backup og meta

Relasyon ng Mag-asawa, Paano Panatilihin kahit May Anak na?

Relasyon ng Mag-asawa, Paano Panatilihin kahit May Anak na?

Mula sa mga taon na dalawa lamang kayo, ikaw at ang iyong partner ay siguradong gumawa na ng maraming adjustments kung dumating na ang mga bata. Sa paggawa ng mga gawain bilang mga magulang nang magkasama, may mga panahon na ang inyong personal na relasyon ay naisasantabi at paunti nang paunti na ang mga date nights. Nauunawaan niyo ito: kailangan niyang magtrabaho nang mabuti upang makapagbigay ng mga pangangailangan sa lumalaking pamilya habang ikaw ay may hindi matapos-tapos na listahan ng mga bagay na dapat na matapos bilang nagtatrabahong nanay.

Ngunit kahit na pinapanatili kayong abala ng mga bata, huwag kalimutan ang iyong asawa o partner. Sa kabila ng lahat, siya ang iyong teammate sa mundong ito, ang pagiging magulang ay isang journey. Sa artikulong ito, tatalakayin paano pananatilihin ang relasyon ng mag-asawa.

Pag-aalaga sa Iyong Personal na Relasyon bilang Couple

Manatiling nagmamahalan at panatilihin na buhay ang spark sa relasyon ng mag-asawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paalala:

1. Alagaan ang bawat isa.

Ibig sabihin ng karagdagang responsibilidad ay mas mahirap na pagtatakda sa mga priority. Minsan, nahuhuli ang pagiging mag-asawa, at nakakalimutan ng mga mag-asawa na alagaan ang bawat isa. Ang simpleng acts of service tulad ng pagluluto ng kanyang paboritong ulam o mabilis na masahe at ang pagsasabi ng “Thank you” at ibang mga words of affirmation ay mas magpapagaan ng mabibigat na araw.

2. Paalabin ang pagmamahalan sa pamamagitan ng bagong gawain.

Maaaring magsimulang makaramdam kayo na ang inyong relasyon ay isang routine na lamang at nawawalan ang pagiging sabik. Bakit hindi sumubok ng bagong gawain? Matuto ng skill o magpakilala ng bagong ritwal na magdidiskubre sa inyong dalawa ng bago sa isa’t isa. Imbitahan ang iyong asawa sa isang yoga class sa Urban Ashram o dumalo ng spiritual parenting workshop upang matuto ng bagong techniques sa pagiging mabuting magulang.

3. Gawin ang mga gawaing bahay na magkasama.

Nagpaplano na maglinis ngayong darating na Linggo? Hatiin ang mga gawaing bahay at magtulungan hangga’t maaari. Sa pag-aalaga ng mga bata ay nakaatang na ang gawain at hayaan na magpahinga ang isa, at vice versa. Tulad ng sinasabi nilang teamwork makes the dream work. Gayundin ang paghahati ng mga trabaho sa bahay at pagkakaroon ng malinaw na gawain ay isang paraan upang maiwasan ang pakiramdam na hindi patas sa asawa.

4. Magdagdag ng elemento ng sorpresa.

Ang susi ay panatilihin na buhay ang pananabik. Gumawa ng iba’t ibang acts of love at sorpresa sa isa’t isa. Ang mga gestures ay hindi nangangailangan na engrande, dahil laging ang mismong effort at thought ang mahalaga. Mag-iwan ng notes sa fridge upang bumati ng good morning, o gumawa ng cozy Netflix nook sa balcony upang ma-enjoy ang magandang linggo.

5. Laging makipag-ugnayan kahit na gaano kaabala

Kung nalulunod na tayo sa trabaho at nao-overwhelm sa buhay, madalas tayo ay pagod nang makipag-usap sa ating mga asawa tungkol sa nangyari sa araw, mga kinatatakutan natin at pangamba o ang ating mga plano. Laging makipag-ugnayan upang matalakay niyo ang ma isyu o kahit ano— tungkol sa buhay pamilya at sa buhay indibidwal. 

6. Magtakda ng date nights.

Ipaalala ang pagmamahalan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagtatakda ng romantic date nights para sa inyong dalawa. Maaaring magluto kayo, kumain ng roast beef at wine, o mag-enjoy sa platter ng sushi at tempura. Mag-usap tungkol sa mga bagay na hindi niyo napag-uusapan at gawin ang date nights bilang bagay na aasahan kada buwan o kada linggo.

7. Magbigay sa bawat isa ng oras.

Oo, dalawa kayo palagi sa panahon na ito. Ngunit kailangan din na magkaroon ng oras para sa sarili. Hikayatin ang bawat isa na magpahinga o gumawa ng bagay na ikasasaya. Magpalitan, magpahinga, at bumalik na mas malakas. Gamitin ang oras upang alagaan ang sarili upang magpatuloy na alagaan ang mga anak at ang bawat isa.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Ang kwentong ito ay orihinal na lumabas sa Edamama at ginamit muli na may pahintulot:https://www.edamama.ph/discover/nurture/keep-relationship-strong-while-raising-kids

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement