backup og meta

Paggalang Sa Magulang, Paano Ito Maituturo Sa Mga Anak? Alamin Dito!

Paggalang Sa Magulang, Paano Ito Maituturo Sa Mga Anak? Alamin Dito!

Lahat ng mommies at daddies hangad na matuto ng paggalang sa magulang ang bata dahil isa itong mabuting pag-uugali na magandang dalhin ng bata sa kanyang pagtanda. Ngunit, ang mahalagang tanong kaugnay rito: Paano ito maituturo sa mga anak? Ano ang mga bagay na pwedeng gawin ng ina at ama para maging magalang ang anak?

Basahin ang artikulong ito at matuto pa tungkol sa mga tip kung paano tuturuan ang anak sa paggalang. Ngunit bago ang lahat, alamin muna natin ang mga dahilan kung bakit mahalaga na matutunan ng bata ang pagrespeto.

Paggalang sa magulang: Bakit mahalaga ito?

Ang hindi pagkatuto ng bata sa pagrespeto o ang kakulangan niya sa “basic manners” ay nakakaapekto sa kanilang buhay dahil dito pumapasok kung paano rin siya makikisalamuha sa iba pang indibidwal. Bukod pa rito, napakarami pang dahilan kung bakit kailangan matuto ang bata sa pagrespeto. Narito ang mga sumusunod:

  • Maaaring magbigay ito ng “lasting impression”.
  • Nakakatulong ito sa matalinong pagpili ng mga salita.
  • Maituturing na mabuting sosyal na pag-uugali ang paggalang.
  • Malaki ang papel nito sa pagbuo ng mahahalagang koneksyon at pakikipagkaibigan.
  • Ito’y nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang tao.
  • Ang paggalang ay pagpaparamdam din sa ibang tao na “appreciated” at “respetado” sila.
  • Pwede silang makakuha ng paggalang din sa ibang tao bilang kapalit.
  • Maaaring makita sa paggalang sa kapwa kung paano pinalaki ang bata ng magulang.
  • Nakakatulong ang paggalang para maramdaman ang kasiyahan sa sarili. 

7 Paraan ng Pagtuturo ng Paggalang sa Magulang

Ang paggalang sa tao ay isang bagay na mahirap ituro sa bata, pero maaaring ituro sa kanila para sa kanilang ikabubuti. Narito ang ilang tips na pwedeng subukan:

Maging Halimbawa

Kung nais turuan ang anak sa paggalang, dapat makita rin sayo bilang magulang na nirerespeto mo ang mga indibidwal sa’yong paligid. Maaari itong ipakita sa’yong anak sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng maayos at pakikinig sa sinasabi ng taong kausap.

Ipaliwanag kung bakit kailangan na irespeto ang kapwa

Maganda kung ipapaintindi ng magulang ang kahalagahan ng paggalang sa magulang at kapwa. Makakatulong ito para maunawaan nila kung bakit kailangan nila itong gawin. 

Matuto sa paghihintay

Ang pagiging assertive ay isang magandang katangian. Ngunit, hindi ito dapat sumobra at kailangan mong maituro sa bata ang konsepto ng “paghihintay”. Pwede mong ipaliwanag sa kanila na kapag may nagsasalitang ibang tao ay huwag silang putulin sa pagsasalita, o hintayin na matapos sila sa kanilang sasabihin bago magpahayag ng sariling saloobin at opinyon.

Turuan silang tumanggap ng papuri o compliments

Mainam kung maituturo sa bata na tumanggap ng papuri. Maaari itong gawin sa paraan ng pagtuturo ng “salamat” sa kapwa.

Bigyang-diin na ang paggalang ay isang bagay na natural

Hindi ipinipilit ang paggalang at dapat na maging bahagi ito ng pang-araw-araw na buhay nila at pwede itong ituro ng magulang sa pamamagitan ng pagpapaalala sa anak ng konsepto ng pagrespeto.

Gumawa ng environment na ang paggalang ay inaasahan sa bawat isa

Magagawa ang bagay na ito kung sisikapin ng magulang na magkaroon ng magandang environment sa kanilang tahanan. Kung saan, inaasahan sa bawat isa ang pagrespeto sa kapwa na pwedeng gayahin ng mga bata.

Pagtatama sa kanila sa wastong paraan

Natural sa bata ang magkamali kaya dapat bilang magulang ay mahaba ang kanilang pasensya sa anak. Pwede silang itama sa kung anumang pagkakamali na nagawa nila sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa kanila bakit mali ang kanilang aksyon o nasabi sa kapwa. Tandaan na maaari itong gawin sa mahinahon na paraan, sapagkat hindi ang galit at pananakot ang laging solusyon sa pagtuturo ng paggalang.

Key Takeaways

Ang paggalang sa magulang ay bagay na mahalagang matutunan ng bawat bata dahil malaki ang magiging epekto nito sa paghubog ng kanilang pagkatao. Huwag ding kakalimutan na ang pagrespeto sa kapwa ay hindi dapat pinipilit. Bagkus, dapat itong lumalabas ng natural at maaari ring humingi ng tulong mula sa mga mapagkakatiwalaang tao para mas maturuan ang anak sa paggalang.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why is Teaching Good Manners Important? https://centerforparentingeducation.org/library-of-articles/baby-through-preschool-articles/teaching-children-manners/ Accessed June 2, 2022

7 Ways to Teach Your Child Good Manners https://www.askdrsears.com/topics/parenting/discipline-behavior/morals-manners/7-ways-teach-your-child-manners/ Accessed June 2, 2022

Teaching Children Good Manners & Behaviors https://www.brighthorizons.com/family-resources/do-manners-matter Accessed June 2, 2022

7 Ways to Teach Good Manners https://www.worksheetcloud.com/blog/7-ways-to-teach-good-manners/ Accessed June 2, 2022

https://www.washingtonpost.com/news/parenting/wp/2014/07/18/are-you-raising-nice-kids-a-harvard-psychologist-gives-5-ways-to-raise-them-to-be-kind/ Accessed June 2, 2022

16 Forgotten Manners Every Parent Should Teach Their Child https://www.rd.com/article/manners-to-teach-children/ Accessed June 2, 2022

Kasalukuyang Version

07/13/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement