backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano ang Attentive Listening? Alamin ang mga Tips Kung Paano Bumuo ng Mabuting Relasyon sa Anak

Narebyung medikal ni Maribel Dominguez MD, PhD · Psychology


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Ano ang Attentive Listening? Alamin ang mga Tips Kung Paano Bumuo ng Mabuting Relasyon sa Anak

    Ano ang attentive listening, at paano ito makatutulong sa iyo bilang isang magulang? Isa sa pinakamahirap na bagay na maaaring gawin ng isang magulang sa pagpapalaki ng isang anak ay kapag umabot na sila sa yugto ng pagiging isang tinedyer. Ito ay marahil ang pag-open up ng iyong tinedyer ay nangangailangan ng higit na panggigipit at panghihikayat, sa magkabilang panig ng pag-uusap.

    Ipinakita ng isang kamakailang pag-aaral na ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapakita na masinsinan kang nakikinig ay maaaring maghikayat ng mga kabataan na buksan ang kanilang mga sarili at aminin ang kanilang mga nararamdaman o problema, gayundin ang pag-amin ng masamang pag-uugali sa mga magulang nang hindi nangangailangan ng matinding panghihikayat.

    Ano ang Attentive Listening?

    May posibilidad na isipin ng ilang mga tao na ang attentive listening ay tumutukoy sa masinsinang pakikinig lamang, ngunit ito ay higit pa rito. Ayon kay clinical at social psychology associate professor ng University of Reading na si Dr. Netta Weinstein:

    “We all know that listening to someone talk about their problems is an effective way of reassuring them and establishing a connection. However, until now there has been little thought given to the quality of that listening, and the difference that makes.”

    Ang kalidad ng pakikinig, sa kasong ito, ay tumutukoy sa kung paano isinasagawa ang pakikinig. Dito nagsisimulang pumasok ang iba’t ibang diskarte sa pakikinig, kabilang ang pagtango, eye contact, at mga interjecting keyword na naghihikayat sa pagiging open sa panahon ng pag-uusap.

    Para sa mga taong nagtatanong kung ano ang attentive listening, ang pakikinig ay isang mahalagang bahagi ng isang pag-uusap. Hindi ito masusuklian kung wala ang mutual interaction at pakikinig sa isa’t isa. Ito ay isang kinakailangang unang hakbang na dapat gawin kapag sinusubukang kunin ang loob ng isang tao upang mag-open-up sayo.

    Ano ang Attentive Listening sa Komunikasyon?

    Karamihan sa mga magulang ay nag-iisip na ang kanilang mga tinedyer na anak ay nag-aalangan sa pakikipag-usap. Samantala, ang mga tinedyer ay kadalasang iniisip na ang kanilang mga magulang ay hindi handang makinig o umunawa.

    Dito pumapasok ang kung ano ang attentive listening. Ito ay bumubuo sa istruktura ng pagbuo ng isang alyansa at pagtitiwala sa isa’t isa, na kapag ang isang tao ay nagsasalita, ang isa ay nauunawaan at nagre-react upang ipaalam sa kanya na siya ay naririnig. Ito ang higit na kailangan ng parent-teenager relationships.

    Bilang isang magulang, isantabi ang lahat ng mga paghatol at makinig sa iyong anak kapag nakikipag-usap sa kanila. Hayaang magsalita sila at makisali sa attentive listening. Ito ay nangangahulugang mayroong eye contact, lubos na atensyon na nagaganap. Gayundin, mayroong eksklusibong pagtuon sa kanilang sinasabi. Ang pakikipag-usap sa iyong anak o tinedyer ay hindi nangangahulugan na ang bawat segundo ay dapat mapuno ng mga salita, opinyon, o payo.

    Tandaan din na ang pakikinig ay hindi awtomatikong nangangahulugan na nagkakaroon ng pagkakaiintindihan. Sa paglipas ng panahon, mas komportable ang iyong anak na buksan ang kanyang loob at makipag-usap sa iyo. Tandaan din na ang pakikinig ay hindi awtomatikong nangangahulugang naiintindihan.

    Ano ang Attentive Listening at Paano Ito Nakaapekto sa Tao?

    Ang bawat tinedyer ay naghahangad ng isang magulang na maunawain. Hindi ito nangangahulugan na kailangan mong maging maluwag at hindi gaanong mahigpit, ngunit nangangahulugan lamang ito na dapat kang nandiyan para sa kanila bilang isang kaibigan katulad ng pagiging maagulang mo sa kanya. 

    Ang mga nakababata na anak ay tiyak na magkamali, at maaaring makatulong na ilagay ang iyong sarili sa kanilang mga posisyon. Isipin muli noong ikaw ay nasa edad nila at unawain ang kanilang sitwasyon. Lumilikha ito ng sense of empathy at antas ng pag-unawa na makatutulong sa pagbuo ng isang mas mahusay na pag-uusap.

    Sa isang pag-aaral mula sa Journal of Experimental Child Psychology, ang pagbibigay-diin sa kalidad ng pakikinig ay nagsiwalat na ang pagiging nakatuon at aktibong pakikinig ay nakatulong na madama ng mga tinedyer na kalahok ng pag-aaral ang pagiging totoo at magkaroon ng mas malalim na koneksyon sa magulang na kanilang kausap.

    Ang pag-aaral ay nagpahayag ng ilang mga implikasyon para sa kapakanan ng isang tinedyer, kabilang ang paggawa ng mga tinedyer na maging mas komportable at hindi natatakot, na dalawang bagay na kailangan sa isang relasyon na binuo sa tiwala. Bilang mga magulang, tiyak na gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa buhay ng iyong anak mula sa kanila kaysa sa ibang tao.

    Ang pakikipag-usap ay isang mahusay na paraan upang bumuo ng magandang relasyon, at sa pamilya, maaari itong mapahusay ang ugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga tinedyer.

    Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Adolescent dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.


    Narebyung medikal ni

    Maribel Dominguez MD, PhD

    Psychology


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement