backup og meta

Paano Magbigay Ng Emotional Support Sa Anak, Ayon sa Mga Doktor?

Paano Magbigay Ng Emotional Support Sa Anak, Ayon sa Mga Doktor?

Bilang magulang, lagi tayong may tanong sa’ting sarili kung naibibigay ba natin ang lahat ng pangangailangan ng ating mga anak. Dahil masakit para sa atin ang hindi sila masuportahan sa mga bagay na gusto at kailangan nila para mabuhay. Pero alam mo ba na higit sa pera at luho, maaari pa rin natin maibigay ang kanilang pangangailangan? Maaari natin na tugunan ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng emotional support sa kanila. Pero ano nga ba ang emotional support, at paano ito pwedeng ibigay sa anak? Alamin dito!

Ano Ang Emotional Support?

Bago natin alamin paano magbigay ng emotional support sa anak, dapat muna natin maunawaan kung ano ito at bakit mahalagang ibigay.

Ang emotional support ay ang pagpapakita ng pangangalaga at compassion sa ibang tao. Maaari itong maging verbal o nonverbal at makita sa anyo ng mga sumusunod:

  • pagtulong sa isang anak sa tuwing nangangailangan ito
  • pagbibigay ng yakap sa anak
  • pakikinig sa kanilang mga opinyon at problema
  • pag-validate ng kanilang nararamdaman
  • pagpapalakas ng kanilang loob

Napakaraming paraan upang maipakita ang emotional support sa anak at hindi ito nalilimitahan ng mga bagay na nabanggit sa artikulong ito. Lagi mo ring tatandaan na ang emotional support ay maaaring makatulong sa isang anak na makayanan ang kanilang mga sariling damdamin at mga karanasan sa buhay, dahil ipinapakita at ipinararamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa. Malaki ang maitutulong emotional support sa pagpapabuti ng kanilang mental health, kaya hindi nakapagtataka kung nirerekomenda rin ng mga doktor ang pagbibigay ng magulang ng emotional support sa anak.

Anu-ano Ang Benepisyo Ng Pagbibigay Ng Emosyonal Na Suporta?

Mahalaga para sa anak na maging makatotohanan ang pagbibigay mo ng emotional support. Hindi ito dapat artipisyal at pakitang tao lamang, dahil pwedeng makasama at makasira pa ito sa inyong relasyon. Kung bibigyan mo ng emotional support ang anak, pwedeng magbigay ito ng maganda at malalim na koneksyon sa inyo dalawa, mainam na pag-uunawaan, at mga ideya na pwedeng makatulong sa paglutas ng mga problema ng anak sa hinaharap.

Lagi mo ring tatandaan na layunin ng emosyonal na suporta na maipadama sa anak na sila ay:

  • pinapakinggan
  • pinahahalagahan
  • inaalagaan

Makakatulong ang pagbibigay ng emosyonal na suporta sa anak para maiwasan at mapigilan kanilang pagkabalisa, lalo na kung sila ay may mabigat na problema. 

Dapat mo rin tandaan na ang iyong aktibong pakikinig, emotional validation, at pagbibigay ng reassurance ay mga halimbawa ng emosyonal na suporta, pero dapat na i-ayon ng isang magulang ang kanilang diskarte sa bawat anak at sitwasyon.

Paano Magbigay Ng Emotional Support Sa Anak?

Ayon sa mga doktor at eksperto, maging sa article na nai-publish na may pamagat na “Parenting Tips: How To Provide Emotional Support To Children”, narito ang 9 na mga paraan paano magbigay ng emotional support sa anak:

  1. Makinig sa mga anak at kilalanin ang kanilang opinyon, dahilan ng pagkabalisa, at takot
  2. Sabihin sa kanila na ayos lang na malungkot sila at maaari ka nilang lapitan kapag nais nilang magkwento
  3. Maglaan ng oras upang pasayahin sila at bigyan sila ng pagmamahal
  4. Siguraduhin na ligtas sila sa iyong tabi at presensya. Huwag mo silang pabayaan at huwag mo silang iwan sa ibang tao sa loob ng mahabang panahon
  5. Maging sensitibo at mapagmalasakit sa iyong mga anak
  6. Gumamit ng mga simpleng paraan para pasayahin at pakalmahin ang iyong anak
  7. Maging matiyaga, tulungan ang iyong anak na umangkop sa panahon at alamin kung ano ang bumabagabag sa anak
  8. Huwag pilitin ang anak na magsalita tungkol sa kanyang nararamdaman, pero ipaalam sa kanya na maaari kang makipag-usap anumang oras. Kung ayaw magsalita ng anak, humanap ka ng ibang paraan para makapagpahayag ang bata
  9. Kapag nagbabahagi sila, bigyang-pansin sila at pakinggan kung ano ang kanilang sasabihin. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang mga alalahanin at takot. Laging ipakita ang iyong paggalang sa sinasabi ng anak

Ang pagbibigay ng emotional support sa anak ay isang paraan upang ipakita ang pangangalaga at pagdamay sa kanila. Hindi nito mapapalitan ang therapy o medical treatment, ngunit ay makakatulong nang malaki sa iyong anak upang makayanan ang kanyang mga pasanin at problema.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Parenting Tips: How to provide emotional support to children, https://www.worldvision.org.ph/news/parenting-tips-how-to-provide-emotional-support-to-children/ Accessed February 2, 2023

How To Help Your Child Get Emotional Support At School, https://www.understood.org/en/articles/how-to-help-your-child-get-emotional-support-at-school Accessed February 2, 2023

Creating an Emotionally Supportive Home Environment, https://www.pbs.org/parents/thrive/creating-an-emotionally-supportive-home-environment Accessed February 2, 2023

Emotional Support, https://dictionary.apa.org/emotional-support Accessed February 2, 2023

Moderating effect of emotional support on the relationship between disability and life satisfaction in older adults, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/ggi.13490 Accessed February 2, 2023

Manage stress: Strengthen your support system, https://www.apa.org/topics/stress/manage-social-support Accessed February 2, 2023

Stress in America, https://www.apa.org/news/press/releases/stress/2022/march-2022-survival-mode Accessed February 2, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement