backup og meta

Papel ng Pamilya sa Pagpapalaki ng Bata, Ano nga ba?

Papel ng Pamilya sa Pagpapalaki ng Bata, Ano nga ba?

Ang papel ng pamilya sa pagpapalaki at pagpapabuti ng anak ay hindi dapat na maliitin sa kahit na anong pagkakataon. Marami na ang nabanggit at napag-aralan tungkol dito, ngunit humahantong pa rin sa limang major pillars. Ang mga ito ay kinakailangang ikonsidera na malaman sa pag-unawa kung paano palalakihin ng mga magulang na may balanseng socio-emotional ang kanilang anak. Alamin dito ang papel ng pamilya sa pagpapalaki ng bata.

Access to the Right Parenting Resources

Bago talakayin ang pillars, ang access sa resources ang unang susi upang magtagumpay. Kaunting mga magulang ang nagiging malay sa kapangyarihan ng teknolohiya upang matulungan sila sa kanilang parenting journey.

Ayon sa National Academies of Science and Engineering and Medicine, at sa pakikisangkot ng National Academy Press, ang pagbuo ng positibong mga karanasan para sa mga bata ay mainam na ma-facilitate ng mga mga magulang na may access sa tamang resources sa parenthood. Kalaunan, pakikinabangan din ng lipunan ang mga benepisyo nito kung ang bata ay naging adult na may maayos na social-emotional development.

Pillar #1: The Awareness of Self

Ang pillar na ito ay kabilang ang layunin ng bata na maging malay sa kanilang mga kalakasan at matukoy ang kanilang mga abilidad. Ang mga mabuting magulang ay hihikayatin ang kanilang mga anak kung paano gamitin ang mga ito bilang kanilang kapakinabangan sa paraan na makikinabang din ang lipunan. Tandaan na hindi lamang ito nakikita sa mga tradisyunal na paaralan.

Ang teorya ni Howard Gardner na Theory of Multiple Intelligence ay nagsasabing ang interes ng mga bata at kalakasan ng mga bata ay iba-iba. Ang mahilig sa libro na bata na mahusay sa paaralan ay maaaring may advantage sa batang may kalakasan sa kinesthetic na mahusay sa gawaing pisikal. Walang paaralan na epektibong makapagsisilbi sa lahat ng uri ng mga bata kaya’t kahingian ang standardized test. Ngunit ang test na ito ay hindi ang nagpapakita ng kabuuang kalakasan ng iyong anak.

Ang pagbibigay solusyon sa problema sa buhay, kalaunan ay kinakailangan ng iba’t ibang kakayahan hangga’t maaari. Gayundin, ang pagiging kabilang sa kategorya ng self-awareness ay ang abilidad upang makilala ang nararamdaman. Maaari itong maituro nang mas maaga tulad sa mga bata na edad tatlong taong gulang.

Pillar #2: The Awareness of Others’ Needs

Ano ang pinaka mainam na paraan upang ituro ang serbisyong pangkomunidad? Ito ay ang pagkatuto gamit ang halimbawa. Ang pagiging expose ng mga bata sa mga charity work at iba pang mga halimbawa kung paano makatutulong sa lipunan ay magandang paraan upang palakihin sila na may kamalayan sa pangangailangan ng ibang tao. Ang papel ng pamilya sa pagpapalaki ng bata, lalo na sa ganitong aspekto ay mahalaga.

Kahit na ano pa ang estado sa buhay, laging mayroong puwang upang maging mas malay sa pangangailangan ng mga tao. At ang mga bata ay hindi lang nakikinig sa kung anong sinasabi mo, sila rin ay matamang nagmo-monitor ng kung anong ginagawa mo at ginagawa itong halimbawa.

Pillar #3: The Ability to Manage One’s Self

Ang kontrol sa sarili ay kabilang ang impulse control at ito ang isa sa mga bagay na pinakikita ng kilalang marshmallow test para sa mga bata — ang kahalagahan ng delayed gratification. Ang pagiging sanay ng mga bata sa mga pangkatang gawain upang makipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan ay makatutulong din upang ma-regulate ang kanilang abilidad upang ipahayag ang kanilang sarili. Ang pillar na ito ay mahalaga dahil ang mga matatanda na kayang i-manage ang kanilang sarili ay malamang na pinipigilan ang pag-abuso sa substance o adiksyon kinalaunan sa buhay nila.

Pillar #4: Making Responsible Decisions

Ang kakayahan upang gumawa ng responsableng desisyon ay mula sa kamalayan na maaaring kahinatnan nito at ang pagsasanay ng mabuting paghuhusga. Dito kadalasang malaki ang gampanin ng mga tradisyon ng pamilya at ispiritwal na paniniwala. Ang mga bata na lumaki kasama ng kanilang mga magulang ay may matatag na sistema ng pag-uugali at paniniwala na maaaring magpatibay sa kanilang mga buhay at lumaki bilang responsableng mga matatanda.

Pillar #5: Harmonious Relationships

Ang paglalakbay sa pagkakaroon ng magkasundo na relasyon sa isang tao ay nagsisimula sa bahay. Ang konbersasyon at oras na inilalaan ng mga magulang sa kanilang mga anak ay nakatutulong upang mapaunlad ang kanilang abilidad upang magsagawa at magpanatili ng relasyon sa ibang mga tao kung sila ay lumaki.

Hindi lang ito nangyayari sa paaralan. Ang relasyon ay nagsisimula sa pagiging sanggol. Sa Teorya ni John Bowlby na Attachment Theory, ang sanggol ay natututo na maingat at confident na i-explore ang mundo at ang mga relasyon sa pamamagitan ng pagkatuto sa kanilang mga “parent figure.” At kaya marami sa mga hindi magandang pag-uugali ng mga matatanda ay nag-uugat mula sa problema sa relasyon ng kahit sino sa kanilang magulang.

Prevention is Better than Cure

Hindi lahat ng mga problema ng mga bata ay masisisi sa mga magulang. Kahit na gawin ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya, minsan kailangan ng bata ng tulong ng psychiatrist sa tiyak na sitwasyon. Mainam na humingi ng maagang interbensyon upang mapigilan ang paglaki ng inaalala at maging seryosong problema pagtanda.

Kinakailangan ng buong komunidad upang magpalaki ng bata, at maging ang maraming mga eksperto sa mga kaso kung saan ang bata ay nakararanas ng trauma, abnormal psychological symptoms, at iba pang espesyal na isyu. Ang kanilang mga kaso ay nangangailangan ng higit na atensyon mula sa mga magulang, guro, at medikal na eksperto (tulad ng developmental pediatricians, psychiatrists, ar neurologists).

Si John Dacey, isang edukador at counselor, ay isinusulong ang therapy at iba pang pamamaraan para sa mga magulang upang suportahan ang kanilang mga anak na nagpapakita ng mga senyales ng psychological abnormalities tulad ang anxiety. Ang mga pag-aaral ni Dacey tungkol sa anxiety ng mga bata ay mula sa kanyang mga sariling karanasan noong pagkabata.

Key Takeaways

Pagdating sa 5 pillars ng socio-emotional development, ang papel ng pamilya sa pagpapalaki ng bata ay mahalaga. Ang pag-aalaga sa iyong mga anak ay nakakapagod na responsibilidad. Ang pag-aalaga ng iyong sarili at ng iyong kapareha ay nakatitiyak rin na hindi ka mabu-burn out o hindi mo maibabaling ang atensyon ng pagod sa iyong mga anak.

Matuto pa tungkol sa Parenting dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to be a Modern Parent, https://www.nytimes.com/guides/well/guide-to-modern-parenting Accessed July 4, 2020

How to Raise Happy Kids: 10 Steps Backed by Science, https://time.com/35496/how-to-raise-happy-kids-10-steps-backd-by-science/, Accessed July 4, 2020

Parenting Matters: Supporting Parents of Children Ages 0-8, https://www.nap.edu/read/21868/chapter/3, Accessed July 4, 2020

For Families: 7 Tips for Raising Caring Kids, https://mcc.gse.harvard.edu/resources-for-families/7-tips-raising-caring-kids, Accessed July 4, 2020

Attachment Theory of Psychology, http://www.psychology.sunysb.edu/attachment/online/inge_origins.pdf, Accessed July 4, 2020

Social-Emotional Development Domain, https://www.cde.ca.gov/sp/cd/re/itf09socemodev.asp, Accessed July 4, 2020

Supporting Social and Emotional Development, https://www.easternct.edu/center-for-early-childhood-education/supporting-development/social-and-emotional-development.html, Accessed July 4, 2020

Social and Emotional Development of Toddlers, https://www.education.vic.gov.au/parents/child-development/Pages/toddlers-social-emotional.aspx, Accessed July 4, 2020

The anxiety pro, https://www2.bc.edu/john-dacey/index.html, https://www.uuworld.org/articles/john-s.-dacey-anxiety-pro, Accessed July 4, 2020

Kasalukuyang Version

04/20/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement