backup og meta

Pagpapatuli ng Bata: Impormasyon Para sa Magulang

Pagpapatuli ng Bata: Impormasyon Para sa Magulang

Ang pagpapatuli ng bata ay isang karaniwang procedure na ginagawa sa Pilipinas. Para sa mga lalaking Pilipinong nasa kanilang adolescence. Bilang magulang at mga batang balak magpatuli — ano ba ang mga dapat mong malaman tungkol sa teenage circumcision surgery?

Basahin ang artikulong ito.

Pagpapatuli ng bata: Isang pangkalahatang-ideya

Ang pagtutuli ay isang operasyon na nag-aalis ng masamang balat (foreskin), o ang balat na nakapalibot sa ulo ng ari ng lalaki.

Sa ibang mga bansa, tulad ng Estados Unidos. Pinipili ng mga magulang na tuliin ang kanilang mga anak habang sila ay mga sanggol pa. Gayunpaman, sa Pilipinas, ang mga batang lalaki ay karaniwang dumaranas ng operasyong ito sa kanilang mga pre-teens o early teenage years.

Tandaan lamang na ang pagtutuli ay hindi “kinakailangan” o “required”. Bagama’t, pwede itong gamitin para gamutin ang ilang partikular na kondisyon tulad ng phimosis (tight foreskin) at balanitis (paulit-ulit na impeksyon sa foreskin).

Mga benepisyo ng teenage circumcision surgery

Itinuturing ng ilang pamilyang Pilipino na ang teenage circumcision surgery ay isang rite of passage: Kung saan, sinasabing sa oras na maranasan ito ng batang lalaki, naniniwala ang mga tao na malapit na siyang maging ganap na lalaki. Kaya naman, para sa maraming mga lalaki, ang pangunahing motibasyon nila sa operasyong ito ay hindi matawag na “supot”. Ang ibig sabihin ng “supot” ay hindi pagiging tuli.

Gayunpaman, marami pang bagay na maganda sa pagtutuli — higit pa sa pagiging symbolic nito sa pagkalalaki ng isang tao. Nasa ibaba ang ilan sa mga potensyal na benepisyo ng pagpapatuli ng bata:

  • Nababawasan ang panganib ng impeksyon sa daanan ng ihi (urinary tract infections)
  • Mas madaling hygiene; sa pagtanggal ng foreskin, mas madali na ang paglilinis ng ari.
  • Nabawasan ang panganib ng sexually transmitted infections (STIs)
  • Napapababa nito ang panganib ng penile cancer
  • Pinipigilan ang foreskin infection

Pakitandaan lamang na ang mga panganib sa kalusugan ng pagiging hindi tuli ay bihira. Huwag ring kakalimutan na ang proper penile care ay makakatulong sa pag-iwas sa mga panganib. 

Pagpapatuli ng bata: Mga bagay na dapat tandaan ng magulang 

Kung ang iyong anak na binatilyo ay magpapatuli. Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan:

Pumunta sa qualified healthcare providers

Ang unang bagay na kailangan mong tandaan ay ang kaligtasan ng iyong anak. Para sa kadahilanang ito, magtakda lamang ng appointment sa isang qualified healthcare providers. Laging isaisip na dapat ay eksperto sa pagsasagawa ng operasyon ang taong ito. Sanay rin dapat ang taong ito sa sterile na kapaligiran sa oras ng operasyon.

Maaari kang makipag-usap sa’yong family doctor para sa karagdagang impormasyon. O magtanong tungkol sa pagpapatuli sa pinakamalapit na ospital. Gayunpaman, maraming pampubliko at pribadong institusyong pangkalusugan ang nag-aalok ng mga programang “Operation Tuli”. Kung saan nagtitipon sila ng ilang doktor para magsagawa ng pagtutuli nang libre.

Kung kaya mo, samahan ang iyong anak sa panahon ng operasyon

Dahil mabilis lamang ang operasyon, dahil halos hindi ito tumatagal ng isang oras. Pwede mong maramdaman na okay lang para sa’yong nakatatandang anak na mag-isa. Pero tandaan, hangga’t maaari, samahan mo dapat sila.

Sapagkat ang iyong anak ay maaaring sobrang kabahan o maging tensionado. Para makinig sa mga instruction sa aftercare. Kung nandodoon ka, makakatulong ito para mapansin ang lahat ng mga utos at rekomendasyon ng doktor.

Ang iyong anak ay malamang na uminom ng mga pain reliever

Sa teenage circumcision recovery, kadalasang nasasangkot ang pain relievers dito. Dahil ang lugar kung saan naganap ang paghihiwa ay pwedeng sumakit sa loob ng ilang araw. Makikita sa karamihan ng mga kaso, sapat na ang over-the-counter medicines tulad ng acetaminophen. Sundin ang mga instruction ng doktor pagdating sa mga painkiller.

Payuhan ang iyong anak na huwag maligo o maligo kaagad pagkatapos ng operasyon

Pinakamainam na huwag mag-full-body shower hanggang sa ika-2 araw pagkatapos ng operasyon. Pagkatapos nito, ang iyong anak ay pwedeng maligo gaya ng dati. Ngunit turuan silang huwag mag-scrub sa lugar ng paghiwa. Ang pinakamagandang gawin ay hayaang dumaloy ang tubig na may sabon sa sugat.

Pagpapatuli ng bata: Sundin ang mga instruction para sa incision care

Upang pangalagaan ang lugar ng paghiwa o incision site, turuan ang iyong anak na gawin ang sumusunod:

  • Maaaring tanggalin ang wrap-around bandage sa lugar ng paghiwa sa ika-2 araw.
  • Sa ika-2 araw pagkatapos ng operasyon, ang benda ay pwedeng basain ng maligamgam na tubig. Para makatulong na dahan-dahang lumuwag ang benda.
  • Pagkatapos tanggalin ang dressing, hayaang bukas ang sugat sa hangin upang matuyo.
  • Mag-apply ng petroleum jelly ng ilang beses sa isang araw. Para maiwasang dumikit ang sugat sa mga damit.
  • Iwasan ang masikip na damit na maglalagay ng presyon sa sugat.
  • Linisin ang lugar ng paghiwa ng malinis, maligamgam na tubig. Paalalahanan sila na laging maghugas ng kanilang mga kamay. Kapag nililinis ang kanilang sugat sa operasyon. Huwag gumamit ng alkohol o hydrogen peroxide sa paglilinis ng sugat.

Ipaalam sa’yong anak na ang bahagyang pagdurugo at discharge ay normal. Hanggang sa ganap na gumaling ang sugat (karaniwan ay pagkatapos ng 7 hanggang 10 araw). Iwasan ang mabibigat na gawain at isports.

Pwedeng magbago ang mga instruction na ito, depende sa sinabi ng doktor pagkatapos ng teenage circumcision surgery. Halimbawa, sa halip na petroleum jelly, pwedeng magrekomenda ang doktor ng antibacterial ointment upang maiwasan ang impeksiyon.

Kailan dapat humingi ng tulong medikal

Pumunta sa doktor kung ang iyong anak na lalaki:

  • Nagkaroon ng lagnat
  • Nakakaranas ng pananakit ng ari na hindi gumagaling sa mga pain reliever
  • May maluwag na tahi o nabuksan muli ang sugat
  • Patuloy na pagdurugo
  • Wala pa ring normal na pag-ihi 12 oras pagkatapos ng teenage circumcision surgery
  • May foul-smelling drainage mula sa surgical wound

Matuto pa tungkol sa Adolescence Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

CIRCUMCISION METHODS FOR ADOLESCENT BOYS AND MEN
https://www.who.int/hiv/pub/malecircumcision/chapter_9.pdf
Accessed January 11, 2021

Circumcision practice in the Philippines: community based study
https://sti.bmj.com/content/81/1/91.1
Accessed January 11, 2021

Circumcision in boys
https://www.nhs.uk/conditions/circumcision-in-boys/
Accessed January 11, 2021

Post-Operative Care for Adolescent Circumcision
https://www.ucsfbenioffchildrens.org/education/post-operative_care_for_adolescent_circumcision/
Accessed January 11, 2021

Circumcision in Older Boys: What to Expect at Home
https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=tw12609
Accessed January 11, 2021

Circumcision
https://kidshealth.org/en/parents/circumcision.html
Accessed January 11, 2021

Circumcision (male)
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/circumcision/about/pac-20393550#:~:text=Sometimes%20there’s%20a%20medical%20need,of%20certain%20sexually%20transmitted%20infections.
Accessed January 11, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Diabetes Sa Teenager At Iba Pang Mga Dapat Malaman

Mga Tips sa Personal Hygiene Para sa Teenager, Ano-ano ang mga Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement