Isa sa mga malaking pampublikong alalahanin ay ang pagkakasakit ng mga bata sa Pilipinas.
Ang unang beses ng pagdadala mo sa iyong anak sa paaralan ay nakapananabik, ngunit maaari ring nakanenerbiyos. Ito ay sa kadahilanan na may posibilidad na maaaring makakuha sila ng sakit o masugatan kung wala sa iyong pangangalaga o gabay.
Ang mga palaruan, silid-aralan, mga dyip, tricycles, at kahit na ang armchairs ay maaaring pagmulan ng nakapipinsalang mga bacteria. Kahit na paalalahanan ang iyong anak tungkol sa pagsasagawa ng tamang hygiene, hindi nito sila maproprotektahan nang 100% mula sa pagkakaroon ng sakit.
Ang iyong anak ay maaaring maging infected sa pagkakaroon ng contact sa mga kontaminadong mga lugar, pagkain ng mga kontaminadong pagkain, o kahit ang simpleng paghinga sa hangin na kontaminado ng taong may sakit.
Ang pag-aalala sa mga bagay na ito ay normal. Bilang isang magulang, maaari kang magsagawa ng dagdag na pag-iingat sa pagprotekta sa iyong anak sa pamamagitan muna ng pagkatuto ng mga pinaka karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas at paano ito maiiwasan.
Karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas
Sa mga karaniwang bansa tulad ng Pilipinas, ang mga nakahahawang sakit ang nasa tuktok ng mga pinaka karaniwang sakit. Sa tropikal na kapaligiran ng bansa at ang mahabang panahon ng tag-ulan, nagiging madali para sa mga sakit ang kumalat at para sa mga tao na magkasakit. Nasa ibaba ang ilan sa mga karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas.
Pneumonia
Batay sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan, ang pneumonia ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga bata na may edad na isa hanggang apat na taong gulang, lima hanggang siyam na taong gulang, at sampu hanggang labing-apat na taong gulang noong taong 2010.
Ang pneumonia ay isang respiratory infection na nakaaapekto sa function ng mga baga. Ito ay binigyang katangian na may isang produktibong pag-ubo (ubo na naglalabas ng mucus) at hirap sa paghinga, na sanhi ng pagbara ng mucus sa air sacs sa mga baga. Ang sakit na ito ay sanhi ng virus, bacteria, at fungi.
Ang mga kabataan na mas bata sa limang taong gulang ay mas may banta na magkaroon ng pneumonia kung mayroon na silang kasalukuyang upper-respiratory na kondisyon.
Dengue Fever
Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na mayroong panahon ng tag-ulan na tumatagal ng ilang mga linggo maging mga buwan. Kaya’t samakatuwid hindi na nakagugulat bakit ang dengue fever ay isa sa pinaka karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas.
Madalas ang dengue outbreak, dahil sa hindi umaagos na tubig na nagiging breeding grounds para sa mga lamok na sanhi ng dengue tulad ng Aedes aegypti at babaeng Aedes albopictus.
Ang pinaka karaniwang sintomas ng dengue fever ay mga:
- Mataas na lagnat
- Fatigue
- Sakit sa katawan
- Pagsusuka
- Rashes
- Sakit sa likod ng mga mata
Kung hindi gagamutin, ang dengue fever ay maaaring magkaroon ng mas malalang sintomas, tulad ng:
- Pagdurugo ng gilagid
- Malalang sakit sa tiyan
- Madugong ihi
Ang nagiging dahilan ng pagiging mapanganib ng dengue fever ay maaari itong maging sanhi ng malfunction ng circulatory system, na hahantong sa shock maging ang pagkamatay, kung hindi gagamutin.
Diarrhea
Noong 2010, ang diarrhea ay isa sa pinaka nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa Pilipinas. Ito ay nakukuha sa mga kinakain na pagkain ng mga bata o tubig na kontaminado.
Sanhi ng diarrhea ay ang matubig na pagtatae at labis na uhaw. Kung hindi gagamutin, ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng labis na dehydration sa mga infected.
Leptospirosis
Dahil sa panahon ng tag-ulan sa bansa, ang pagbaha sa ibang mga lugar at mga lungsod ay karaniwan na. Ang tubig baha ay maaaring humantong sa pagtaas ng banta na magkaroon ng leptospirosis, na isang bacterial na sakit na maaaring maranasan ng mga tao at mga hayop.
Naipapasa ang leptospirosis kung ang isang bukas na sugat ay nadampian ng tubig, moist soil o vegetation na kontaminado ng ihi ng daga sa bahang tubig o mga batis.
May mga banta rito ang mga batang may sugat o galos, dahil ang bacteria ay maaaring pumasok sa pamamagitan ng sugat. Ang karaniwang sintomas ng infection ay kabilang ang jaundice, pamumula ng mga mata, lagnat, at chills.
Sa kabutihang palad, marami sa mga sakit ng mga bata sa Pilipinas ay maaaring maiwasan at malunasan, na nag-iiwan ng walang pangmatagalang epekto sa kalusugan ng bata. Ngunit ang mga sakit na ito ay kinakailangan na agarang malunasan. Laging ipinapayo na kumonsulta sa iyong doktor para sa pinaka mainam na plano sa lunas ng iyong anak.
Mga gawain na makapagproprotekta ng iyong anak laban sa mga sakit ng mga bata sa Pilipinas
Bilang isang magulang, isa sa iyong pinaka prayoridad ay ang kalusugan at pangkalahatang kapakanan ng iyong anak. Gayunpaman, maaari itong maging mahirap, lalo at hindi mo nakakasama ang iyong anak ng 24 na oras kada araw. Kahit ganun, maraming mga paraan upang maprotektahan ang iyong anak.
Maglagay ng mga sapat na prutas at gulay sa kinakain ng iyong anak
Ang pagbibigay ng tamang nutrisyon para sa iyong anak, na kabilang ang sapat na dami ng mga prutas at gulay ay nakatutulong na mapalakas ang kanilang immune system.
Ang mga citrus na prutas tulad ng oranges at calamansi ay mayaman sa bitamina C. Ang mga oranges ay mabuti bilang meryenda, habang ang gawang bahay na calamansi juice ay refreshing juice na kahalili ng matamis na sodas at juice drinks.
Nakatutulong din ang bitamina C na labanan ang mga sakit sa respiratory.
Iwasan ang street food
Gusto ng lahat ang masarap na kwek-kwek (pritong itlog ng pugo na sinawsaw sa batter) o fishball matapos ang klase. Gayunpaman, ang unsanitary na paghahanda sa mga pagkain ay karaniwan sa mga nagtitinda sa kalye.
Ang kontaminadong pagkain ay maaaring maging sanhi ng diarrhea at iba pang intestinal infections. Hangga’t maaari, subukan na pagbawalan ang iyong anak mula sa pagkain ng mga ganitong uri ng pagkain.
Isagawa ang tamang paghuhugas ng kamay at good hygiene
Ang pagtuturo sa iyong anak tungkol sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay sa murang edad ay makatutulong na magkaroon ng pangmatagalang pag-uugali na nakapagbebenepisyo sa mahabang panahon.
Ang tamang paghuhugas ng kamay ay kritikal sa paglaban ng lahat ng uri ng sakit, at makaiiwas na magkaroon ng karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas.
Ang pagkakaroon ng mga sabon na may mabangong amoy, o ang masayang paraan ng paghuhugas ng kamay sa pamamagitan ng kanta at laro ay maaaring makahikayat sa iyong mga anak upang maalala na hugasan ang kanilang mga kamay. Ang paglalagay rin ng sanitary wipes at rubbing alcohol sa kanilang mga bag ay mapaaalalahanan sila na panatilihing malinis ang mga kamay.
Siguraduhin na ang mga bakuna ng iyong anak ay updated
Habang nasa routine check-ups ng iyong anak, siguraduhin na itanong sa pediatrician ang tungkol sa mga bakuna. Ang pag-update ng basic na bakuna laban sa mga sakit tulad ng tigdas, beke, pneumonia, at iba pa ay makatutulong na magbigay ng dagdag na proteksyon.
Magsuot ng bota
Habang tag-ulan, laging suotan ang anak ng kapote at bota. Ito ay upang maiwasan ang banta na magkaroon ng sipon, o magkaroon ng sakit mula sa maduming tubig-ulan.
Sa kabutihang palad, ang karamihan sa sakit ng mga bata sa Pilipinas ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tips sa pagpapanatili ng tamang hygiene at pagkain ng tamang pagkain upang mapalakas ang depensa ng katawan laban sa sakit.
Mahalagang Tandaan
Ang mga sakit at infections ay banta sa kalusugan at kapakanan ng iyong anak, kaya sobrang ingat ng mga magulang. Ang pagkatuto tungkol sa mga karaniwang sakit ng mga bata sa Pilipinas ay maihahanda ang mga magulang sa posibleng banta ng sakit at maisagawa ang preventive measures upang maprotektahan ang mga anak.
Kung ang iyong anak ay magkasakit, mainam na humingi ng payong medikal sa propesyonal.
[embed-health-tool-vaccination-tool]