backup og meta

Pag-Ihi Ng Bata Sa Kama, Ano Ang Dahilan At Ano Ang Solusyon?

Pag-Ihi Ng Bata Sa Kama, Ano Ang Dahilan At Ano Ang Solusyon?

Ang pag-ihi ng bata sa kama ay karaniwang kondisyon dahil ang karamihan ay nasa gitna ng toilet/potty training. Gayunpaman, kahit na ang iyong anak ay mahusay na sa pagsasanay na magbanyo sa araw, maaaring mayroon pa ring problema tuwing pagtulog.

Ano Ang Bedwetting?

Bedwetting, o nocturnal enuresis, ito ay isang unconscious na pag-ihi habang natutulog. Madalas na nakararanas ng bedwetting ang mga preschoolers na mas bata pa sa 6 na taong gulang.

Ang pag-ihi sa kama ay normal dahil ang mga maliliit na bata ay nag-aadjust pa lang sa pagbabago na dulot ng pagsasanay sa pagbanyo. Ang mga preschoolers ay nahihirapan pa sa paggising sa gitna ng gabi upang umihi, na nagreresulta sa pag-ihi sa kama. Sa kabutihang-palad, ang mga bata na edad 5 hanggang 7 ay kinalakihan na ang problemang ito.

Ang mga batang madalas na umiihi sa kama ay nakararamdam ng pagiging balisa at hiya. Kaya’t kailangan na maipaliwanag ng mga magulang at hayaan na maunawaan ng mga bata na ang pag-ihi sa kama ay parte ng kanilang paglaki.

Ano Ang Sanhi Ng Pag-Ihi Ng Bata Sa Kama?

Ang pag-ihi sa kama ay dulot ng maraming rason:

Overactive Bladder

Ang ilang mga bata ay may overactive na pantog, na nagiging sanhi ng palagian at hindi sinasadyang pag-ihi sa araw maging sa gabi.

Overproduction Ng Ihi

Kung ang iyong anak ay tulog, ang kanilang mga kidneys (bato) ay maaaring nagtatrabaho at nagpo-produce nang sobrang ihi, na nagpapapuno sa pantog. Sa oras na mapuno ang pantog, magsisi-signal ang utak na ilabas ang ihi kahit na ang bata ay natutulog.

Malalim Na Tulog

Ang pinaka-karaniwang dahilan ng pag-ihi sa kama ng mga bata ay ang lalim ng tulog. Malaki ang posibilidad na ang iyong anak ay iihi sa kama kung siya ay may malalim na tulog. Ang hindi pag gising kahit na dapat na umihi ang nagiging dahilan ng pag-ihi sa kama.

Constipation

Ang namuong stool sa rectum ay nagtutulak sa pantog at nawawala ang kakayahan niya na pigilan ang ihi, na nagiging dahilan ng pag-ihi sa kama.

Genetics

Maaaring namana ng bata ang genes mula sa mga magulang na nagiging sanhi ng pag-ihi sa kama. Kung ang parehong mga magulang o isa lamang ay umiihi sa kama noon, mataas ang tsansa na ang kanilang anak ay mamana ang ugaling ito. Sa kabilang banda, kung ang dalawang magulang ay hindi umiihi sa kama noon, maliit ang tsansa na ang kanilang anak ay iihi rin sa kama.

Patuloy na pag-aaral ang isinasagawa upang mapatunayan at mabigyan ng siyentipikong ebidensya ang koneksyon sa pagitan ng genes sa pag-ihi sa kama.

Emotional Na Stress

Ang stress dulot ng pagbabago sa kapaligiran at iba pang nakasasakit na damdamin na pangyayari ay maaaring maging sanhi ng pag-ihi sa kama ng mga bata.

Hormonal Imbalance

Ang vasopressin o antidiuretic hormone (ADH) ay responsable para sa pagbawas ng ihi na napro-produce ng bato upang mapabagal ang paglalagay sa pantog. Sa normal na aspekto, ang lebel ng ADH ay tumataas sa gabi, na nagpipigil sa pantog na mapuno nang mabilis habang natutulog.

Gayunpaman, mayroong mga kaso na ang ADH ay hindi tumataas tuwing gabi, na nagbibigay sa mga bato ng pagkakataon na mag-produce ng dami ng ihi na napro-produce sa araw. Ang pag-ihi sa kama ay nangyayari kung ang lebel ng ADH ay mababa.

Problema Sa Kalusugan

Mayroong mga medikal na kondisyon na maaaring sanhi ng pag-ihi sa kama tulad ng diabetes, sleep apnea, urinary tract infection (UTI), neurological problems maging ang abnormalities sa mga bato o sa pantog.

pag-ihi ng bata sa kama

Paano I-Manage Ang Pag-Ihi Ng Bata Sa Kama?

Narito ang ilang tips paano i-manage ang pag-ihi sa kama ng mga bata:

  1. Sanayin ang iyong anak na huwag masyadong uminom ng tubig tuwing gabi.
  2. Iwasan ang pagbibigay sa anak ng mga inumin na may caffeine tulad ng chocolate milk o mainit na cocoa bago ang matulog dahil ito ay nakapag papairita sa pantog.
  3. Magtakda ng routine sa pagtulog para sa iyong bulinggit. Siguraduhin na pupunta sila sa banyo bago matulog.
  4. Huwag sisihin ang bata kung sila ay naihi sa kama. Gaya ng nabanggit kanina, ang pag-ihi sa kama ay hindi boluntaryong aksyon na umihi habang natutulog. Sa halip na parusahan, suportahan ang iyong anak at hayaan na maramdaman nila na ikaw ay nariyan upang tumulong.
  5. Kausapin ang iyong anak tungkol sa pag-ihi sa kama. Ipaliwanag sa kanila na ang pag-ihi sa kama ay parte ng paglaki at pag-develop ng bata, at kalaunan din ay hindi na mararanasan.
  6. I-comfort ang iyong anak kung sila ay nalungkot tungkol sa pag-ihi sa kama. Huwag balewalain ang nararamdaman ng inyong anak dahil maaaring magkaroon sila ng emotional stress na magpapalala ng pag-ihi sa kama.
  7. Upang maiwasan ang iyong kama na mabasa, gumamit ng waterproof na sapin sa kama.
  8. Kung ang iyong anak ay naihian ang kama, hayaan silang tumulong na maglinis nito. Ang hakbang na ito ay makatutulong sa iyong anak na malaman ang mangyayari kapag naihian nila ang kama. Maaari ding magbigay ito sa iyong anak ng sense of responsibility.
  9. Huwag kalimutan na magbigay ng gantimpala sa iyong anak sa mga panahon na hindi siya naihi sa kama.

Kailan Magpapatingin Sa Doktor

Pag minsan, ang pag-ihi sa kama ng mga bata ay senyales ng mas seryosong medikal na kondisyon. Huwag balewalain ito, lalo na kung ito ay nagsimula nang biglaan o bumalik matapos ang ilang mga buwan. Ang mga kondisyon tulad ng urinary tract infection, diabetes, o problema sa mga bato o pantog ay maaaring dahilan bakit naiihi sa kama ang iyong anak.

Tawagan ang iyong doktor kung:

  • Ang iyong anak ay 7 taong gulang o mas matanda pa ngunit umiihi pa rin sa kama
  • Ang pag-ihi sa kama ay bumalik matapos ang ilang mga buwan na hindi niya nararanasan
  • Nagrereklamo ang iyong anak tungkol sa mahapding pakiramdam o sakit sa parte ng ari matapos umihi
  • Humihilik ang iyong anak sa gabi
  • Ang mga paa at bukong-bukong ng iyong anak ay namamaga
  • Ang anak mo ay umiihi nang madalas sa kanyang pantalon sa oras ng maghapon

Laging kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa lunas at gamot na makatutulong sa iyong anak sa pag-ihi sa kama. Makipag-ugnayan sa iyong medical provider tungkol sa sitwasyong ito. Makatutulong ito na iwasan ang ibang problemang medikal.

Mahalagang Tandaan

Maaaring nakaka-stress sa mga magulang ang pag-ihi ng mga bata sa kama. Gayunpaman, kailangan nating maunawaan na ang mga bata ay dumaraan lamang sa yugto ng kanilang pagkabata.

Maging mas mapagpasensya, maalaga, supportive, at mapagmahal sa mga bata sa mga panahong ito. Makatutulong ito sa kanila na malagpasan ang pag-ihi sa kama.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bed-wetting, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bed-wetting/symptoms-causes/syc-20366685, Accessed June 29, 2020

How to Help Your Child Stop Wetting the Bed, https://health.clevelandclinic.org/how-to-help-your-child-stop-wetting-the-bed-2/, Accessed June 29, 2020

Bedwetting, https://www.rch.org.au/kidsinfo/fact_sheets/Bedwetting/, Accessed June 29, 2020

Bedwetting, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15075-bedwetting, Accessed June 29, 2020

Bedwetting, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/toddler/toilet-training/Pages/Bedwetting.aspx, Accessed June 29, 2020

Bedwetting (Enuresis), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/bedwetting-enuresis-a-to-z, Accessed June 29, 2020

Bedwetting, https://kidshealth.org/en/parents/enuresis.html, Accessed June 29, 2020

Nocturnal Enuresis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3348193/, Accessed June 29, 2020

Kasalukuyang Version

04/05/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pihikan Sa Pagkain Ang Iyong Preschooler? Heto Ang Dapat Gawin

Safety tips sa bahay para sa mga preschoolers


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement