backup og meta

Mother’s Day Special: Bakit Naging Superhero Ang Nanay Ko?

Mother’s Day Special: Bakit Naging Superhero Ang Nanay Ko?

Mother’s Day Special — isa itong mahalagang okasyon para sa lahat ng mga ina at nagpaka-nanay na lalake para sa kanilang mga anak. Hindi madali ang pagtataguyod ng isang pamilya at pagtugon sa bawat pangangailangan. Walang katapusan ang kanilang responsibilidad at hindi natatapos ang kanilang papel sa pamilya.

Mula sa simpleng pagtatanong kung “kumain ka na ba?” Sa pag-aasikaso ng susuotin sa paaralan — at pagbibigay ng payo sa mga problemang kinakaharap. Makikita kung gaano kalaki ang kayang ibigay ng ina para sa kanyang anak.

Sa madaling sabi, walang katumbas ang kanilang pagmamahal.

Handa silang magsakripisyo.

Mapagod.

At maglaan ng oras para sa’yo.

Tulad na lamang ng ina ni Lyn Marcos na nagsilbing real-life superhero niya sa kanyang buhay.

“She is selfless for doing all these things for us despite that she was feeling miserable inside. Life is hard, but God is so good because she finally made it. She made sure that we have a better life ahead of us and we’re forever grateful for that,” mula sa fb post ni Lyn.

Basahin pa ang kabuuang kwentong ibinahagi ni Lyn Marcos at matuto pa sa artikulong ito. 

Mother’s Day Special: The Best Ang Superhero Ko!

“My Nanay did everything to make our lives better, even if she always had to struggle with her severe asthma attack. Severe that she almost died because of it, but she was brave and able to manage it. And every day, she was risking her own life for us. I had seen how happy she was because she got a never-ending job. Going back and forth from our province to Manila so she can sell veggies, fruits, merienda, uling, “balot at penoy” and many more. She even accepted “labada at plantsa” and cleaned someone’s entire house during weekends,” pahayag ni Lyn.

Ang unconditional love na nakuha ni Lyn sa kanyang ina ay isang mahalagang regalo na natanggap niya sa kanyang ina. Sa maraming aspeto, ang pagsasakripisyo ng kanyang ina at iba pang nanay ay maaaring magdulot ng magandang epekto sa mental at physical health.

Lumalabas sa mga pag-aaral na mayroong positive effects of love. Narito ang mga sumusunod:

  • Pagpapabuti ng abilidad na makabuo ng positive relationships
  • Mas malakas na immune system
  • Malusog na brain development sa childhood
  • Mataas na stress resilience

Kaugnay nito, hindi na nakapagtataka kung makikita sa fb most ni Lyn ang kanyang pasasalamat sa ina dahil sa sakripisyo at unconditional love na ipinakita ng kanya nanay sa loob ng maraming taon.

“That’s why there were times I asked myself, what did I do to deserve a mom like her? Nothing has changed aside from her aging gracefully. She’s still my real-life superhero, a giver, the most loving, supportive, understanding, and caring mom of 4. And until now I’m all grown up, she’s still my best friend and my helping hand.”

Mother’s Day Special: My Wedding Gown

Hindi makakalimutan ni Lyn sa kanyang buhay ang ginawang wedding gown ng kanyang ina para sa kanya.

“It happened amidst the pandemic when we were going through a lot of challenges. I will never forget my wedding day and I’ll cherish this for the rest of my life. Imagine, my Nanay made my wedding gown only by the use of her lovely hands. She spent so many hours making this. Yes, I was wearing a simple yet the most beautiful gown I’ve ever seen in my whole life,” mula sa fb post ni Lynn.

Ibinigay ito sa kanyang ng kanyang ina na may ngiti sa kanyang labi — at noong panahon na iyon napakasaya niya.

“This day was priceless because of her. This day reminds me of all the beautiful and amazing things my Nanay has done for me. But I also felt sorry because she forgot herself again and sacrificed not to dye her white hair so she can finish my wedding gown,” pahayag ni Lyn.

Sobra-sobra ang pagpapasalamat ni Lyn sa kanyang ina dahil sa effort na ginawa niya para sa kanyang kasal.

“I’ve got the best kind of love only a mom can give.”

Ano pa ang kayang gawin ng ina para sa kanyang anak?

Sa daming kayang isakripisyo ng mga nanay sa anak. Mayroong mga pagkakataon na nakakalimutan ng anak na ang isang ina ay kayang:

Magtanggol.

Magprotekta.

Mag-inspire.

At higit sa lahat ang magmahal.

Iba-iba ang dahilan bakit ito nalilimutan ng anak. Gayunpaman mahalaga na lagi itong tandaan at alalahanin. Hindi lamang dapat tuwing Mother’s Day ipaparamdam ang pagkalinga at pagmamahal sa ina. Sikapin na gawin ito araw-araw bilang tanda ng iyong pag-alala sa kanila. Kagaya ng simpleng pagpapakita ng pagmamahal ni Lyn sa kanyang nanay sa kanyang fb post bilang entry sa “Mother’s Love Story” ng Hello Doctor.

“Nanay! You’ll always be my inspiration. And let me remind you over and over again, I am so proud of you because YOU’RE THE BEST MOM IN THE WORLD. And that’s why, I celebrate you not only on Mother’s Day but every day of your life. I love you so much, Nanay Justiniana!”

Mahalin ang mga ina, nanay, mommy, mamita sa lahat ng oras at pagkakataon. Gawin ito hindi lamang sa panahon na may kailangan sa kanila — at malakas pa sila. 

Lagi’t lagi silang ilagay sa puso at huwag kakalimutan ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga. 

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Psychology behind why your mom may be the mother of all heroes https://theconversation.com/psychology-behind-why-your-mom-may-be-the-mother-of-all-heroes-115341 Accessed June 15, 2022

Why your mom may be the mother of all heroes https://www.pbs.org/newshour/science/why-your-mom-may-be-the-mother-of-all-heroes Accessed June 15, 2022

Unconditional Love: The Power of Loving Your Teen https://www.newportacademy.com/resources/restoring-families/power-of-unconditional-love/ Accessed June 15, 2022

Are Women More Compassionate than Men? https://greatergood.berkeley.edu/article/item/are_women_more_compassionate_than_men Accessed June 15, 2022

Parents, Are We Overdoing Selflessness? https://ageofmontessori.org/parents-are-we-overdoing-the-selflessness/ Accessed June 15, 2022

Kasalukuyang Version

07/01/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement