Ang katawan ng isang ina ay dumadaan sa maraming pagbabago habang buntis. Ilan sa mga pisikal na pagbabago na ito ay hindi nakikita. Isa sa mga perpektong halimbawa ay ang pagkakaroon ng gatas sa suso. Bago mag-produce ang nanay ng “regular” na gatas para sa kanilang sanggol, nagpro-produce sila ng kakaiba at unique na uri ng breast fluid na tinatawag na colostrum milk o “pre-milk.” Mahalaga ang benepisyo ng colostrum para sa mga bagong silang.
Ang espesyal na uri ng breastmilk na ito ay mahalaga ang gampanin para sa maagang development ng bagong silang na sanggol.
Ano ang Benepisyo ng Colostrum?
Ang colostrum ay ang unang stage ng gatas ng ina na prino-produce ng mammary glands. Ang colostrum ay mayroong makapal, malagkit na consistency, at may yellowish-white na kulay. Ang mga katangian na ito ay dahil sa mataas na concentration ng nutrisyon at antibodies. Gayunpaman, ang itsura ng colostrum ay iba-iba sa mga nanay.
Kasama sa benepisyo ng colostrum ang pagkakaroon ng maraming protina, kaunting carbohydrates at mas kaunting fat kumpara sa uri ng gatas ng ina na napro-produce sa susunod na mga stage ng pagpapasuso. Maraming mga benepisyo ng colostrum na makukuha ng iyong bagong silang na anak sa pag-inom ng gatas na ito.
Matapos mag-produce ng gatas na colostrum, ang mammary glands ay magsisimula na muling mag-produce ng pangalawang stage ng gatas ng ina, na transitional breast milk. Ang transitional na gatas ay may mas mataas na protina kaysa sa colostrum na gatas. Matapos ang pangalawang stage, ang production ng gatas ay magtutuloy sa huling stage, na mature milk.
Kailan Nagsisimulang Mag-produce ng Colostrum ang mga Nanay?
Ang mga babae ay normal na nakagagawa ng gatas bago manganak, colostrum milk sa pagiging tiyak. Ang pagpro-produce ng gatas ay kadalasang nagsisimula sa pangalawang trimester ng pagbubuntis sa ika-16 hanggang ika- 22 na linggo.
Kung ikaw ay kasalukuyang nasa ikalawang trimester at mapapansin mong mayroong clear o yellowish na lumalabas mula sa iyong suso o maliit na mga patak ng liquid stains sa iyong maternity bra, malamang na ito ay colostrum.
Gaano Katagal ka Magpro-produce ng Colostrum?
Ang colostrum production ay tipikal na tumatagal ng 3 hanggang 5 araw matapos ang panganganak. At sa mga panahon na ito mahalaga na ang iyong bagong silang na sanggol ay makatanggap ng lahat ng mga benepisyo ng colostrum na makukuha niya.
Matapos ang period na ito, ang iyong suso ay magsisimulang maging firmer at mas mabigat, dahil ang mammary glands ay matra-transition mula sa production ng colostrum papuntang mature milk.
Bagaman ang colostrum ay naging mature na gatas matapos ang transition, naroon pa rin ito bilang gatas sa suso sa anim na mga linggo ngunit hindi gaanong kalakas tulad nung una.
Benepisyo ng Colostrum: Bakit ito Mainam para sa mga Sanggol?
Sa lahat ng tatlong stages ng gatas ng ina, ang colostrum ang pinaka mahalaga sa lahat. Dahil ang colostrum ang nakapagbibigay ng mas maraming nutrisyon sa mga sanggol, na nakatutulong sa pangkalahatang paglaki at development.
Ang colostrum na gatas ay may nilalaman na iba’t ibang mahahalagang nutrisyon at properties na kailangan ng sanggol upang lumaki.
Narito ang ilang mga benepisyo ng colostrum na kailangan mong malaman, lalo na kung ikaw ay unang beses na maging nanay.
Mas Mainam na Kalusugan sa Bituka
Ang colostrum ay nakapagbibigay ng magandang pagtunaw sa mga sanggol dahil ito ay may mataas na protina at mababang sugar at fat. Mayroon din itong mataas na lebel ng lactoferrin, na isang prebiotic. Ang lactoferrin ay responsable sa stimulation at pagdami ng good bacteria sa loob ng bituka.
Mayroong Antibodies upang Palakasin ang Immunity
Ang susing salik bakit ang gatas ng ina, colostrum sa pagiging tiyak, ay tinatawag na “liquid gold” ay dahil sa antibody nito at immune cell properties. Ang mga antibodies at immune cells ay nakatutulong na labanan ang bacteria at viruses na maaaring pumasok sa katawan.
Mayroong limang secretory immunoglobulins (antibodies) sa gatas ng ina, na tinatawag na IgG, IgA, IgM, IgD, at IgE. Gayunpaman, ang pinakamakapangyarihang antibody na makikita sa colostrum na gatas ay ang IgA.
Ang immunoglobulin A (IgA/SIgA) ay makikita sa mucous membrane, pumipigil ito sa mga sakit na sanhi ng bacteria at viruses mula sa pagkapit sa iba’t ibang organs, tulad ng mga bituka, lalamunan, at mga baga.
Puno ng mga Nutrisyon at Iba pang Mahahalagang Properties
Isa sa pinaka karaniwang benepisyo ng colostrum ay ang nutrient-dense features. Ang colostrum ay nagtataglay ng mataas na lebel ng beta carotene, na nagbibigay ng yellowish o golden-yellow na kulay.
Ang beta carotene ay ang nagpapasimula ng Bitamina A, na nagpapalakas ng immunity at nagpapabuti ng kalusugan sa mata. Nakatutulong din ang Bitamina A sa pangkalahatang kalusugan ng mga organs sa katawan.
Ang colostrum ay mayaman din sa mga susing nutrisyon tulad ng Bitamina B, Bitamina C at E, at iba pang minerals at macronutrients. Lahat ng mga espesyal na nutrisyon na ito ay ang bumubuo sa colostrum ang “superfood sa lahat ng superfoods.”
Kumikilos bilang Natural na Laxative
Maliban sa pagtulong at pagpapanatiling mabuti ng digestive system, ang colostrum ay kumikilos din bilang natural laxative, na nakatutulong sa mga sanggol na matanggal ang meconium. Ang meconium, o ang unang tae ng mga sanggol ay naglalaman ng bilirubin, isang yellow-orange na substance, sa mga di normal na lebel ay nagiging sanhi ng jaundice.
Mainam para sa mga Premature na Sanggol
Dahil ang benepisyo ng colostrum ay para sa pangkalahatang kalusugan ng digestive system maging ang pagbibigay ng immunization, ito ay perpektong tulong sa paglaki at development ng premature na mga sanggol. Ang colostrum ay tutulong sa pagbuo ng malusog na digestive system para sa mga premature na sanggol.
Sa parehong pagkakataon, makapagbibigay rin ito ng immunity laban sa bacteria at viruses dahil ang mga premature na sanggol ay mas madaling kapitan ng infection.
Kahit na ang mga nanay ay maaari lamang na mag-produce ng 2 hanggang 4 na kutsarita ng colostrum kada araw, mainam pa rin itong serving size para sa mga sanggol.
Mahalagang Tandaan
Dahil ang mga sanggol ay kinakailangan lang ng kaunting dami ng colostrum sa unang mga araw matapos maipanganak, ganap na normal lamang kung ang unang supply ng gatas ng nanay ay hindi gaanong marami tulad ng gatas na maipo-produce niya sa hinaharap.
Kahit na ang yugto ng colostrum ay tumatagal lamang ng ilang mga linggo matapos manganak, magagawa nito ang kanyang layunin sa pagbibigay ng nourishment na kinakailangan ng bawat sanggol upang mag-survive at lumaki. Ang pagpapabuti ng kalusugan ng bituka at pagpapalakas ng immunity ng bagong silang na sanggol ay ilan lamang sa maraming benepisyo ng colostrum.
Ang pagpapasuso sa iyong anak ay maaaring mahirap na gawain, ngunit nakatutuwa na makita ang iyong anak na lumalaking malusog at malakas sa paglipas ng panahon.
Matuto pa tungkol sa sanggol at pagpapasuso rito.