Anong pakiramdam ng may kambal? Marahil naisip mo na ang tanong na ito, lalo’t maraming kambal ang nabubuhay sa’ting mundo.
Maraming curious sa kung anong pakiramdam na magkaroon ng kakambal na kapatid — lalo’t kung identical twins. Pwedeng maging kawili-wili na makakita ng isang taong kamukhang-kamukha mo — ngunit hindi naman ikaw.
Nagsagawa ng interview ang Hello Doctor team sa magkapatid na kambal na sina Cindee at Candee Pendoza. Hiniling ng team sa kambal na ito — na ibahagi ang kanilang journey bilang twins, at kung anong pakiramdam ng may kambal.
Narito ang kanilang kwento:
Maaari ka bang magbahagi ng tungkol sa’yong sarili? Ano ang pinagkakaabalahan mo sa mga araw na ito? May iba ka pa bang kapatid?
Candee: Bunso ako. Mahiyain at composed sa halos lahat ng oras. Masasabi kong medyo kabaligtaran ako ng twin sister ko. Dahil sa aming dalawa — ako ang seryoso. Sinasabi ng mga colleague ko na, madaldal, napaka-informative, mapanuri sa details, kaya napakahigpit ko. Good listener at advisor din daw ako tungkol sa mga relasyon, kalusugan, atbp. Interesado din ako sa sining at animations, mga movie/TV marathon, at eating/drinking session — kasama ang aking tatay at kakambal. I’m into doing research, especially tungkol sa kalusugan at natural healing, psychic senses, at higher dimensions.
Cindee: I see myself as the more shy twin. Literal na kinukulong ko ang sarili. Kadalasan, gusto kong makinig lang kapag may kausap. Nagsasalita lang ako kapag kailangan, o kung mayroon akong input at ideya sa isip. Sinusubukan kong sabihin ang mga ito — kapag kaya ko. Abala rin ako nitong mga nakaraang araw sa paggawa ng research at pagsusulat.
Oo, mayroon kaming 3 nakatatandang kapatid: 2 nakatatandang kapatid na lalaki at 1 nakatatandang kapatid na babae.
Ang pagkakaroon ba ng kambal na anak ay nasa dugo ng inyong pamilya? Nagulat ba ang iyong mga magulang? Anong pakiramdam ng may kambal sa pamilya?
Oo, actually kami ay nasa third generation of twins ng mother’s side. Makikita na ang aming lola, ang unang nagkaroon ng kambal na kapatid sa pamilya. Para naman sa ikalawang henerasyon, mayroon kaming isang identical at ang isang fraternal. Ang astig na na-meet namin ang mga tito namin — na kapareho namin — since nasa ibang bansa pa sila.
Noong nabubuhay pa ang nanay namin. Maraming beses na namin siyang tinanong tungkol sa maraming bagay. Kasama na rito ang kanilang reaksyon nang malaman nilang may kambal siya. Tinanong din namin ang tatay namin tungkol dito. Pareho nilang sinabi na maganda ito, at sila’y sobrang excited. Kahit na hindi nila expected o plano na magkaroon ng higit sa 3 mga anak.
Cindee: Ang lahi ng inyong pamilya sa pagkakaroon ng kambal ay dahilan ng misconceptions na lagi nating naririnig.Gusto kong malaman mo na pwedeng wala ito sa inyong pamilya, o sa magkabilang panig. Ngunit maaari mo itong simulan. Oo, pwede kang magkaroon ng kambal — at sila ang magiging unang henerasyon sa inyong pamilya.
Candee: Sa ngayon, maaaring piliin ng mga tao na magkaroon ng kambal o maraming babies. Kahit na wala ito sa inyong pamilya (sa pamamagitan ng IVF). Ganito kabilis umuunlad ang teknolohiya.
Naipanganak ka ba sa pamamagitan ng C-section? Ayon sa iyong ina, ito ba ay isang madaling pagbubuntis, o nakaranas ba siya ng ilang mga paghihirap?
Oo, ipinanganak kami sa pamamagitan ng C-section. Nagkaroon ng 2 minutong pagitan o interval. Ayon sa kanyang doktor, kapag ang isang babae ay sumailalim sa isang cesarean delivery. Ang kanyang succeeding ay dapat nasa parehong pamamaraan.
Hindi naging madali ang pagbubuntis. Dahil ang aming ina ay nagdadala ng 2 sanggol, at may kabuuang 12.2 pounds. Mayroong mga sakit na nararamdaman at talaga nga namang nakakatakot. Patuloy kaming gumagalaw sa loob, kasama ang lahat ng rumblings at sipa. Pakiramdam niya ay may mga ahas sa loob ng kanyang tiyan. Nahihirapan siyang humiga sa kama ng nakaharap, o ventral side up. Sapagkat, nahihirapan siyang huminga. There was a time na umihi ang mama namin, naramdaman niya ang ulo ni Candee. Habang nagbabanlaw kaya kailangan niyang itulak si Candee pabalik sa loob.
Sa maraming mga kaso, para sa praktikal na mga kadahilanan. Ang mga magulang ay madalas nagbibigay sa kambal ng parehong mga bagay (mga laruan, damit, atbp). Nagustuhan mo ba ito? Sa anong edad mo gustong magkaroon ng iba’t ibang bagay?
Cindee: Oo, totoo talaga. Gusto ko ito, dahil hindi magkakaroon ng selos. Hindi ko naisip na magkaroon ng iba’t ibang mga bagay. Ang nangyari sa amin ay binibigyan lang nila kami ng iba kapag birthday, Pasko at Bagong Taon, at nasanay na kami.
Karamihan sa’ming mga libangan ay magkatulad at halos pareho ang gusto namin. Pero noong sinubukan kong alalahanin ito. I guess we started wanting something different at age 7. That was the age na dinala kami ng isa sa mga tita namin sa SM Megamall para pumili ng gusto naming regalo.
Candee: Totoo naman. Naranasan naming bigyan ng parehong damit at parehong laruan. Gustung-gusto at nasisiyahan akong magkaroon kami ng parehong damit, hairstyle, at mga bagay. Minsan, may distinguishing mark sa mga regalo namin para hindi malito. Ngunit nagbibigayan kami ng iba pang mga bagay paminsan-minsan.
I only decided to have a different haircut when I started to work. Because I need to tie my hair. Para sa mga damit, I would buy the same design for me and my twin. So, we still have something in common even at this age. Mayroon din kaming tita na bibigyan pa kami ng twinning blouse or pants, etc.
Sa iyong pagkabata, madalas ba kayong magkasakit nang magkasabay? Paano kapag masama ang pakiramdam ng isa sa inyo? Pinaghihiwalay ba kayo ng inyong mga magulang? Anong pakiramdam ng may kambal na may sakit?
Cindee: Noong bata pa kami, hindi kami nagkakasakit ‘madalas na magkasabay.’ Pero kapag nagkasakit ang isa, asahan mong susunod ang isa. Noong Grade 3, nagkasakit kami pareho.
Tatlong magkasunod na araw na nagkasakit si Candee at nalaman nilang nilalagnat ito. Agad din akong tsinek — at VOILA!!!! Mayroon din akong mataas na lagnat. Pero ang akin ay stage 1 at siya ay stage 2.
Hindi, hindi kami pinaghihiwalay. Mas gusto ko talaga sa isang kwarto kasama ang kambal ko. Sobrang saya lang. There is this bond na hindi maiintindihan ng iba. Maliban na lang kung may kambal ka rin at close mo s’ya. Kapag ang sakit ay pwedeng maipasa o madala sa hangin. Mahihiwalay ako kay Candee. I must admit it though na magiging sobrang boring kung ako lang mag-isa. Kapag tayo ay nagkasakit, mayroong sense of comfort mula sa iba kung tayo ay kasama.
Candee: Hindi tayo madalas magkasakit ng sabay. Gayunpaman, pareho kaming nalulungkot o hindi mapalagay. Kapag ang isa sa amin ay may sakit . Hindi tulad ng ibang kambal, hindi kami naniniwala na kailangan naming maghiwalay. Kami ay nananatili sa isang kuwarto, mula noong kami ay ipinanganak. Patuloy pa rin namin itong ginagawa hanggang sa oras na ito — sa’ming 30s. Tama si Cindee, kung ang sakit ay madaling maipasa. Siguradong magkakahiwalay kami. Ngunit sa teknolohiya ngayon, nakikipag-usap kami online kung kinakailangan bang maging malayo kami sa isa’t isa.
Habang lumalaki, nalilito ba ang iyong pamilya at mga kaibigan tungkol sa kung sino kayo? Paano mo hinaharap ang kalituhan ng ibang tao sa inyong identity? Anong pakiramdam ng may kambal na kamukang-kamuka mo?
Candee: Oo, ang ilan sa’ming mga kapamilya at kaibigan ay nalilito pa rin hanggang ngayon. Minsan ang kakambal ko ang nakakalito sa ibang tao — gaya ng nangyari noong college kami.
Tinawag ng professor namin ang pangalan niya at agad niya akong tinulak sabay sabing “you are called.” Napatawag ako on the spot namumula ako, kaya naisip ng professor na ako talaga si Cindee, at nataranta din ang iba naming kaklase. Masaya ako kapag may nalilito dahil hindi lahat ng identical twins magkamukha pa rin.
Cindee: Ang ilan sa’ming pamilya, kamag-anak, at kaibigan ay nalilito pa rin. Sobrang saya talaga. Parang mini prank kahit wala kaming balak gawin ‘yun. Minsan ay naglalakad ako sa Glorietta Mall sa Makati para pumunta sa opisina ng kambal ko. Nang dumaan ang mga kasamahan niya na nakatingin sila sa’kin.
Kakaiba ang titig nila — gulat at may confused face. Napangiti ako at iniisip kung nakatingin sila sa’kin. Tapos sabi nila, “Candee nagpagupit ka?! Kanina ang haba ng buhok mo at iba pa ang damit mo.” Maraming pagkakataon na ganyan. Natatawa ako at sinabi ko na lang sa kanila na hindi ako si Candee.
Magkaklase ba kayo sa paaralan? Ano ang pakiramdam ng mag-aral kasama ang iyong kambal? Naikumpara ba kayo sa isa’t isa? Ang ilang kambal ay nahihirapan sa kanilang “pagkakakilanlan” habang sila ay lumalaki. Naranasan mo ba ang parehong problema?
Cindee: Oo, magkaklase kami sa school at some levels. Nursery, Junior Kinder, at Kinder, magkaklase kami. Nagkahiwalay kami ng prep hanggang high school. Noong kolehiyo, magkaklase kami noong una, ikalawa, at ikaapat na taon. Sa ikatlong taon, gumugol kami ng kalahating semestre sa ibang seksyon at kalahati sa parehong seksyon.
Hindi ko kailangan mag-struggle sa aking identity. I think we both never had that kind of problem.
Pinagkumpara ba tayo? Sa palagay ko, “oo”. May areas na kung saan si Candee ay nangunguna, at may ibang bagay naman akong nagagawa. Ito ay isang bagay na natural at hindi ko iyon iniisip.
Anong pakiramdam ng may kambal: Mini Prank
Candee: Nakakatuwa na magkaklase kami ng kakambal ko. Madalas kaming ikinukumpara sa isa’t isa. Naikumpara rin kami sa iba pa naming kapatid. Ngunit sa palagay ko, hindi kami nahirapan sa’ming identity. Marami sa mga kaklase namin ang namangha sa pagiging kambal namin, at naging sikat kami in a sense. Kung saan hindi lahat ay naa-appreciate ito. Ang struggle namin sa pag-aaral ay higit pa sa mga kaklase na nambu-bully sa’min. Noong kami ay nasa kolehiyo.
Cindee: Pareho kami sa maraming bagay, tulad ng aming hobbies. Mga kanta na gusto namin, ang love sa pagtra-travel, at pag-aaral ng mga bagong bagay. Maaaring pareho kaming mahilig mag-drawing, ngunit magkaiba ang aming expertise. Kahanga-hanga si Cand sa anime at nagkataon na nag-excel ako sa ibang genre.
Magkaiba ang aming mga personalidad. Iba rin ang DNA. Lahat tayo ay ginawa nang iba; lahat ay natatangi. Maaaring magkakambal kami ni Candee, ngunit hindi kami magkapareho ng fingerprint at penmanship.
Candee: I agree na magkaiba ang personality namin. Ang aming mga pananaw at perspective sa buhay ay medyo iba rin. May mga bagay na mahal at pinapahalagahan namin, tulad ng binanggit niya sa itaas. Ang mga kaibigan ko ay mga kaibigan din niya, at vice versa.
May mga ilang taong naniniwala na ang kambal ay may “espesyal na koneksyon.” Tulad ng malalaman ng isa, kung ang isa ay hindi okay sa pakiramdam. Kahit na hindi sila pisikal na magkasama; nararanasan mo rin ba ‘yon?
Candee: Ang magkakambal ay may different connection. Depende sa kung paano sila pinalaki. Ako naman at ang aking kakambal, masasabi kong may espesyal kaming koneksyon. Kung saan, maiintindihan lamang ito ng mga kambal na well-bounded.
Cindee: Espesyal na koneksyon…para sa’kin, that’s an all caps, OO! Ito’y pwede o maaaring hindi naaangkop sa iba. Ngunit sa’ming kaso, mayroon kami. It’s not all the time, but there is that special connection, like when I was feeling this electric thing on my leg. She also felt that at the exact time when I was experiencing it. At nagtatawanan kaming dalawa. Nangyari iyon sa paaralan at nasaksihan iyon ng iilan naming kaibigan.
Minsan, pareho ang iniisip namin. May mga pagkakataong nag-iisip siya ng kanta o pelikula tapos maririnig niya akong kumanta o binabanggit ito, vice versa. Kung minsan naman, kapag malungkot kami, malalaman natin na ganoon din ang isa. Kapag pareho kaming nakauwi at pinag-uusapan ito.
May mga sinasabi o ginagawa ang kambal na sila lang ang nakakaintindi. Mayroong kaming ganoong koneksyon, dahil sa closeness namin. Kapag nagkatinginan kami, mayroon kaming special language.
Anong mga medikal na hamon sa tingin mo ang partikular sa kambal? Ang identical twins ba ay mas madaling kapitan ng ilang mga kondisyon? Naranasan mo ba ito sa’yong sariling buhay?
Cindee: Depende kasi, base sa pag-aaral ang identical twins ay prone sa Autoimmune Thyroid Disease. Pero para sa’min ni Candee, I think it came with age. Sa palagay ko ay hindi kami nakaranas ng anumang mga medikal na hamon. Bilang isang kambal, maliban sa pagiging premature babies. Ang kambal at iba pang maraming sanggol ay madaling kapitan ng premature birth. Sinasabi na maaaring magkaroon ng congenital heart defects ang iba. Now, I can say that for me and my twin, we didn’t really have any problems in our childhood days.
Makikita na ang ilang kambal ay pwedeng magkaroon ng birth defects. Ngunit ang mga iyon ay maiiwasan. Lalo na ang mga depekto sa neural lobe kung ang ina ay umiinom ng folic acid. Bago at sa panahon ng pagbubuntis.
Candee: Para sa types ng kambal, tulad ng conjoined, Siamese, atbp. Depende ito sa sitwasyon kung aling bahagi ng organ o katawan. Ang nakakabit na pwedeng makaapekto sa isa pang kambal. Makikita na ang ibang mga pagbubuntis ay pwedeng makaranas ng kaso ng bacterial infection. Ito ay maaaring pumasok sa fetus at mag-trigger ng mga isyu sa kalusugan sa alinmang kambal. Pwedeng mag-iba ang mga kondisyong medikal depende sa pamumuhay ng tao, stress na nararanasan dahil sa personal problems at trabaho, atbp.
Kung gusto mong magbigay ng payo sa mga magulang na umaasang magkakaroon ng kambal, ano ito? Paano ka rin magbibigay ng mensahe, para sa mga kambal nasa kanilang teenage years?
From Cindee
Sa mga magulang na naghihintay ng kambal, congratulations! Pwedeng sabihin na kakailanganin mo ng extra medical care at mas maraming sustansya. Tulad ng folic acid, protina, iron, at calcium. Dahil hindi biro ang pagdadala ng higit sa isang baby. Kung ang iyong kambal ay identical. Bigyan sila ng isang bagay na matatandaan kung sino siya — habang sila ay sanggol pa.
Kung babae ang iyong kambal, magagawa mo ang ginawa ng nanay namin. Binigyan niya kami ng iba’t ibang hikaw. Si Candee ang may pulang hikaw at ako naman ang berde. Pwede ka ring gumamit ng bracelets o kahit na name tags. Maaari ka ring gumamit ng ibang kulay ng damit. At huwag mag-alala — makikita mo ang kanilang pagkakaiba.
Anong pakiramdam ng may kambal sa hating atensyon?
Ang iyong atensyon ay mahahati. Pwede mong ibigay ang isang kambal kay daddy, at isang kambal naman ay mananatili kay mommy; pagkatapos mag-switch. Parehong maaaring gustuhin na makasama ng kambal si mommy. I know, kaya naman ibinigay ako sa papa namin at naging daddy’s girl. Gayundin, mangyaring subukang iwasan ang pagkakaroon ng mga paborito. Dahil makakasakit ito sa isa pa. Maaaring hindi sinasabi ng mga magulang, ngunit nakikita at nararamdaman namin ito.
Gayundin, huwag magkumpara. Mabuti kung bibigyan mo ng pansin at paglalaanan ng oras ang dalawa nang pantay. Hindi rin sigurado kung paano mo planong disiplinahin ang iyong mga anak. Subalit, tandaan na ang komunikasyon ang SUSI.
Kami ng kambal ko ay bahagi ng henerasyon. Kung saan kapag tinitingnan kami ng nanay namin, tumatahimik kami. (Makuha ka sa tingin.) It’s a way for us to know we made a mistake and that we should not repeat it. Iba na talaga ang mga bata ngayon.
No matter what you do, subukang huwag sumigaw o sumigaw sa kanila. Ang pagtatakda ng malinaw na mga inaasahan ay maganda para sa mga bata. Dahil nakakatulong itong mag-set ng boundaries at responsibilidad sa murang edad.
Anong pakiramdam ng may kambal: Para sa twin sister/brother
Sa kambal, mahalin ang isa’t isa. Kaya n’yong suportahan ang isa’t isa. Lalo na kapag pakiramdam ninyo ay kalaban ka ng mundo at wala kang suporta. Bilang kambal, mahahanap ninyo sa isa’t isa ang themoral support na kailangan ninyo.
Gayundin, mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Gawin mong prayoridad ang iyong mga magulang, at bumuo ng positibong saloobin sa kanila. Subukang huwag mag-isip o magdala ng bad memories. Alam kong mahirap para sa ilan. They may have their jobs to look after you (alam ko, ginawa ito ng aking ina), kaya siguraduhin na pagbutihan sa paaralan.
Tandaan na noong ipinanganak ka. Ang kanilang mga desisyon, lalo na ang mga ina ay nakabatay sa paligid mo. Kaya tuwing umaga o sa oras ng pag-uwi mo, yakapin mo sila at sabihing “mahal kita”. Magiging maganda ang pakiramdam mo sa loob, at sigurado akong ganoon din ito sa’yong mga magulang.
Panghuli, tandaan na magandang humingi ng payo sa’yong mga magulang, at magbahagi ng magandang balita at mga tagumpay sa kanila.
From Candee
Sa mga magiging magulang ng kambal. Tandaan na mahalin at pahalagahan ang iyong mga anak. Huwag hayaan ang alinman sa kanila na makaramdam ng para bang “stranger” sila. Maging mas mapang-unawa sa kanilang mga pagkukulang. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagkakaiba. Ang ilan ay maaaring late bloomer, ang iba ay pwedeng nahihirapan sa pagpokus. Kaya please be patient. Siguraduhin mo lang na magpapakita ka ng magandang halimbawa. At hindi kailanman mabibigo na ipaalala sa kanila ang iyong pagmamahal. Ipaliwanag rin ang mga bagay-bagay para mas maintindihan ka nila. Siguraduhin na mayroon kang bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya. Para ang mga isyu ay malutas — at ang iyong pagsasama ay higit na maging mas matatag.
Sa kambal, laging mahalin ang isa’t isa, at tulungan ang iyong kakambal na maging mas magandang bersyon ng kanilang sarili. Suportahan ang isa’t isa at maging masaya. Tuklasin at huwag sayangin ang iyong talento, magsanay para mapahusay ang iyong mga skill.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.