backup og meta

Maria Clara At Ibarra: Paano Nakakatulong Sa Parenting ng Magulang?

Maria Clara At Ibarra: Paano Nakakatulong Sa Parenting ng Magulang?

Pinag-uusapan ngayon sa Pilipinas ang Maria Clara at Ibarra. Ito’y dahil sa mahusay na produksyon ng GMA Entertainment Drama Group sa ilalim nina Program Manager Edlyn Tallada Abuel at Executive Producer Shielyn Atienza. Ang seryeng ito ay nakabatay mula sa orihinal na nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa ilalim ng direksyon ni Zig Dulay, at mula sa konsepto nina Atty. Annette Gozon-Valdes, RJ Nuevas, at Suzette Doctolero.

Photo from Manila Standard

Pinagbibidahan rin nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara. At pati na rin si Dennis Trillo bilang Ibarra, ang Philippine television historical portal fantasy series na ito. Habang kasama nila sa pagbuo ng serye na ito sina Creative Director Aloy Adlawan, Content Development Consultant na si Ricky Lee, Historical Consultants na sina Ramon Guillermo at Gonzalo Campoamor, Headwriters ng serye na sina Suzette Doctolero at J-mee, Writers na sina Brylle Tabora at Benson Logronio, at Brainstormer Writers na sina Melchor Escarcha at Zita Garganera.

Mapapanood sa seryeng ito ang isang Gen Z (Klay) na napunta sa mundo ng nobela ni Jose Rizal. Kung saan rito niya makikilala ang iba’t ibang tauhan ng Noli Me Tangere. Magtuturo ito sa kanya ng kahalagahan sa pag-aaral ng kasaysayan, pagiging makabayan, at pagmamalasakit sa kapwa.

Photo from Facebook

Kaugnay nito, dahil sa mga aral na dala ng palabas na ito ay maraming netizen ang na-hook sa seryeng ito. Naging family bonding din ang panonood ng Maria Clara at Ibarra gabi-gabi. Pero alam mo ba na ang panonood ng TV nang sama-sama bilang isang pamilya ay nakatutulong sa parenting?

Patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman kung paano nakakatulong ang panonood ng tv sa paggabay ng magulang sa kanyang anak.

Panonood ng TV, paano nagagamit sa parenting?

1. Nagkakaideya ka bilang magulang sa opinyon at damdamin ng iyong anak

Photo from Facebook

Ang nobela ni Jose Rizal at ang Maria Clara at Ibarra ay naglalaman ng iba’t ibang isyu sa lipunan. Kaya naman hindi nakapagtataka kung nagkakaroon ang iyong anak ng mga pangpolitikal na pahayag tungkol sa palabas. Ang panonood ng TV, partikular ang mga educational shows ay pwedeng magbigay sa’yong mga anak ng malapitan, at personal na pagsilip sa buhay ng mga ibang tao na nagpapalawak ng kanilang kaalaman at karanasan. 

Photo from Facebook

Isa pa, maaari ka ring matuto nang higit pa tungkol sa mga opinyon ng iyong anak sa iba’t ibang sitwasyon. Pwedeng maging mas malalim ang pagkaunawaan ninyong mag-ina o mag-ama dahil sa pagbuo ng inyong koneksyon sa dahil sa panonood ng tv.

2. Pagpapaunlad ng emotional bonding sa pagitan ng magulang at anak

Ang simpleng panonood ng tv na kasama ang mga anak ay isa sa mahusay na paraan na pwede mong gawin para mapaunlad, at mapabuti ang inyong emotional bonding. Nakatutulong ito para mapalakas ang pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga magulang at anak. Na nagdudulot naman ng mas malalim na koneksyon sa anak.

3. Nababawasan ang behavioral problems

Photo from Facebook

Ang akdang isinulat ni Jose Rizal at ang Maria Clara at Ibarra ay isang palabas na nagpapakita ng maling pag-uugali ng mga Pilipino at prayle. Kaya maganda rin na sinasamahan ng magulang ang mga anak sa panonood nito, para kung may mga tanong sila tungkol sa kanilang napapanood ay maaari nilang maitanong sa iyo.

Dahil ang panonood ng tv ay makatutulong para mabawasan ang behavioral problems ng bata. Lalo na kung sila ay nagagabayan ng tama ng magulang. Lumalabas kasi sa maraming artikulo at pag-aaral na ang anak na hindi gumugugol ng oras sa kanilang pamilya ay may posibilidad na gumawa ng mga mapanirang bagay. Mapanirang bagay ulad ng pagnanakaw at pandaraya. Kaya, ang panonood ng tv kasama ang iyong mga anak ay isang magandang pagkakataon upang maitanim ang magagandang pag-uugali sa kanila.

Sapagkat bilang mga magulang, maaari mo ring ipaliwanag ang mga sitwasyong panlipunan na nakikita ng iyong mga anak sa tv o sa series ng Maria Clara at Ibarra. Ang paggawa nito ay makakabuti sa iyong mga anak para maging mas mabuting tao. May ilang pag-aaral din na ang nagsasabi na ang batang may malakas na bond sa anak ay makakatulong para maiwasan ang pagiging bayolente nila. Kaya kung gusto mo maka-bond ang iyong anak isang mahusay na option ang panonood ng tv.

4. Napapataas ang self-confidence ng anak

Photo from The Manila Times

Ang panonood ng tv gaya ng Maria Clara at Ibarra ay isang mahusay na paraan upang gawing mas malapit ang iyong pamilya. Kapag alam ng iyong mga anak na mayroon silang malapit na pamilya, bumubuti ang kanilang kumpiyansa at imahe sa sarili. 

5. Naiiwasan ang away at kompetisyon sa magkapatid

Photo from Facebook

Hindi maiiwasan na gustuhin ng anak ng atensyon mula sa kanilang mga magulang. Kung minsan, hindi maaaring hatiin ng mga magulang ang kanilang atensyon sa kanilang mga anak nang pantay-pantay. Dahil diyan ito’y nagreresulta sa tunggalian ng magkapatid. Kaya naman ang panonood ng tv nang magkasama bilang isang pamilya ay nagbibigay ng sapat na pagkakataon para sa mga magulang na makipag-bonding sa kanilang mga anak. Nakatutulong din ito para maramdaman ng magkapatid na walang kompetisyon sa kanila. 

6. Napapaunlad ang social at communication skills ng anak

Photo from Facebook

Ang Noli Me Tangere ay isa sa mahalagang literatura na mayroon sa Pilipinas. Kaya naman ang pagkakaroon ng serye na nakabatay dito ay malaking bagay para mapaunlad ang social at communication skills ng isang tao.

Tandaan mo rin na ang mga kasanayang panlipunan at komunikasyon ng isang tao ay unang hinahasa sa tahanan. Ibig sabihin, dito unang natututo ang isang anak kung paano magtatag ng relasyon sa iba. Samakatuwid, ang paggugol ng oras kasama ang iyong mga anak sa pamamagitan ng panonood ng tv ay isang magandang paraan upang mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa komunikasyon.

Key Takeaways

Ang panonood ng tv ay mas mura kumpara sa iba pang mga aktibidad ng pamilya tulad ng pagpunta sa mga recreational park at beach. Gayunpaman nag-aalok ang panonood ng tv ng parehong mga benepisyo tulad ng iba pang aktibidad na pampamilya. Ipinakikita ng pag-aaral na ang panonood ng tv kasama ang iyong anak ay nagpapatibay, at nagtataguyod ng pagkakaisa ng pamilya.
Kaya ano pang hinihintay mo? Magsimulang magplano ngayon kung anong palabas ang papanoorin mo at ng iyong anak. 

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Surprising Effects Of Watching Movies With Your Family, https://communities.dmcihomes.com/watching-movies-family-benefits/ Accessed January 10, 2023

Benefits of Watching Television As A Family, https://www.metroparent.com/things-to-do/guides/watching-television-family-benefits-children/ Accessed January 10, 2023

Benefits of Watching Television as Family, https://childmind.org/article/benefits-watching-tv-young-children/ Accessed January 10, 2023

The Benefits of Watching With Your Kids, https://health.usnews.com/wellness/for-parents/articles/2017-11-27/the-benefits-of-watching-tv-with-your-kids Accessed January 10, 2023

Advantages and Disadvantages of Television in Our Lives, https://www.aresearchguide.com/television-in-our-lives.html Accessed January 10, 2023

Kasalukuyang Version

04/26/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement