Maraming magulang ang nagtatanong ng tips, sa kung paano magpalaki ng Gen Z. Dahil na rin sa mga problemang kinakaharap nila sa pag-uugali ng mga anak.
Sila ang isa sa mga henerasyon na madalas nasa mundo ng cellphone at internet. Masakit man aminin, kahit ilang beses silang pagsabihan may mga pagkakataon na hindi sila nakikinig. Madalas ay patuloy lang sila sa kanilang habit. Kapag sinubukan mo namang kumpiskahin ang kanilang gadget. May mga pagkakataon na nagdadabog o nagpapakita ng tantrums ang anak.
Pamilyar ba sa’yo ang mga ganitong tagpo at sitwasyon? Paano nga ba ang tamang pagpapalaki ng isang batang Gen Z?
Kung nag-aalala ka o nadidismaya tungkol sa’yong anak na Gen Z. Don’t worry! Hindi ka nag-iisa. Sa artikulong ito, malalaman natin ang mga implied message ng mga katangian ng Gen Z — at sa kung paano natin sila mas mauunawaan. Malalaman din natin ngayon, ang mga tip kung paano sila gagabayan at palalakihin. Kaya ano pang hinihintay? Basahin ang artikulong ito.
Pag-unawa sa Generation Gap
Ang pag-categorize ng mga tao batay sa kanilang age bracket, o pagtukoy sa kanilang henerasyon, ay nagbibigay-daan para sa lahat. Upang mas maunawaan ang mga tuntunin ng life stages ng bawat isa.
Huwag ding kakalimutan na kahit young adult, middle-aged parent, o isang retirado, ay pare-parehong may mahalagang papel sa lipunang ginagalawan.
Sinasabi na ang generational cohorts na mula sa previous studies ay nag-provide sa mga researcher ng tool para sa pagsusuri ng mga pagbabago. Partikular sa saloobin at katangian ng tao sa paglipas ng panahon. Tumutulong ito sa antas ng pag-unawa sa iba’t ibang karanasan at pagbabago — na humuhubog sa people’s worldviews. Bukod pa rito, ito rin ay nagsisilbing gabay sa pagsusuri. Kung ano ang nararamdaman ng mga matatanda at mas bata sa isang partikular na isyu. Nagbibigay-daan din ito sa paghahanap ng descriptive fit. Sa kung paano pwedeng magkaiba ang views ng mga tao sa magkakaibang henerasyon.
Narito ang mga sumusunod na most common generations na mayroon tayo:
- Baby boomers ( mga ipinanganak sa 1946-1964)
- Generation X (mga ipinanganak sa 1965-1976)
- Millennial o Generation Y (mga ipinanganak sa 1977-1995)
- Generation Z (mga ipinanganak sa 1996 – kasalukuyan)
Maraming tao ang may posibilidad na ilarawan ang Gen Z ayon sa pagkakaiba ng digital technology. Subalit, ang pag-unawa sa bawat henerasyon ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip. Tulad ng pagkilala sa kung paano sila naimpluwensyahan ng mga pagbabago sa lipunan. At, habang ang mundo ay mabilis na nagbabago. Nararapat lamang na ang tao din ay makisabay sa pag-unawa ng mga bagay, at indibidwal sa kapaligiran.
Ang paghahati sa mga grupo ng tao batay sa henerasyon ay hindi naglalayong i-polarize ang bawat indibidwal. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pag-unawa kung paano nakakaimpluwensya ang mga nakaraang karanasan, sa mga pananaw ngayon. Pwede itong magresulta ng mas epektibo at mahabagin na pakikipag-ugnayan. Masasabi na ang ganitong kaisipan ay gumagana rin sa pagiging magulang.
Sino ang Gen Zs? Ano ang Mga Katangian ng Core Gen Z?
Ang Generation Z, o Gen Z, ay tumutukoy sa mga taong ipinanganak mula 1996 pataas. Sa kasalukuyan, sila ay mga preteens, teenagers o young adults. Karamihan sa mga Gen Z ay kilala sa pagiging most diverse sa lahi at ethical terms. Bukod pa riyan, nasa linya din sila ng mga nakapag-aral at edukado.
Madalas ang mga Gen Z ay nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng higit sa kaalaman nila sa world wide web.
Sila ang Unang Digital Natives
Isa sa most notable ng Gen Z ay ang kanilang natural at organikong paggamit ng teknolohiya. Habang ang Millennials ay itinuturing na “digital pioneer” na nakasaksi sa pagsabog ng teknolohiya at social media. Ang mga Gen Z ay isinilang naman sa isang mundo ng may pinakamataas na technological innovation. Isang panahon na mas mabilis ang impormasyon, at trend ang paggamit ng social media. Kung saan, ito ang isa sa mga nangingibabaw na paraan ng komunikasyon.
Ang technological advancements na mayroon tayo ay may positibo at negatibong epekto sa Gen Z. Una, mas madali na para sa kanila ang makakuha ng mga impormasyon at magamit ito sa mabuting paraan. Subalit, ang flip side ng benepisyo na ito ay ang pagkakaroon ng pakiramdam ng pag-iisa, at hindi pagdebelop ng kanilang social skills. Dahil mas malaki ang oras na nailalaan nila sa paggamit ng gadgets.
Pragmatic at Financially-Minded
Ang isa pang pangunahing katangian ng Gen Z ay ang kamalayan sa pananalapi. Lumaki ang ilang Gen Z na nasaksihan ang kanilang mga magulang na dumanas ng malaking pagkalugi sa pananalapi sa recent recessions. Bilang resulta nito, nakahanap sila ng motibasyon sa pragmatism at security.
Matalino at Media-savvy Consumers
Dahil sa kanilang malalim na kaalaman sa technological world. Ginagamit nila ito sa kanilang kalamangan sa paggawa ng matalinong mga desisyon sa pagbili. Makikita na ang pragmatism nila ang nag-uudyok sa kanila para mag-imbestiga at magsuri ng iba’t ibang opsyon.
Katulad sa kung paano nila ginagamit ang social media para i-curate ang sarili nilang “branding”. Tinitingnan nila ang view ng kanilang “consumer choices” bilang pagpapahayag ng kanilang mga halaga at pagkakakilanlan.
Karamihan sa kanila ay may mahinang Mental Health
Sa kasamaang palad, ang Gen Z ay madalas na dumaranas ng iba’t ibang mental issues. Kaugnay nito, pwedeng tukuyin ng ilang tao ang kanilang henerasyon bilang “loneliest generation”. Kung saan, may 27% na ulat ang nagsasabi na mahina ang kanilang mental health.
Ang iba pang natatanging katangian ng Gen Z ay kinabibilangan ng:
- Makasarili
- Business-minded
- Mahusay na mga tagapagbalita
- Mas mapagkumpitensya
Bukod pa rito, nagpapakita rin sila ng ilang uri ng motivation sa kanilang professional at financial objectives, habang sila ay may sense of security.
Paano Suportahan ang Iyong Anak na Gen Z?
Pwede maging overwhelming ang pagpapalaki ng batang Gen Z. Lalo na sa kung paano nagkakaroon ng pagkakaiba sa bawat henerasyon. Ngunit, may mga praktikal na paraan upang ipakita ang iyong suporta sa’yong anak. Ang pag-uugali ng Gen Z ay maaari mong magamit para mas palakihin sila nang maayos.
Paano Magpalaki ng Gen Z: Samahan Sila
Huwag hayaan na ang iyong trabaho ay mag-alis ng maraming oras upang makasama ang iyong anak. Maglaan ng oras para makipag-bonding sa kanila at mag-enjoy sa mga aktibidad na gusto rin nilang gawin.
Maaari kang magtakda ng lingguhang petsa ng pakikipaglaro sa kanila at sa iyong kapareha. Para itaguyod ang pagbubuklod ng pamilya at panatilihing matatag ang relasyon. Subukan ang mga board game night, o magluto nang magkasama at lumayo sa mga screen ng laptop o TV. Kung hindi naman kailangan na gamitin.
Paano Magpalaki ng Gen Z: Alamin ang Kanilang Wika o Language
Para magkaroon ng mas mahusay na pakikipag-ugnayan sa kanila. Pinakamainam kung matutunan mo ang ilang termino ng Gen Z. Makakatulong din kung i-update mo ang iyong sarili sa mga pinakabagong trend at paksa. Upang makahanap ka ng mga mapag-uusapan ninyo. Ikaw ba ay sus o cheugy, mommy? Oras na para mapansin ang ugali na iyon!
Paano Magpalaki ng Gen Z: Maglaan ng Oras Para Makinig
Gaya ng nabanggit kanina, maaaring kailanganin ng Gen Z ang higit na pang-unawa at suporta. Habang sila ay tumatanda at nahaharap sa mga hamon sa buhay. Makinig sa kanilang pinaka-random na mga saloobin, rants, at kuwento.
Pwedeng tumagal ng ilang sandali para maunawaan kung saan sila nanggaling. Ngunit, mas mahalaga na malaman nilang nandiyan ka, hindi lang sa pisikal kundi pati emosyonal at mental.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]