Ang pagiging strict o mahigpit na magulang ay pwedeng makaapekto sa paglaki ng isang anak. Kaya naman mahalagang malaman mo ang mga posibleng epekto ng “tiger parenting” sa mga bata upang maiwasan din ang pagkapariwa nila at pagtatanim ng sama ng loob sa kanilang mga magulang.
Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng kamalayan kung nagiging masyadong mahigpit na tayo sa ating mga anak ay makakatulong para mabawasan ang ating pressure sa pagpapalaki ng bata. Dahil ang pagiging mulat sa’ting paraan ng pagpapalaki sa mga anak ay nakakatulong upang maging mas klaro ang ating pag-iisip sa pag-aalaga sa kanila.
Dapat mo ring tandaan na hindi pa huli ang lahat upang ayusin at i-improve ang ating parenting style, sapagkat ang bawat araw ay isang oportunidad para matuto rin tayo bilang magulang.
Kaya naman basahin ang artikulong ito upang malaman kung ano ang tiger parenting at kung bakit hindi tayo dapat maging sobrang mahigpit na magulang.