backup og meta

Pagdidisiplina Ng Magulang Sa Anak, Ano Ang Dapat Mong Iwasan?

Pagdidisiplina Ng Magulang Sa Anak, Ano Ang Dapat Mong Iwasan?

Malamang, isa ang disiplina sa unang naiisip kapag napaguusapan ang pag-aalaga ng bata. Bilang magulang, nauunawaan mo ang pangangailangan nito upang lumaki siya nang tama at maayos. Ngunit, kadalasan, sumosobra ang pagdidisiplina ng magulang sa anak na maaaring maging inklinasyon upang lumayo ang loob ng bata. Sa artikulong ito, ilalahad ang mga parenting mistakes na dapat iwasan mong iwasan at kung paano mo maisasagawa ang mga alternatibong paraan para rito. 

Pag-Unawa Sa Kahalagahan Ng Pagdidisiplina Ng Magulang Sa Anak

Darating ang panahon na ang bawat magulang ay mahihirapan sa kung paano pinakamahusay na disiplinahin ang kanilang anak. Maaaring mahirapan ka sa pagkontrol ng init ng iyong ulo kapag sumisigaw o nagmamaktol din ang iyong anak, mapa bata o tinedyer man ito. Anuman ang edad ng iyong anak, mahalagang maging consistent pagdating sa pagdidisiplina ng magulang sa anak. Ngunit, nararapat ding tandaan na ang pagdidisiplina at pagbibigay parusa ay dalawang magkaibang bagay. 

Mainam ang positibong pagdidisiplina sa pagtama ng maling pag-uugali. Tinuturuan din nito ang mga bata tungkol sa pananagutan at inaasahan sa kanila. Bukod pa rito, mahalaga ang pagsasagawa nito upang mapakita at mapaunawa sa kanya ang koneksyon ng mga baga-bagay, tulad na lamang ng kanilang ginagawa sa kung ano ang mga susunod na mangyayari. Samantala, ang pagbibigay ng parusa ay maituturing na negatibong pagdidisiplina sapagkat ginagamit ito upang wakasan ang naturang pag-uugali. At hindi gusto ng sinomang anak ang makatanggap ng parusa dahil sa kanilang mga pagkakamali. Kung kaya, nararapat na isaalang-alang ang tama at angkop na pagdidisiplina ng magulang sa anak. 

Paano Maisasagawa Ang Tamang Pagdidisiplina Ng Magulang Sa Anak? Heto Ang Mga Dapat Mong Iwasan 

Kadalasan, nakakarinig ka ng mga suhestyon mula sa iyong kapwa magulang kung paano maisasakatuparan ang tamang pamamaraan ng pagdidisiplina. Subalit, bihira ang nakapagsasabi kung ano-ano ang mga gawi na dapat iwasang gawin at bakit. Kung kaya, ibabahagi namin ang mga iyon para sa iyong pagkatuto bilang magulang. 

Ang Pagtingin Sa Pagbibigay Ng Parusa Bilang Isang Anyo Ng Pagdidisiplina

Nangunguna sa listahan ng mga dapat iwasan tungo sa tamang pagdidisiplina ay tungkol sa paggamit ng anumang klase ng parusa. Katulad ng nabanggit sa itaas, walang magandang maidudulot ang pagbibigay ng parusa. Sa katagalan, ang pagsigaw at paghampas ay hindi uubra at mas makakasama pa kaysa makabubuti. Ang mga ito ay maaaring makaapekto sa buong buhay ng isang bata. Imbes na matuto siya, hindi niya mauunawaan kung bakit mo ito ginagawa at lalo lamang lalayo ang kanyang loob sayo. Lumilikha ito ng toxic stress na maaaring humantong sa mas maraming negatibong resulta tulad ng:

Ang Hindi Pagtatakda Ng Mga Limitasyon Sa Pagiging Magulang At Anak 

Hindi ka man gumamit ng mga parusa, nararapat pa rin na magtakda ka ng kanyang mga hangganan at limitasyon sa inyong relasyon. Maaaring isipin mong mas madali para sa inyo kung ituturing niyo ang isa’t isa bilang matalik na magkaibigan. Ngunit, kailangan niyang maunawaan na ikaw ay ang kanyang magulang at hindi tropa lamang. Sa katunayan, kailangan mo siyang gabayan at turuan habang siya ay lumalaki. 

Ang pagdidisiplina ng magulang sa anak at pagtatakda ng mga limitasyon ay magbibigay ng kumpiyansa habang natututo sila sa buhay. Makatutulong din kung maglalatag ka ng mga kondisyon para sa kanya, kung sakali hindi niya ito matupad.

Ang Pagsasantabi Ng Kanilang Mga Hinaing At Hindi Pagbibigay Sa Kanila Ng Atensyon

Maaaring ikaw ang kanyang magulang at mas nakatatanda, ngunit kailangan mo pa ring makinig sa kung ano ang sasabihin niya. Mahalaga ito dahil mapaparamdam mo sa iyong anak na hindi mo binabalewala ang kanyang mga hinaing at damdamin. 

Lahat ng bata ay nangangailangan ng atensyon mula sa kanyang mga magulang. Kung kaya, mainam na maglaan ng oras kung kailan kayo pwede mag-usap o magkumustahan man lang. Ito ay makatutulong din upang mas lalong mapaigting ang inyong relasyon. 

Key Takeaways

Bilang magulang, isa sa mga trabaho ang turuan ang iyong anak na kumilos sa ayos. Ito ay isang trabaho na nangangailangan ng oras at pasensya. Gayunpaman, mahalaga ito upang matutunan ang mga tamang pamamaraan sa pagdidisiplina ng magulang sa anak. Nararapat na bigyan siya ng oras at atensyon upang siya ay magsalita, ngunit hindi rin kinakalimutan ang kanyang mga limitasyon.

Alamin ang iba pa sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The difference between discipline and punishment, https://www.understood.org/en/articles/the-difference-between-discipline-and-punishment, Accessed July 12, 2022

Discipline: Top Do’s and Don’ts When Your Kids Won’t Listen, https://health.clevelandclinic.org/discipline-top-dos-and-donts-when-your-kids-wont-listen/, Accessed July 12, 2022

How to discipline your child the smart and healthy way, https://www.unicef.org/parenting/child-care/how-discipline-your-child-smart-and-healthy-way, Accessed July 12, 2022

A therapist shares the 7 biggest parenting mistakes that destroy kids’ mental strength, https://www.cnbc.com/2020/05/25/biggest-parenting-mistake-destroys-kids-mental-strength-says-therapist.html, Accessed July 12, 2022

What’s the Best Way to Discipline My Child? https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/communication-discipline/Pages/Disciplining-Your-Child.aspx, Accessed July 12, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Filipino Parenting Style: Alin Dito Ang Swak Para Sa Iyong Pamilya?

Ano Ang Autocratic Parenting, At Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement