Walang makapapantay sa pakiramdam ng unang beses mong marinig magsalita ang iyong anak. Sa pagitan ng isa hanggang limang taon, magpapakita sila ng kahusayan pagdating sa pagsasalita at wika. Ang pagpapalago sa pag-develop ng wika ng isang bata ay makatutulong para sa iyong anak na mas maipahayag nila ang kanilang sarili at maayos na makipag-komunikasyon sa ibang tao. Pero paano turuan magsalita ang bata?
Paano Turuan Magsalita Ang Bata: Development Ng Pagsasalita
Sa paglaki ng iyong anak ay kasama ang paglago ng abilidad nila sa wika at pagsasalita. Paano turuan magsalita ang bata? Ang paglaki nila sa lugar na nakaririnig at nakakikita ng iba’t ibang tunog at larawan, maging ang pakikihalubilo sa mga taong laging nakikipag-ugnayan, ay makatutulong na mapalago ang development ng wika ng mga bata.
Gayunpaman, kung ang mga bata ay hindi hinihikayat na magsalita, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa development ng pagsasalita ng iyong anak.
Milestones Ng Pagsasalita At Wika Ng Bata
Ang pagtalakay ng milestones ng wika at pagsasalita ng bata ay maaaring komplikado dahil kadalasan ay sila ay hinahati sa edad. Halimbawa: ang 2 taong gulang na bata ay kadalasang may 50 salita sa kanilang bokabularyo, ngunit sa panahon na sila ay 3 taong gulang, maaaring may alam na silang 250 na mga salita at maaaring paghabiin ang mga salita sa simpleng pangungusap.
Narito ang milestones ng mga salita at wika para sa edad na 3 hanggang 5:
- Alam kung paano gamitin ang “loob” at “ibabaw”
- Malay sa mga panghalip na “ako,” “ikaw,” o “siya” – kadalasan ito ay magsisimula sa edad na 2
- May abilidad na sagutin ang mga simple at komplikadong mga tanong
- Alam kung paano gumamit ng mga salitang naglalarawan ng kanilang nararamdaman tulad ng “masaya” o “malungkot”
- Hindi na kailangan na ipaliwanag ng mga magulang ang gustong sabihin ng kanilang anak sa ibang mga tao
- Alam kung paano tukuyin ang paggamit ng “siya”
- Nakasasagot sa tanong na “bakit”
- Maaaring magsagawa ng konbersasyon sa kanilang magulang o sa ibang tao
- Gumagamit ng 8 o higit pang mga salita sa pangungusap
- Imahinatibo, may abilidad na makabuo ng mga kwento
- Nagsisimula nang gumamit ng salita na pangmarami tulad ng “mga aso”
- Nagagamit ang karamihan ng mga patinig at katinig na tunog ngunit maaaring mahirapan sa ilang mga tunog ng katinig tulad ng “l,” “r,” at “s”
Sa edad na ito, ang mga maliliit na bata ay marunong ding gumamit ng diptonggo (tunog na may kombinasyon ng dalawang patinig) ngunit maaaring mahirapan minsan sa pagbigkas ng “ch,” “sh,” at “th” sa kanilang pagsasalita.
Pag-Unawa Ng Pagsasalita At Wika
Ang mga batang may edad na 3 hanggang 5 taong gulang ay ginagamit ang kanilang abilidad sa wika at pagsasalita upang unawain ang mga simpleng salita. Sa edad na ito, maaari na ring pagawin ng mga magulang ang kanilang anak ng mga simpleng gawain tulad ng pagbukas at sara ng pinto at pagkuha ng pagkain sa kusina.
Kapag 3 years old na ang bata, sila ay maaaring magtanong ng simpleng tanong: ano, saan, sino, kailan. Sa edad na 4, asahan mo na ang pagtatanong ng “Bakit?”
Pagsasalita at Paglalaro
Kung ikaw ay may preschooler, mapapansin mo na nagsisimula na silang manggaya ng paraan ng pagsasalita. Ang mga bata sa edad na ito ay nagsisimula nang mag role play at maging ang paggamit ng mga pangalan. Kadalasan din silang gumagaya ng boses ng ibang tao o tauhan na nakikita nila, tulad ng kanilang mga magulang. Maaaring gayahin nila ang mataas na boses ng kanilang nanay o ang mababang tono ng boses ng kanilang tatay. Ang mga preschooler ay kadalasang magsisimula nang mag-ulit ng mga salita na sinabi ng kanilang magulang tulad ng “Shhh, tahimik, huwag masyadong maingay.”
Sa edad na ito, ang iyong anak ay magsisimula na ring makipag-ugnayan sa ibang mga bata, lalo na kung sila ay naglalaro. Ang mga bata na may edad na 3-5, ay matututo na makipag negosyohan sa pakikipagpalitan ng mga laruan o pakikipagsalitan ng lugar sa paglalaro.
Halimbawa, ang mga bata na may edad na 5 taong gulang ay makapagsasabi na “Pwede kang maglaro kung papayagan mo kong gamitin ang laruan mo.” o “Tapos na akong gamitin ang slide, ikaw naman.”
Paano Turuan Magsalita Ang Bata: Development Sa Wika
Mainam na ipagpatuloy ang pakikipagkomunikasyon at bumuo ng mga paraan upang makatulong na lalong humusay ang iyong anak.
Narito ang ilang tips at mga aktibidad upang palaguin ang development ng wika sa bata:
- Kausapin ang iyong anak gaya ng kung paano kausapin ang mga matatanda. Makipag-usap sa klaro at modulated na boses at gumamit ng mga simpleng salita upang lalong maunawaan. Iwasan ang pag-baby talk dahil negatibo itong makaaapekto sa pag-develop ng wika ng iyong anak.
- Makinig sa iyong anak kung sila ay nagsasalita. Kahit na hindi mo nauunawaan ang ibang mga sinasabi, makinig. Mahihikayat din sila na magsalita maging ang pagbuo ng kanilang confidence.
- Maging supportive. Kung nahihirapan ang iyong anak na ipahayag ang kanilang sarili gamit ang mga salita, gawin ang makakaya upang hikayatin sila at tulungan na hanapin ang tamang salita.
Halimbawa, kung ang iyong anak ay nahihirapan na ipahayag na sila ay pagod, subukan na itanong “Kamusta ang pakiramdam mo?” “Pagod ka ba?” “Gusto mo bang magpahinga?”
- Tulungan na paghusayan ang kanilang abilidad sa komunikasyon. Itanong sa iyong anak ang mga tanong na maaaring isagot ng oo o hindi. At gumawa ng paraan hanggang sa masagot ng iyong anak ang mga komplikadong tanong. Ang iyong anak ay kalaunan na matututuhan kung paano sumagot nang buong pangungusap.
- Pagyamanin ang kanilang bokabularyo. Palawakin ang bokabularyo ng iyong anak sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwento o panonood ng educational videos. Ang pamamaraan na ito ay nakatutuwa sa paglago ng development ng wika ng bata; gayunpaman, ang panonood ng educational na palabas ay umaayon lamang kung sila ay nasa aktibong konbersasyon sa matanda.
- Ang pagbabasa ang susi sa pagkatuto. Ang pagbabasa ng mga kwento nang malakas ay makatutulong upang mapahusay ang bokabularyo, katatasan, at komprehensyon. Magbasa ng mga kwento na makapupukaw ng interes ng iyong anak. Makatutulong ito sa kanila na magbahagi ng naiisip.
- Gawing masaya ang aralin gamit ang awit at mga tula. Ang pag-awit ng mga nursery rhymes sa iyong anak ay nakatutulong din sa paglago ng development ng wika.
- Bonding sa pagkain. Isama ang iyong anak sa konbersasyon sa hapag. Makatutulong ito na maramdaman nila na kasama sila at may oportunidad na ibahagi ang kanilang mga nasa isip.
Mahalagang Tandaan
Paano turuan magsalita ang bata? Ang pagpapayabong ng development ng pagsasalita ng mga bata ay kabilang ang pagtulong sa iyong anak na matuto na maipahayag nang malaya ang kanilang sarili. Kinakailangan ng mga magulang ng pasensya. Importante rin ang pakikipag-usap sa bata.
Gayunpaman, ito talaga ay nakapananabik na oras dahil maaari ka nang makinig sa kung ano ang iniisip ng iyong anak at kung paano nila nailalarawan ang mundo sa paligid nila. Mula sa simpleng mga salita, ang iyong anak ngayon ay kaya nang makipag-usap sa iyo. Kaya na rin niyang ipakita ang kaniyang personalidad. Matutuwa ang mga magulang sa kung paano naipapakita ng mga bata ang nasa isip nila at matuto na magsalita at maglaro kasama ng ibang mga bata.
Sa simpleng pagsasalita, pakikisangkot, at pakikinig sa bata, maraming magagawa ang mga magulang sa pagpapalago ng development ng pagsasalita. Maging masaya sa oras na ito ng pagtuklas at pagpapahayag.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]