Palagi ba nakatutok ang iyong anak sa paggamit ng gadgets? Marahil ang sagot ng mga mommy at daddy sa tanong na ito ay “oo”, kung saan hindi naman ito nakapagtataka. Sapagkat sa modern era ng mga batang Pilipino ang paggamit ng gadgets ang isa sa kanilang pangunahing libangan.
Ang madalas nilang paggamit ng teknolohiya ang sanhi ng pagkakaroon nila nang matagal na screentime sa gadgets na humahantong minsan sa paglabo ng kanilang mga mata, hindi pagkain sa tamang oras, at iba pa. Kaya naman mahalaga para sa ating magulang na malaman kung paano bawasan ang screentime ng ating mga anak sa paggamit ng gadgets.
Para matulungan ka sa iyong problema, narito mommies at daddies ang ilang mga tip kung paano bawasan ang screentime ng anak sa paggamit ng gadgets.
4 Tips Paano Bawasan Ang Screentime Ng Anak Sa Gadgets
Kausapin Ang Iyong Anak
Ipaliwanag sa iyong anak paunti-unti ang kahalagahan bakit dapat bawasan ang paggamit ng screentime. Pwede mong sabihin sa kanya na bukod sa paglalaro o panonood gamit ang gadgets marami pang iba pang aktibidad na pwedeng gawin na makapagpapasaya sa kanya. Maaari mo ring ituro sa iyong anak na ang pag-upo ng madalas dahil sa panonood ay pwedeng maging sanhi ng sobrang pagtaba, sapagkat hindi nae-exercise ang katawan.
Mag-set ng limit sa paggamit ng gadget
Bilang magulang maganda kung mangunguna ka sa pagse-set ng time limit sa paggamit ng gadgets ng mga batang anak upang malimitahan ang kanilang screen time. Maaari mong ipaliwanag na kailangan na magkaroon ng limitasyon sa paggamit nito upang mas makapaglaan ng oras sa iba pang mahahalagang bagay at gawain.
Pagiging mabuting halimbawa
Dapat kang maging isang mahusay na model sa iyong anak, dahil kung nakikita ka ng iyong mga anak na sinusunod ang sarili mong mga panuntunan, mas malamang sundin at gawin din nila ito.
Maglaan ng oras para makipag-bonding sa anak
May mga magulang na para hindi magkulit at mag-ingay ang kanilang anak ay binibigyan nila ito ng cellphone para malibang. Maaari itong makasama sa aspeto na baka dumating ang panahon na hindi mo na namalayan na nawalan ka na pala ng oras sa iyong anak, dahil mas madalas ang gadgets ang kausap at kasama ng iyong anak. Para maiwasan ito, sikapin na magbigay ka ng oras sa iyong anak upang makipag-bonding. Isa itong mabuting hakbang para bawasan ang screentime ng iyong anak sa gadgets, dahil kayo ay magkasama.
Ilang Mga Benepisyo Sa Kalusugan Ng Pagbawas Ng Screentime Sa Gadgets
Napatunayan ng iba’t ibang pag-aaral na ang pisikal na aktibidad ay mabuti para sa ating kalusugan, habang ang mga gadgets ay maaaring makabawas ng oras sa pag-eehersisyo na pwedeng mauwi sa pagiging obese ng tao. Kaya naman ang pag-alam sa kung paano bawasan ang screentime ng anak ay makakatulong upang maiwasan ang pagtaba at makuha ang iba’t ibang benepisyo nito sa kalusugan gaya ng mga sumusunod:
- Nagbibigay ng mas maraming oras para sa ehersisyo at paglalaro ang pagbabawas ng screentime;
- Mas nakakakuha ng angkop na haba ng tulog ang mga anak, dahil ang mga batang nanonood at naglalaro ng gadgets sa loob ng mahabang oras ay malamang na nahihirapang matulog o manatiling tulog.
Key Takeaways
[embed-health-tool-vaccination-tool]