Nagagawa ng iyong sanggol na makipag-usap sa iyo bago pa siya matutong magsalita. Tinutulungan ka ng sanggol na maunawaan ang kanyang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pag-iyak at pagngiti. Alam mo ba ang iyong gagawin kapag may mga alalahanin tungkol sa mga pagkaantala sa kanilang pag-unlad tulad ng delay na pagsasalita ng bata?
Ang isang karaniwang dalawang taong gulang ay may bokubularyo ng humigit-kumulang na 50 na salita. Kaya niyang magbitaw ng mula dalawa hanggang tatlong salita na mga pangungusap. Sa edad na tatlo, makakapagbitaw na siya ng mula tatlo hanggang anim na salita na mga pangungusap.
Developmental milestones
Kung hindi pa naabot ng iyong sanggol ang mga milestone na iyon, maaaring ito ay sintomas ng delay na pagsasalita ng bata. Ang mga developmental milestones ay nakakatulong na sukatin ang pag-unlad ng iyong anak. Ngunit ang mga ito ay mga pangkalahatang patnubay lamang. Huwag mag-alala dahil may kanya-kanyang panahon ang pag-develop ng mga bata.
Kung ang iyong anak ay may pagkaantala sa pagsasalita, hindi ito palaging nangangahulugan na may mali. Maaaring mayroon kang isang late bloomer at hindi magtatagal ay magiging sobrang daldal din nito. Ang pagkaantala sa pagsasalita ay maaari ding sanhi ng pagkawala ng pandinig o iba pang mga neurological o developmental disorders.
Ano ang speech delay?
Ang mga kasanayan sa wika at pagsasalita ay nagsisimula sa mga larong tunog na nagmumula sa isang sanggol. Habang lumilipas ang mga buwan, ang tila walang kabuluhang daldal ay umuusad sa unang salita na kayang mauunawaan.
Ang delay na pagsasalita ng bata ay nangyayari kapag hindi nakamit ng isang paslit ang karaniwang mga milestone sa pagsasalita. Ngunit tandaan na may sariling panahon ang pag-unlad ng bawat bata. Kung kaya, hindi nangangahulugang may malubhang problema ang iyong anak kung medyo huli sya sa pagsasalita.
Speech, language at delayed na pagsasalita ng bata
Ang pagsasalita ay pagpapahayag ng wika na may kasamang artikulasyon. Ito ang paraan ng pagbuo ng mga tunog at salita. Sa isang banda, ang wika ay ang pag-intindi at kakayahang maunawaan ng iba sa pamamagitan ng komunikasyon. Kasama na dito ang pagsulat, berbal at di-berbal na komunikasyon.
Bagama’t madalas na mahirap paghiwalayin ang dalawa, may ilang pagkakaiba sa pagitan ng pagkaantala sa pagsasalita at wika. Ang isang paslit na may pagkaantala sa pagsasalita ay maaaring sumubok ngunit nahihirapan sa pagbuo ng mga tamang tunog upang makagawa ng mga salita. Hindi sangkot dito ang pag-unawa o di-berbal na komunikasyon.
Pagkaantala sa wika
Ang delay sa pagsasalita ng bata partikular na ang pagkaantala sa wika ay nagsasangkot ng pag-unawa at pakikipag-usap, berbal man o hindi. Maaaring gumawa ng mga tamang tunog at magbigkas ng ilang salita ang batang may pagkaantala sa wika. Subalit hindi siya makabuo ng mga parirala o pangungusap na may katuturan. Maaaring nahihirapan din siyang maunawaan ang iba.
Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagsasalita o pagkaantala sa wika. Ngunit kung minsan, ang dalawang kundisyon ay nagsasapawan.
Sintomas ng delay sa pagsasalita ng bata
Ang pagiging pamilyar sa mga salik na hahanapin tuwing tinatanong ng doktor at pagsasagawa ng pisikal na pasusuri ay nagbibigay-daan sa mga doktor na makapagbigay ng diagnosis. Napapanahong pagtuklas at maagang interbensyon ay maaaring mapagaan ang emosyonal, panlipunan at mga kakulangan sa pag-iisip.
Ang pagkaantala sa pag-unlad ng pagsasalita ay maaaring sintomas ng maraming mga karamdaman. Kabilang dito ang sumusunod:
- Mental retardation
- Pagkawala ng pandinig
- Expressive language disorder
- Psychosocial deprivation
- Autism
- Elective mutism
- Receptive aphasia
- Cerebral palsy
Makakatulong ang pagiging pamilyar sa mga salik na hahanapin kapag nagsasagawa ng pisikal na pagsusuri. Mahalaga ang napapanahong pagtuklas at maagang interbensyon sa kapansanang ito upang mas mapabuti ang resulta.