backup og meta

Breast pump Philippines: Heto ang mga brands na mapagkakatiwalaan

Breast pump Philippines: Heto ang mga brands na mapagkakatiwalaan

Naging ubiquitous sa maraming mga ina ang paggamit ng breast pump habang binabalanse nila ang motherhood at trabaho. Dahil marami sa kanila ang kailangang iwanan ang kanilang baby sa bahay para maghanapbuhay, sa tulong ng breast pump, masisiguro ng mommies na makakatanggap pa rin ng kanilang anak ng “liquid gold” ng breastmilk. Kaya’t hindi na nakakapanibago na marami ang naghahanap ng “breast pump Philippines” online.

Umaasa sa breast pumps ang mga mommy upang maitaguyod at mapanatili ang mga benepisyo ng breastfeeding. Partikular lalo kapag hindi direktang nakakapag-breastfeed ang sanggol. Ito’y pwedeng maganap sa maraming kadahilanan. Maaaring kailanganin ng ina na wala sa mahabang panahon para magtrabaho. Kaya naman, pwedeng hindi maka latch nang maayos sa utong ng ina ang bata — o maaaring mas gusto na lamang ng bottle feed ng anak at magulang. Sa ibang pagkakataon, maaaring magkaroon ng labis na suplay ng breastmilk ang isang ina. Ngunit, anuman ang dahilan, makakatulong ang breast milk upang masagot ang mga pangangailangan ng ina at anak.

Pagpili ng Pinakamahusay na Breast Pump Philippines: Mga Factor na Dapat Isaalang-alang

Magkano ang Pump?

Karaniwang mas abot-kaya ang manual kumpara sa electrical pumps. Hindi nagiging advisable ang pagbili ng second-hand pump dahil sa maaring kontaminasyon.

Madali bang pagsama-samahin, dalhin, at malinis ba ang pump?

Sinasabi na hindi dapat maging isang nakakadismaya na gawain ang pag-assemble ng breast pump. Dahil ito’y dapat na maging isang tool na tumutulong sa mga ina. Dapat na maging madaling malinis ang anumang bahagi na nadikit sa’yong balat o maging sa mismong gatas. Kapag pinagsama-sama ang bahagi ng pump dapat na mapanatili itong maayos at malinis. Kung dadalhin mo ito sa trabaho o magbibiyahe kasama nito, pinakamahusay na maghanap ng magaan na pump na may storage case.

Gaano kadalas mo gagamitin ang Breast Pump Philippines?

Mahalaga ito dahil ang occasional separation sa sanggol habang may sapat na milk supply ay pwedeng mangahulugan — na ang kailangan mo lang ay isang simpleng hand pump. Gayunpaman, para sa mga gumugugol ng oras sa trabaho, maaaring kailanganin nilang isaalang-alang ang isang electronic pump.

Gaano ang kailangan bilis sa pag-pump?

Pwedeng ikonsidera o maisip ang paggamit ng electric breast pump kapag nagbobomba sa trabaho o sa ilalim ng time pressure. Kung saan, nagbibigay-daan ito para sa parehong mga suso na ma-pump nang sabay-sabay. Sa mga tipikal na sesyon ng pumping, karaniwang tumatagal ng 10-15 minuto sa suso. Dapat itong maging factor sa napiling breast pump.

Kailangan mo bang mag-hands free?

Ang isang hands-free options ay magbibigay-daan na maipagpatuloy ang trabaho habang nagpa-pump. Makikita na ang ilang mga naisusuot na pump ay maaari pang ilagay sa loob ng iyong bra. Para bigyan ka ng ilang discretion habang ginagawa ang gawain. Maaaring makatulong ang isang hand-free pumps kung mayroon kang higit sa isang anak — o kung kailangan mong alagaan ang iyong sanggol habang nagpa-bump.

Sa isang pag-aaral na inihambing ang mga epekto ng isang mini-electric pump at isang novel manual breast pump. Ginamit ang 60 term breastfeeding mothers ang pumps sa randomized na order ng eight weeks postpartum — para sa 10 minuto mula sa bawat suso. Kahit sa milk volume, fat content, at pattern ng daloy ng gatas. Walang makabuluhang pagkakaiba sa dami ng gatas o content fat ang natukoy. Gayunpaman, ang manual breast pump ay na-rate na mas mahusay sa pangkalahatan, mas komportable, at mas kaaya-ayang gamitin.

Dagdag pa rito, ang pinakamahalagang factor na dapat isaalang-alang. Kapag pumipili ng breast pump, nananatilI pa rin ang lifestyle at personal na kagustuhan ng ina. Ang paggawa ng wastong pagsasaliksik ay susi para maiwasan ang paggawa ng magastos at masakit na mga pagkakamali.

Pinakamahusay na Mga Modelo ng Breast Pump Philippines na Mapipili

Sa Pilipinas, maraming mapagpipiliang breast pump. Mayroong parehong mga de-koryente at manu-manong bersyon sa iba’t ibang mga punto ng presyo. Mula sa iba’t ibang mga brand — narito ang ilan:

  1. Ang Spectra S1 Plus Electric – Php9,000, double electric na may rechargeable na baterya, may backflow prevention at mga bote.
  2. Spectra S2 Plus Electric – Php7,500, may kasamang selyadong 20mm breast kit.
  3. Ang Spectra 9 Plus Electric – Php6,400, chargeable.
  4. Spectra Handy Manual Breast Pump – Php1,253. Makikita na ang hygienic silicone duckbill valve ay nagbibigay-daan sa pag-disassembly. Ang lightweight ergonomic design ay nakakatulong na mabawasan ang pagkapagod sa kamay at pulso.
  5. NUK Jolie Manual Breast Pump – Php1,749, ito ay gawa sa Germany.

Ang iba’t ibang mga kababaihan ay hindi pwedeng hindi magkaroon ng iba’t ibang mga kagustuhan. Kaya maliwanag na ang isang manual (o electric) na pump ay hindi mamahalin o magugustuhan ng lahat sa kanila. Ngunit, ang magandang balita ngayon, mas maraming pagpipilian ngayon kaysa dati. Maaaring sukatin ng mga ina ang kanilang mga kagustuhan laban sa kanilang mga pangangailangan at badyet. Para piliin ang pinakamahusay na breast pump para sa kanila.

Matuto pa tungkol sa Pagpapasuso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breast-feeding: Choosing a breast pump, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breast-feeding/art-20046850, Accessed November 16, 2021

Randomized Study Comparing the Efficacy of a Novel Manual Breast Pump With a Mini-Electric Breast Pump in Mothers of Term Infants,

https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/089033440101700206, Accessed November 16, 2021

Breastmilk Expression and Breast Pump Technology, https://www.ingentaconnect.com/content/wk/cobg/2015/00000058/00000004/art00016, Accessed November 16, 2021

Breast Pumps Price List November 2021 – Philippines, https://iprice.ph/feeding/breastfeeding/breast-pumps/, Accessed November 16, 2021

Finding the Best Breast Pump, https://www.webmd.com/parenting/baby/news/20010614/finding-best-breast-pump#1, Accessed November 16, 2021

Kasalukuyang Version

02/18/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement