Minamarkahan ng puberty ang mga mahahalagang pagbabago na nararanasan ng katawan ng isang bata bilang bahagi ng pagtungtong sa wastong gulang (adulthood). Ang pagpapawis at amoy ng katawan ay ilan sa mga kapansin-pansing mga sintomas sa panahon ng pagbabagong ito. Bilang isang magulang, responsibilidad mong ipaalam sa kanila ang mga pagbabagong ito nang maaga at suportahan sila habang sumasailalim sila rito. Patuloy na magbasa upang malaman ang higit pang mga tips sa personal hygiene para sa teenager.
Personal Hygiene Tips Para sa Pawis at Amoy ng Katawan
Maraming mga bata ang ayaw maligo araw-araw, lalo na ang mga lalaki. Gayunpaman, kapag dumating sila sa punto ng pagbibinata, ang mga bata ay mas nagiging pawisin, higit pa kaysa sa karaniwan dulot ng mga hormonal changes. Bagama’t hindi maamoy ang sariwang pawis, maaari itong mamuo sa kanilang balat o damit. Pinapataas nito ang pagkakataong dumami ang bacteria at magdulot ng kakaibang amoy sa katawan. Kung kaya, kinakailangan ang pang-araw-araw na paliligo at pagpapalit ng damit.
Ang ilan sa mahahalagang tips sa personal hygiene para sa teenager ay kinabibilangan ng:
Pagligo nang hindi bababa sa isang beses sa isang araw
Maaari mong irekomenda sa kanila na gumamit ng mild soap na may maligamgam na tubig at tumuon sa mukha, kamay, paa, kili-kili, singit, at ibaba. Ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng paghuhugas lalo na sa kilikili o singit, kung saan maraming sweat-producing glands kung saan mabilis tumubo ang bacteria.
Pagsuot ng malinis at preskong mga damit
Magsuot ng malinis na damit araw-araw, kabilang ang mga medyas at damit-panloob. Gayundin, bilang isang magulang, maaari kang bumili ng mga damit na cotton para sa iyong anak. Ang materyal na ito ay tumutulong sa mas epektibong pagsipsip ng pawis kaysa sa karamihan ng iba pang tela.
Palitan ang bed linen bawat linggo upang matiyak na malinis ito. Dagdag pa rito, labhan ito gamit ang mainit na tubig upang patayin ang bacteria at iba pang mga mikrobyo.
Paggamit ng deodorant o antiperspirant
Epektibo ang mga deodorant sa pag kubli ng kulob o amoy sa kili kili, habang ang mga antiperspirant ay nagpapahinto o nagpapatuyo ng pawis. Makabibili ka ng mga ito sa anyo ng mga gel, spray, at cream. Maaari mong bilhin ang mga ito sa drug store o supermarket.
Tips Upang Maiwasan ang Oily Hair
Kapag ang isang indibidwal ay dumaan sa pagdadalaga o pagbibinata, ang mga sweat glands at oil secretions ay sadyang ginagawang greasy, shiny, at oil ang buhok ng iyong anak. Ang paghuhugas ng buhok araw-araw, ay magbibigay-daan sa iyong anak na kontrolin ang oily hair, sa gayon, mapanatili ang kalinisan.
Maaari mong irekomenda ang mga sumusunod na tips sa personal hygiene para sa teenager upang maiwasan ang kanilang buhok maging sobrang oily:
Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mabuting kalinisan at pagtugon sa pawis at langis, maiiwasan mo rin ang mga acne infection, maging iba pang impeksyon sa balat.
Tips sa Pag-iwas sa mga Problema sa Balat
Katulad ng buhok, ang iyong tinedyer ay maaari ring maapektuhan ng pagbabago sa kanilang hormone levels. Maaari itong humantong sa oily skin, clogged pores, pimples, at acne. Narito ang ilang tips sa personal hygiene para sa teenager pagdating sa kanilang mga isyu sa balat.
- Panatilihing malinis ang kanilang balat sa pamamagitan ng marahang paghuhugas nito dalawang beses sa isang araw.
- Banlawan ang sabon o cleanser ng maligamgam na tubig at patuyuin ang balat gamit ang malinis at tuyong tuwalya.
- Gumamit ng moisturizing lotion araw-araw.
- Subukang huwag pisilin ang mga pimples at hawakan lamang ang mukha kapag malinis ang mga kamay.
- Regular na labhan ang kanilang mga tuwalya.
Mga Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pag-ahit
Kapag ang isang lalaking tinedyer ay nagsimulang makakuha ng kanyang unang stubble, kadalasan ay natutuwa siya bilang ito ay maituturing na unang senyales ng pagiging adult. Ang pag-ahit ay isang mahalagang milestone sa buhay ng isang teenager. Gayunpaman, maaaring hindi ito kasingdali ng iniisip ng isang tinedyer na may sobrang kumpiyansa, na puno ng mga hormone. Hindi rin naman ito mahirap, basta’t mag-ahit siya nang may pag-iingat.
Magandang ideya para sa mga magulang na tulungan ang iyong tinedyer na mag-ahit, lalo na sa mga unang araw.
Nasa ibaba ang ilang quick tips sa pag-ahit:
- Bumili ng mga razor na espesyal na ginawa para sa mga tinedyer. Ang mga disposable ay maaaring masyadong matalas para sa isang tinedyer;
- Siguraduhin na nabasa niya nang tama ang balat gamit ang maligamgam na tubig, nalagay ang shaving cream, at dahan-dahang gamit ang razor.
Tips sa Personal Hygiene Para sa Teenager Patungkol sa Oral na Kalusugan
Ang mga kabataan, kung minsan, ay masyadong tamad na magsipilyo ng kanilang mga ngipin sa gabi. Ito ay hindi lamang humahantong sa pagkabulok ng ngipin ngunit nagdudulot din ng mabahong hininga. Kung kaya, ang pagsisipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw, isang beses sa umaga at isang beses bago matulog, ay mahalaga para sa pagpapanatili ng oral na kalusugan. Inirerekomenda rin ng mga doktor ang flossing 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.
Ang mga kabataan ay kadalasang nagiging pahirap sa panahong ito marahil nagiging matigas ang kanilang ulo at nakararanas ng madalas na pagbabago sa mood dahil sa mga hormonal changes. Dahil dito, dapat mahaba ang pasensya ng mga magulang.
Bilang magulang, maaari kang maging mas matagumpay sa pagpapakita sa kanila ng dahilan sa pamamagitan ng banayad na pagpupursige kaysa sa pakikipagtalo sa kanila. Marahil ito ay maaari lamang magtulak sa kanila palayo at lumikha ng isang puwang sa inyong komunikasyon. Tandaan, ang iyong anak ay patungo na sa pagiging adult at sa gayon ay nais nilang matrato tulad ng isa.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Adolescent dito.