backup og meta

Mahangin ang tiyan ng bata? Alamin dito ang dapat gawin

Mahangin ang tiyan ng bata? Alamin dito ang dapat gawin

Bakit nga ba mayroong mga pagkakataon na nagiging mahangin ang tiyan ng bata? Bilang magulang ano nga ba ang dapat gawin kaugnay ng bagay na ito? Basahin ang artikulong ito para malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito, at matulungan ang bata sa discomfort na pwedeng maranasan dahil sa kabag.

Bakit nagiging mahangin ang tiyan ng bata?

Ang pagkakaroon ng mahangin na tiyan ng bata ay kilala rin sa tawag na “kabag”. Hindi naman delikado ang kondisyong ito. Subalit kinakailangan pa rin na mapahupa ang anumang discomfort at sakit na nararamdaman ng bata. Narito ang mga sumusunod na posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng mahangin na tiyan ang isang sanggol at bata:

  • Hindi pa malaki at ‘di pa fully developed ang digestive tract ng sanggol. Sanhi para hindi pa nito kayanin na mag-imbak ng maraming gatas. Kung saan, unting-unti pa lamang nito natutunan na tunawin ang pagkain sa tiyan.
  • Paglunok ng maraming hangin
  • Pag-iyak ng madalas
  • Pagkakaroon ng bata ng digestive disorders, tulad ng Gastroesophageal reflux disease o GERD. 
  • Para sa mga sanggol, pwede silang kabagin dahil sa kinakain ng kanilang ina lalo kung dumedede sila sa kanilang mommy. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga pagkaing nagdudulot ng gas tulad ng cauliflower at cabbage — maging ang pagkain na nagtataglay ng caffeine, tulad ng kape.

Mga senyales na nagiging mahangin ang tiyan

Narito ang ilang mga palatandaan na pwedeng makita kung kinakabag ba ang isang sanggol at bata:

  • Pag-utot ng bata at sanggol
  • Pagkakaroon ng matigas na tiyan
  • Pagliyad habang umiiyak
  • Pamumula ng mukha habang umiiyak
  • Pag-iyak ng sanggol at bata sa dahilang hindi malaman

Ano ang mga dapat gawin para sa kabag ng bata?

Maraming paraan ang maaaring gawin para sa pagtugon sa pagiging mahangin ng tiyan ng bata. Narito ang mga sumusunod na pwedeng gawin:

  • Dapat na siguraduhing tama ang paraan ng pagpapadede para maiwasan ang pagsagap ng bata o sanggol ng maraming hangin habang dumedede. Maganda rin na masigurado na mapapadighay sa sanggol pagkatapos sumuso.
  • Iwasan ang sadyang pagpapaiyak sa bata para hindi makasagap ng sobrang hangin.
  • Pagbibigay ng Tender Loving Care (TLC), sa pamamagitan ng masahe dahil lumalabas sa pag-aaral na ang touch therapy o paghaplos sa mga bata ay nakakatulong para maging mas relaxed. Nagkakaroon din sila ng regular na sleep pattern at naiibsan din ang kabag sa tiyan. Malaki rin ang nagiging ambag nito sa pagpapakalma ng bata at sanggol.

Ngunit, laging tandaan kung sobrang magtatagal ang kabag ng anak at nakakasagabal na ito sa kanyang pamumuhay., dalhin ang bata o sanggol sa doktor para sa medikal na atensyon at diagnosis. Maging handa sa mga bagay na posible nilang ireseta o ipagawa para sa’yong anak.

Kailan dapat ipakonsulta sa doktor ang anak?

Ito ang mga dapat tandaan kung kailan dapat dalhin ang iyong anak sa doktor:

  • Diarrhea
  • Constipation
  • Dugo sa dumi
  • Pagkawala ng timbang
  • Kawalan ng panlasa
  • Pagsusuka
  • Lagnat
  • Pagiging matamlay
  • Palaging inaantok

Paano maiiwasan ang mahangin na tiyan ng bata?

Narito ang ilang mga paraan para maiwasan ang kabag sa sanggol at bata:

  • Dahang-dahan na pagpapakain o pagkain ng sanggol at bata
  • Paggamit ng angkop na feeding bottles para sa bata o sanggol
  • Pagpapadighay
  • Pagsasaayos ng feeding position
  • Pagtigil sa sadyang pagpapaiyak ng bata

Key Takeaways

Karaniwang kaso ang pagkakaroon ng mahangin na tiyan o kabag ng bata at sanggol. Maraming paraan para matugunan ito. Ngunit, dapat pa rin na siguraduhin na ipakonsulta agad ang anak kapag nagkaroon ng mga senyales na malala para sa anak. Sa pamamagitan din ng mga nabanggit na pag-iwas sa kabag. Makakatulong ito para hindi makasagap ng maraming hangin ang bata at manatiling komportable sa kanilang araw-araw na gawain

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Colic https://www.nhs.uk/conditions/colic/ Accessed June 10, 2022

Gas in the digestive tract https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gas-digestive-tract Accessed, June 10, 2022

Symptoms and Causes of Gas in the Digestive Tract https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gas-digestive-tract/symptoms-causes Accessed June 10, 2022

What’s the importance of tummy time for a baby? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/tummy-time/faq-20057755#:~:text=Tummy%20time%20%E2%80%94%20placing%20a%20baby,flat%20spots%20(positional%20plagiocephaly). Accessed June 10, 2022

Infantile Colic: Recognition and Treatment https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2015/1001/p577.html Accessed June 10, 2022

Passing wind or flatulence https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/wind Accessed June 10, 2022

Probiotics to prevent infantile colic https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD012473.pub2/full Accessed June 10, 2022

Why Is My Baby So Gassy? https://rmccares.org/2020/09/08/why-is-my-baby-so-gassy/ Accessed June 10, 2022

Colic and Gas https://www.chop.edu/conditions-diseases/colic-and-gas Accessed June 10, 2022

 

Kasalukuyang Version

09/20/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement