Ano ang precocious puberty? Ang precocious puberty ay ang maagang development ng puberty. Sa pangkalahatan, mas maagang nagdadalaga o nagbibinata ang mga bata ngayon kumpara sa kanilang mga magulang o sa karamihan ng ibang bata. Maagang nagsisimula ang puberty kapag nagpakita na ng mga senyales ng puberty ang katawan ng bata sa maagang edad. Lalo na para sa mga nasa edad 8-9 taong gulang. HINDI normal ang precocious puberty sa mga tao. Kung mangyari man ito, ang pangunahing sanhi ay hormonal imbalance at ang secondary cause ay genetic predisposition. Alamin pa kung ano ang precocious puberty dito.
Ano ba ang Maikokonsiderang Early Puberty?
Ayon kay David L. Hill, MD, isang pediatrician (private practice) sa North Carolina at sumulat ng Dad to Dad: Parent Like a Pro, may dalawang uri ng early puberty:
Central precocious puberty
Ang gonadotropin-dependent precocious puberty ay nagaganap kapag nagprodyus ang pineal gland ng mga hormone sa utak.
Ang gonadotropin ay isang hormone na pinoprodyus at inilalabas ng anterior pituitary gland, na nagreresulta sa stimulation ng gonads (testes, ovaries) ng bata. Nagpoprodyus naman ang gonads at naglalabas ng iba’t ibang hormones ng puberty.
Peripheral precocious puberty
Ang gonadotropin-independent precocious puberty ay nangyayari kapag ang sex organs naman ng bata o adrenal glands ay nagprodyus ng mataas na level ng mga hormone.
Madaling mapansin ang early puberty sa mga bata. Sa mga babae, nakikita ang early puberty bago siya magwalong taong gulang. Nakikita ito sa pamamagitan ng paglaki ng kanyang suso (isang napakahalagang senyales), pagtubo ng buhok sa ari at buhok sa kilikili. Nagkakaroon din ng biglaang paglaki o pagtangkad, at unang regla bago magsampung taong gulang.
Sa mga lalaki naman, lumalaki ang testes, lumalaki ang ari, umiitim ang scrotum, tinutubuan ng buhok sa ari, at mabilis at biglang tumatangkad bago ang edad 8 hanggang 9.
Precocious Puberty at ang Pag-uugali ng Babae
Ang pagdadalaga bago magwalong taong gulang ay tinatawag na precocious puberty, habang sa mga lalaki, ang pagbibinata bago magsiyam na taong gulang ay maikokonsiderang maagang pagsisimula.
Sakaling makaranas ang iyong anak na babae ng early puberty, ang pagbabago sa mga hormone ay pwedeng magdulot sa kanya ng pagbabago sa mood. Sa yugtong ito, mataas ang tsansang makaranas ang mga babae ng hindi magandang pakikipagrelasyon sa ibang bata, depression, mga eating disorder, at substance abuse.
Bilang magulang, dapat kang magkaroon ng seryosong usapan kasama ng iyong anak tungkol sa pakikipagtalik, pag-ibig, kaibigan, at kalinisan ng katawan sa takbo ng kanyang menstrual cycle, lalo na kapag may regla. Ipaalam sa kanyang normal lang ang mga pagbabagong kanyang nararanasan, kahit mas maaga niya itong pinagdadaanan kumpara sa ibang bata.
Precocious Puberty at ang Pag-uugali ng Lalaki
Kadalasan, mas madalas mangyari ang early puberty sa mga babae kumpara sa mga lalaki. Kung maagang pumasok sa pagbibinata ang iyong anak, maaari siyang maging agresibo at magkaroon ng sex drive. Maaari siyang mapasok sa mga gulo kasama ng iba pang lalaki dahil sa kanyang pagiging agresibo at maaaring maging distracted sa paaralan. Palaging tratuhin nang normal ang iyong anak, kahit na maaga siyang nagmukhang binata kumpara sa mga kaibigan niyang lalaki.
Mga Sanhi ng Precocious Puberty
Ang hypothalamus ang nagdedesisyon ng pagsisimula ng puberty sa mga babae at lalaki. Naghahatid ito ng mga signal sa pituitary gland, na matatagpuan sa ilalim ng utak upang maglabas ng mga hormone na gumigising sa testicles ng mga lalaki at ovaries ng mga babae upang gumawa ng mga sex hormones.
- Nangyayari ang precocious puberty sa mga babae kapag maagang nagpadala ng mga signal ang hypothalamus kumpara sa inaasahan. Mas madalas itong mangyari sa mga babae kumpara sa mga lalaki.
- Minsan, maaari itong mamana, na mas madalas ding mangyari sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
- Pwede din itong mangyari dulot ng iba pang seryosong kondisyong medikal tulad ng central nervous system abnormalities at rare genetic syndromes.
- Isa pang bihira ngunit maaaring mag-trigger nito ay ang trauma o pagkakaroon ng tumour tulad ng sa thyroid at mga kondisyong medikal sa ovaries.
Proseso ng Diagnosis
Maaaring payuhan ng doktor ang iyong anak na sumailalim sa mga sumusunod na test. Ito ang paraan upang ma-diagnose ang dahilan sa likod ng maagang pagsisimula ng puberty:
- Blood test upang malaman kung may mataas siyang level ng sex hormones.
- Bone scan upang masuri kung maagang nagma-mature ang mga buto kaysa sa normal.
- MRI scan ng utak upang matukoy ang presensya ng tumor
Gamutan para sa Precocious Puberty
Kung lumabas sa mga medical test ang early maturation ng buto sa kamay at pulsuhan (wrist) ng iyong anak, at mataas na level ng mga sex hormone, maaari kang i-refer ng iyong doktor sa isang endocrinologist para sa gamutan.
Ang kadalasang gamutan ay ang mga sumusunod:
- GnRH agonist therapy (Leuprolide) – pinipigilan ang gonadotropin secretion sa pamamagitan ng pagpapababa ng regulasyon ng mga GnRH receptor.
- Paggamot sa underlying medical condition na pinakasanhi ng precocious puberty sa iyong anak, tulad ng surgical removal ng tumor (kung mayroon man)
Nagpapabagal ng bilis ng paglaki ang gamutan, ayon sa edad. Nauuwi rin ito sa mas mabagal ng osseous (bone) maturation.
Pakikipag-usap sa iyong anak
Madalas na nahihirapan ang mga batang malagpasan ang mga pagbabago sa kanilang sarili. Imbis na hayaan silang harapin ito nang mag-isa, mabuting magkaroon kayo ng pag-uusap hinggil sa mga pagbabagong ito at iba pang darating pa lang sa hinaharap.
Sabihin sa kanilang pwede silang lumapit sa iyo upang masagot ang ilang mga katanungan. Kailangan mo ring ipaliwanag sa kanila ang lahat ng dapat nilang malaman tungkol sa pagbibinata o pagdadalaga. Bagaman hindi mo makokontrol ang lahat ng pwedeng mangyari sa labas ng inyong bahay, pwedeng-pwede mong iparamdam sa kanilang ligtas sila kapag nasa bahay sila at kasama ang pamilya.
Matuto pa tungkol sa Adolescence dito.