Ang maliliit na ducts ay nagdadala ng gatas mula sa mammary glands hanggang sa mga utong sa panahon ng pagpapasuso. Minsan, ang mga ducts na ito ay nagiging barado dahil sa mga tirang gatas at maaaring maging sanhi ng sakit, pamamaga, at pangangati. Sa artikulong ito, ituturo namin sa iyo kung paano i-clear ang isang baradong milk duct
Mga sanhi ng baradong milk duct
Ang baradong milk duct ay karaniwang nangyayari sa mga nanay na kamakailan ay nanganak at nagpasyang o piniling mag-breastfeed o mga nanay na huminto sa pagpapasuso. Bukod pa rito, ang mga nanay na nagpapasuso ay maaari ring magdusa mula sa mga baradong duct kung:
- Mayroong isang kamakailang pagbabago sa iskedyul ng pagpapakain ng sanggol
- Ang sanggol ay may mahinang latch
- Mayroong hindi sapat o hindi kumpleton daluyan ng gatas sa bawat sesyon ng pagpapasuso
- Paglaktaw ng sesyon ng pagpapakain
- Nakaranas ng pressure sa suso dahil sa hindi komportableng posisyon ng pagpapasuso o masikip na damit
- Siya ay stress. Ang stress ay nagpapabagal ng produksyon ng oxytocin, isang hormone na tumutulong sa paglabas ng gatas
Mga sintomas ng baradong milk duct
Ang mga sintomas ng baradong milk duct ay ang sumusunod:
- Isang mainit-init, namamagang bahagi sa suso
- Sakit at pagiging malambot sa isang tiyak na area ng suso
- Nabawasan ang daloy ng gatas sa apektadong suso
- Isang lumpy area sa suso
- Pagkakaroon ng milk bleb, isang maliit na puting tuldok sa bukas na bahagi ng utong
Paano i-clear ang isang baradong milk duct?
Ang pinakamagandang bagay na gagawin kung mayroon kang mga sintomas ng mga baradong milk duct ay magpatuloy sa pagpapasuso at pag-pa-pump. Upang gamutin ang mga baradong milk duct, sundin ang mga pinaka mainan na gawaing ito.
Bago ang pagpapasuso
Bago ang pagpapasuso, maligo nang mainit-init na tubig at malumanay na i-massage ang namamagang bahagi ng suso upang makatulong na mabasag ang bukol (lump) . Bukod pa rito, maaari kang mag-aplay ng warm compress sa apektadong lugar ng 20 minuto sa isang pagkakataon.
Tiyakin na hindi ka nakasuot ng masikip na damit o bra. Kung posible, alisin ang iyong panloob na kasuotan bago magpasuso.
Sa panahon ng pagpapasuso
Upang i-clear ang isang baradong milk duct kapag nagpapasuso, maghanap ng komportableng posisyon; Sinasabi ng ilang mga ulat na mainam na ilagay ang baba ng iyong sanggol na malapit sa apektadong lugar.
Tinutulungan din nito na ang gatas ay dumaloy nang pababa mula sa baradong mga duct patungo sa utong. Isaalang-alang ang pagluhod at pakainin ang iyong sanggol habang sila ay nakahiga sa kama.
Kahit anong posisyon ang piliin mo, huwag kalimutang suriin ang pagkakalakip ng iyong sanggol. Kung ang iyong sanggol ay hindi maganda ang latch, maaaring lumala ang pagbabara.
Sa huli, subukang madalas na pakainin ang iyong sanggol sa apektadong suso. Habang nagpapadede ka, malumanay na imasahe ang bukol (lump) patungo sa iyong mga utong..
Pagkatapos ng pagpapasuso
Pagkatapos ng pagpapadede siguraduhin na ang iyong suso ay malambot at komportable. Kung ito ay nakararamdam pa rin ng mabigat, ngunit ang iyong sanggol ay hindi gusto ang gatas, gumamit ng breast pump, o i-hand express ang gatas.
Upang makatulong na mapawi ang sakit at mabawasan ang pamamaga, ilapat ang isang mainit at malamig na pag-compress (halinhinan ) sa apektadong lugar pagkatapos ng pagpapasuso.
Karagdagang mga solusyon sa bahay para sa baradong milk duct
Bukod sa tuluy-tuloy at madalas na pagpapasuso, maaari mo ring isaalang-alang ang mga sumusunod na gawi upang i-clear ang isang baradong milk duct.
Ibabad ang iyong suso sa isang mangkok na may mainit na tubig
Maghanda ng isang mangkok ng mainit na tubig. Humilig sa mangkok at ibabad ang iyong suso ng 10 hanggang 20 minuto. Ang mungkahing ito ay nagpapahina sa pagbara dahil ang mainit na tubig ay nakakatulong na mabasag ang bukol habang ang pagkahilig ay nagpapahintulot sa gravity upang matuyo ang gatas.
Magkaroon ng sapat na pahinga
Ang stress ay nagdudulot ng oxytocin, subukang mabawasan ito sa pamamagitan ng pagpapahinga hangga’t maaari. Maghinay-hinay lamang sa mga gawaing bahay at sabayang ang iyong sanggol kung siya ay natutulog. Sa huli, huwag mag-atubiling humingi ng tulong kapag marami ng gawain. .
Kumuha ng over-the-counter pain relievers
Ang sakit ay nagpapahirap upang makakuha ng sapat na pahinga, at maaaring maging mahirap para sa iyo na mag-alaga nang madalas. Isaalang-alang ang pagkuha ng Doctor-approved paracetamol o ibuprofen para sa lunas sa sakit. Kung umiinom ka ng iba pang mga gamot, suriin sa iyong doktor upang matiyak na hindi ito magiging sanhi ng interaksyon ng iba pang gamot.
Ang nagpapasusong nanay ay hindi pinapayuhan na uminom ng aspirin dahil maaaring maging sanhi ito ng Reye’s syndrome sa kanilang mga sanggol. Ang Reye’s syndrome ay isang kondisyon na nakakaapekto sa utak at atay.
Kailan ang pagbisita sa doktor
Kung patuloy at madalas na nagpapasuso, magkakaroon lamang ng ilang araw upang i-clear ang baradong milk duct. Kung ang iyong mga sintomas ay mananatili o kung lumalala sila, tulad na ang bukol ay nagiging mas nakikita at nagiging sanhi ng lagnat, magtakda ng appointment sa iyong doktor kaagad. Ang lagnat, kasama ang inflamed breast, ay maaaring nagpapahiwatig ng pamamaga ng suso (mastitis), na maaaring humantong sa pus na build-up (abscess) kung hindi maayos ang pamamahala. .
Matuto nang higit pa tungkol sa pagpapasuso dito.