Bakit Mahalaga ang Parenting Styles?
Ang parenting style ay ang paraan kung paano itinuturo ng mga magulang ang mabuting aral sa kanilang mga anak. Ang parenting style ay gumagamit ng mga subok nang pamamaraan at child-rearing methods upang maturuan ng tama ang mga bata.
Ngunit bago natin pag-usapan ang mga parenting styles sa Pilipinas, pag-usapan muna natin kung saan nagmula ang mga ito.
Noong 1960’s ay nagsimulang sumikat ang mga parenting styles; dahil si Diana Baumrind, isang clinical at developmental psychologist, ay nais malaman kung anu-ano ba ang nakakaimpluwensya sa mga “self-reliant” na bata.
Naisip ni Baumrind na kung malaman natin ang katangian ng mga self-reliant na bata, maaari itong ituro sa iba pang mga bata, at sa ganitong paraan, magkakaroon rin sila ng self-reliance.
Upang magawa ito, nag-interview siya ng mga self-reliant na bata, pati na ang kanilang mga magulang. Matapos nito, inalam niya kung paano ang kanilang parent-child interaction. Dito, napag-alaman niya na ang pagkakaroon ng communication at standards ang mahalagang katangian ng self-reliant na bata.
Ang mga Magulang ng Self-Reliant na Bata
Mula doon, nadiskubre ni Baumrind ang iba’t-ibang mga parenting styles base sa kung gaano kataas o kababa ang communication at standards ng magulang.
Dito rin niya nalaman na ang mga magulang ng self-reliant na bata ay maryoong mataas na level ng communication at mataas rin na level ng standards.
Ang ibig sabihin nito ay kinakausap ng mga magulang ang kanilang mga anak upang ipaliwanag ang kanilang mga life choices. Ipinapaalam rin nila ang kanilang expectations pagdating sa kanilang mga anak. Dagdag pa rito, ang mga expectations na ito ay mayroong kalakip na standards, at ipinapaliwanag nila ang mga standards na ito sa mga bata.
Kalaunan, na-identify ito ni Baumrind bilang mga “authoritative” na magulang na ipinapakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng communication at standards.
Ngunit paano naman ang mga magulang na mababa ang level ng communication at standards? Dahil sa katanungang ito, nagsimulang pag-aralan ni Baumrind ang mga communication standards.
Kilalanin ang mga Parenting Styles sa Pilipinas
Bukod sa authoritative parenting style, nadiskubre rin ni Baumrind ang permissive at authoritarian parenting styles. Ang tatlong modelong ito ni Baumrind ay naging focus ng mga pag-aaral tungkol sa parenting styles sa Pilipinas.
Heto ang naging resulta ng mga pag-aaral tungkol sa parenting styles sa Pilipinas.
Authoritative Parenting Style
Sa isang pag-aaral, Parenting in the Philippines: A review of research literature from 2004 to 2014, napag-alaman ng mga researcher na ang pangunahing parenting style sa Pilipinas ay ang authoritative parenting style.
Tulad ng nasabi sa taas, ang mga authoritative na magulang ay ipinapakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng communication at standards. Sa pamamagitan ng pinaghalong parenting styles na gumagamit ng limits and high expectations ay nabibigyan nila ng independence ang kanilang anak, at nakapagbibigay rin sila ng emotional support.
Posibleng Epekto
Marami nang pag-aaral, bagamat sa konteskto ng Western na kultura, ang nagpapakita ng positibong koneksyon sa authoritative na parenting style at sa social competence ng mga bata. Bukod rito, nakakatulong rin ang ganitong parenting style upang magkaroon ng mataas na grado ang mga bata.
Ipagpalagay natin na nagbulakbol ang isang bata. Ang authoritative na magulang ay kakausaping mabuti ang kanilang anak, at tatanungin kung bakit siya nagbulakbol. Sila ay makikinig, ngunit ipaparamdam rin na hindi sila natutuwa sa ginawa ng kanilang anak. Bukod dito, ipapaliwanag rin nila kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng limits.
Heto ang isang mahalagang bahagi ng authoritative parenting style: Bago pa man nagbulakbol ang mag-aaral, ay ipinaliwanag na ng mga magulang kung bakit siya dapat pumasok sa paaralan.
Ibig sabihin, ipinaliwanag na nila ang kanilang expectations at posibleng kahihinatnan kung sakaling mabigo ang expectations na ito.
Permissive Parenting Style
Sa isang pag-aaral na Child Rearing Practices Among Families in Countryside Philippines, napag-alaman ng mga researcher na ang pinaka-pangkaraniwang parenting style sa dalawang barangay ay ang permissive parenting style.
Ang ganitong parenting style ay mataas sa communication, pero mababa ang standards.
Ayon sa mga researcher, ang mga magulang ay nagbibigay ng payo, ngunit hindi tagapagdesisyon. Ibig sabihin, ang permissive parenting style ay hinahayaan lang ang mga bata, at hindi naghihigpit sa kanilang mga gawain.
Posibleng Epekto
Base sa mga pag-aaral, posible raw magdulot ng impulsiveness at kawalan ng self-control o kaya pagnanais na ma-kontrol ang ibang tao ang ganitong parenting style.
Dahil raw masyadong mapagbigay ang magulang, nawawalan raw ng direksyon at nagrerebelde ang mga bata.
Halimbawa: Kapag nalaman ng permissive na magulang na nagbulakbol ang kanilang anak, posibleng hindi nila ito kausapin tungkol dito. Posibleng kausapin nila ang mga kaklase ng kanilang anak, pero ipapaubaya nila sa kanilang anak ang pakikipag-usap.
Posible rin na ipaliwanag nila sa kanilang anak kung bakit mali ang ginawa nila, ngunit hindi rin nila ito paninindigan.
Dahil dito, hindi nagkakaroon ng consequence ang pagkakamali ng mga bata. Dagdag pa rito, hindi gagawa ng paraan ang mga magulang upang hindi ito maulit.
Authoritarian Parenting Style
Bagama’t magkatunog sila, ang authoritarian at authoritative parenting style ay magkaiba.
Ang ganitong parenting style ay mataas sa standards, pero mababa sa communication.
Sa madaling salita, mataas ang kanilang expectation sa kanilang anak, pero kulang ang ibinibigay nilang suporta.
Madalas, sila rin ang mga magulang na nagnanais na kontrolin ang kanilang anak. Dahil dito, nagiging madalas ang di pagkakaunawaan ng magulang at anak, lalo na habang lumalaki ang kanilang anak.
Posibleng Epekto
Dahil ang nais ng mga authoritarian na magulang ay maging masunurin ang kanilang mga anak, posibleng maramdaman ng bata na sila ay nakukulong at gustong-gusto nang makawala sa poder ng magulang.
Posible rin silang magkaroon ng low self-esteem at poor communication skills.
Key Takeaways
Walang iisang epektibong parenting style. Ang katotohanan ay madalas pinaghahalo ng magulang ang mga parenting styles depende sa sitwasyon at ugali ng kanilang anak.
Hindi na rin ito nakakagulat, dahil iba iba ang bawat pamilya sa Pilipinas, na may kaniya-kaniyang paniniwala, mga prinsipyo, at ugali.
Ang mahalaga ay pagbutihin mo ang iyong pagiging magulang, at siguraduhing unahin ang kapakanan ng iyong anak ano man ang napili mong parenting style.
Alamin ang ibang kaalaman tungkol sa parenting, dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]