backup og meta

Mother’s Love Story: Paano Nakakatulong Ang Unconditional Love?

Mother’s Love Story: Paano Nakakatulong Ang Unconditional Love?

Masarap pakinggan ang iba’t ibang mother’s love story na umiiral sa mundo. Malaki ang naitutulong ng mga kwentong ito para mas maunawaan ang konsepto ng unconditional love. Sapagkat, madalas ito ang klase ng pagmamahal na ibinibigay ng isang ina sa kanyang anak.

Pag-ibig na walang kondisyon.

Ito ang uri ng pagmamahal na naranasan ni Tian Dacer sa kanyang ina. Kung saan, masaya niya itong ibinahagi sa kanyang fb post.

Swerte ako kay Mama dahil pinalaki niya ako ng walang labis, walang kulang, pero sobra sa pagmamahal,” pahayag ni Tian.

Hindi naging madali ang buhay nila, ngunit dahil sa unconditional love ng kanyang ina para sa kanilang magkakapatid. Sinikap ng kanyang nanay na mapalaki sila kahit na nag-iisa lamang ang ina.

“Mama, kahit na ikaw ay isang magbobote at mangangalakal ay pinagmamalaki kita. Ikaw ang nagsilbing bayani namin ng mga kapatid ko,” mula sa fb post ni Tian.

Hindi pa rin tumitigil sa paghahanap ng mga kalakal na maaaring ibenta ang kanyang ina. Para lamang matugunan ang kanilang pangangailangan at maitawid ang pang-araw-araw na pamumuhay.

Mother’s Love Story: Ang Pangangalakal

“Naaalala ko noon, hindi tayo kumakain ng tatlong beses sa isang araw dahil maliit lamang ang kita mo at hindi sasapat. Nagkaroon ng matinding bagyo noon, wala tayong masisilungan pero para sa amin gumawa ka ng paraan kahit pa magkasakit ka. Mama, kahit na mayroon kang sakit hindi mo iniinda bagkus ay patuloy ka sa pagbobote mo para samin. Umulan man o umaraw ay handa kang baybayin ang napakalayong lakaran para sa amin. Kami parati ang iyong inuuna kaya hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat,” kwento ni Tian.

Bagamat marami ang nagsasabi na magbobote lamang ang ina ni Tian at walang mararating. Binigyang-diin ni Tian sa kanyang fb post na ang pagmamahal ng kanyang nanay at walang hanggang sakripisyo nito para sa kanila — ang kanilang kayamanan. 

Nakakaramdam pa rin si Tian ng kasiyahan sa tuwing tinutulungan niya ang kanyang ina na magbaklas ng mga kalakal. Dahil napag-uusapan nila kung gaano sila kasaya at paano hinaharap ang pagsubok sa buhay. Kahit minsan na silang tumira sa ilalim ng tulay.

Mother’s Love Story: Paano Nakakatulong Ang Unconditional Love Ng Isang Ina?

“Mama, Salamat sa pagtanim ng mabuting asal sakin at nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw po ang naging nanay ko! Salamat at Mahal kita Nanay. Mahirap man tayo sa ngayon, sobrang yaman naman ng pagmamahal natin sa isat isa,” mula sa huling pahayag ni Tian para sa kanyang ina.

Mayroong powerful impact sa parent-child attachment bond ang unconditional love ng isang ina. Ayon sa artikulong pinamagatang  “Unconditional Love: The Power of Loving Your Teen”. Ang bond na ito ang nagde-determine sa abilidad ng anak na bumuo ng totoong koneksyon. Kung saan, mahusay rin na nakokontrol ng anak ang kanilang emosyon at madali para sa kanila ang maging tunay sa kanilang sarili.

Gayunpaman, natuklasan din ng pag-aaral na ang parental warmth ng magulang ay nagpoprotekta sa mga anak. Laban sa mapaminsalang biological na epekto ng childhood stress. Dagdag pa rito, nababawasan ng affection ang risk ng adult disease at sa madaling sabi, ang epekto ng unconditional love sa anak sa pisikal na kalusugan ay hindi maikakaila. 

Nagkakaroon din ng secure attachment ang mga anak dahil sa uri ng pagmamahal na ito. Madalas, alam ng mga anak na ang kanilang magulang ay emotionally available at responsive sa pag-aalaga sa kanila, gaya ni Tian.

Pagpupugay Sa Pag-ibig Ng Isang Ina

Hindi madaling maging ina dahil sa iba’t ibang kadahilanan at sitwasyon. Ngunit, dahil nangingibabaw ang unconditional love ng mga ina para sa kanilang anak. Madalas, handa silang magtiis at maghirap para sa magandang kinabukasan ng mga minamahal. Lahat ng bagay na pwedeng magpaligaya sa anak ay gagawin. At ito ang isa sa dahilan kung bakit nagiging dakila ang kanilang pagmamahal. Sapagkat handa silang magbigay at mag-alay ng walang kondisyong pag-ibig.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Psychology behind why your mom may be the mother of all heroes https://theconversation.com/psychology-behind-why-your-mom-may-be-the-mother-of-all-heroes-115341 Accessed June 15, 2022

Why your mom may be the mother of all heroes https://www.pbs.org/newshour/science/why-your-mom-may-be-the-mother-of-all-heroes Accessed June 15, 2022

Unconditional Love: The Power of Loving Your Teen https://www.newportacademy.com/resources/restoring-families/power-of-unconditional-love/ Accessed June 15, 2022

Are Women More Compassionate than Men? https://greatergood.berkeley.edu/article/item/are_women_more_compassionate_than_men Accessed June 15, 2022

Parents, Are We Overdoing Selflessness? https://ageofmontessori.org/parents-are-we-overdoing-the-selflessness/ Accessed June 15, 2022

Kasalukuyang Version

07/01/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement