retract pagkatapos.
Grade 3: May kapansin-pansing fibrosis at ang utong ay hindi makausli o protrude.
Nasa ibaba ang dalawa sa mga istratehiya sa tritment ng inverted na mga utong:
Paano Ayusin ang Inverted na Utong: Paggamit ng nipple retractor o mga suction device
Pino-point out ng isang 10-year study na ang pagsusuot ng nipple retractor (sa pag-aaral, gumawa sila gamit ang isang hollow-end ng syringe) sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ay matagumpay na naitama ang grade 1 at 2 nipple inversion. Bukod dito, nabanggit ng mga mananaliksik na naiwasan nito ang pinsala sa milk ducts at napanatili ang pagpapasuso.
Sa ngayon, may mga available na nipple retractor at suction device sa merkado, ngunit kailangan ng higit pang pag-aaral upang patunayan ang pagiging epektibo ng mga ito.
Paano Ayusin ang Inverted na utong: Surgery
Ang ilang mga doktor ay nagrerekomenda ng operasyon para itama ang nipple inversion. Lalo na ang mga nasa ilalim ng grade 3. Sa panahon ng operasyon, ang layunin ay hindi lamang upang iwasto ang retraction. Ngunit para mabawasan ang scarring, mapanatili ang sensasyon, at ang paggana ng milk ducts.
Paano naman ang Hoffman technique?
Hoffman technique ay pamamaraan kung saan ginagamit ang iyong mga hinlalaki para pindutin ang dibdib at manu-manong i-pull out ang utong. Isa itong technique of historic significance. Ngunit may ulat na nagsasabi na ang pamamaraang ito ay hindi nakakatulong sa pagpapasuso. Higit pa rito, maaari itong makagambala sa milk ducts.
Key Takeaways
Paano ayusin ang isang inverted na utong? Kung gusto mong ayusin ang nipple inversion, kumunsulta sa’yong doktor. Bibigyan nila ng grado ang inversion at magrerekomenda ng pinakaangkop na tritment.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pagpapasuso dito.