As a parent, choosing a child’s name is an exciting and magical moment. In fact, ang pagpili ng pangalan ni baby ang isa sa mahalagang desisyon na kailangan natin na gawin bilang mga magulang. However, naming a child can be both fun and scary, dahil magiging bahagi ng kanilang pagkatao ang pangalan na ating ipagkakaloob sa kanila.
Ayon sa article na isinulat ni Donna Murray, RN, BSN malaki ang impluwensya ng pop culture sa pagkuha ng ideya ng mga magulang sa pangalan ng anak. Pwedeng magmula sa favorite celebrity, artist, at character sa book ang pangalan na ibibigay. Gayunpaman maaaring may ilang sariling opinyon ang iyong partner, friends, at family. Ang kanilang suggestion at opinion sa pangalan ng sanggol ay maaaring magdulot ng happiness at confusion sa pagpili ng pangalan ni baby.
Pero anu-ano nga ba ang mga factor na nakakaapekto sa pagpili ng mga magulan sa pangalan ng sanggol? Para malaman ang sagot, basahin ang article na ito!.
Bakit big deal kay mommy at daddy ang pangalan ni baby?
Madalas na pinag-iisipan natin ang pangalan na balak ibigay na sa anak. Ang pag-iisip at paglilista ng pangalan ng sanggol ay maaaring magsimula sa kahit anong panahon at oras. Maaari itong gawin sa pre-conception, pregnancy, prenatal, at postpartum periods— at bawat sa atin ay may kanya-kanyang ideya, paraan, at inspirasyon sa pagpili ng pangalan ni baby.
Big deal sa’tin na mga magulang ang name ni baby dahil sinisimbolo ng kanilang mga pangalan ang pagpapahalaga natin sa kanila bilang ating mga anak. Magiging identidad din nila ang kanilang pangalan— at kahit saan sila magpunta ay dala-dala nila ito. Kaya naman hindi na surprising kung naglalaan tayo ng oras para sa pagpili ng pangalan ng sanggol.
Sa pagpili ng pangalan ni baby, mayroong mga factor na nakakaapekto sa pinipili nating pangalan. Heto ang mga factor na ito:
4 Factor na Nakakaapekto sa Pagpili ng Pangalan ni Baby
1. Location
Minsan ay ginagamit ng mga magulang ang pangalan ng lugar para sa kanilang anak. Kung saan ang mga bansa at lugar na mahalaga, paborito, at may sentimental value para sa kanila ay ginagamit nilang option sa pagpapangalan ng anak. Ilan sa mga sikat na pangalan ng sanggol na ibinatay sa lugar ay ang mga sumusunod:
- Sydney
- Rome
- Florence
May pagkakataon din naman na dahil sikat ang isang pangalan sa bansa o lugar na kinamulatan at kinalakihan ng magulang, kaya ibinibigay nila ang pangalan na iyon sa anak. Tulad sa Pilipinas, sikat ang mga pangalan na Mark, Angel, at Princess, kaya hindi nakapagtataka kung marami ang nahihikayat na magulang na ipangalan ito sa anak.
2. Family traditions
Ayon muli sa article na isinulat ni Donna Murray, malaking bahagi ang family traditions sa mga pangalan ng sanggol. Dahil maaaring may mahabang kasaysayan ang isang pamilya sa paggamit ng parehong pattern ng pagbibigay ng pangalan.
Gaya na lamang ng pagkakaroon ng mahaba at katulad na pangalan ng anak na ibinase sa pangalan ng mga ninuno, paggamit ng Senior (Sr.) at Junior (Jr.) sa first name ng anak.
3. Religion
Ang religious obligation para sa pagbibigay ng pangalan sa isang sanggol ay lubhang nag-iiba. Dahil may mga magulang na nagbibigay ng pangalan sa anak na ibinatay sa isang figure na nakapaloob sa kanilang relihiyon. Habang ang ilang mga magulang ay nagbibigay ng pangalan na mula sa bibliya o pangalan na may espirituwal na kahulugan.
4. Pop culture
Ayon sa article na “What is pop culture”, ang mga karaniwang kategorya ng pop culture ay ang entertainment (mga pelikula, musika, TV), news, sports, politika, fashion/damit, at teknolohiya. Kung saan ang iba’t ibang category na ito ay patuloy na nakilala, napapakinabangan, at minamahal ng tao.
Ang exposure at pagpapahalaga ng tao sa iba’t ibang kategorya ng pop culture ang nagiging dahilan kung bakit kumukuha sila ng ideya ng mga pangalan ng sanggol. Maaari na ibinabatay nila ang ipapangalan sa anak sa mga actor, karakter sa pelikula— at iba’t ibang panoorin at palabas, mga tauhan sa libro, video game characters, artist, singer/musicians, kanta— at iba pa.
Key Takeaways
Pwede kang makaramdam ng pressure sa pagbibigay ng pangalan, ngunit, maaari ka pa ring maging masaya at malikhain sa paggawa ng pangalan para sa iyong baby.
Sa pag-iisip din ng pangalan sa anak, iwasan mong ma-pressure, ma-depress, o ma-stress dahil ang mga ito ay maaaring makaapekto sa iyong mental health.
[embed-health-tool-vaccination-tool]