Ang diaper rash ay isang pangkaraniwang kondisyon na nagiging sanhi ng pananakit, pamamaga, at kung minsan, pangangaliskis ng balat ng sanggol. Maaaring ito ay tila nakakaalarma sa una, at ang mga sanggol ay may posibilidad na maging mas maselan, ngunit ito ay nagagamot. Magbasa pa upang malaman ang tungkol sa pinakamahusay na gamot sa diaper rash.
Ang diaper rash ay kadalasang napahuhupa sa pamamagitan lamang ng pagbabago sa pagda-diaper, o di kaya ay sa paggamit ng mga ointment. Mapapansin mo na ang pantal ay nawawala ng kusa.
Gamutin ang diaper rash sa lalong madaling panahon upang maiwasan itong mahawa ng bacteria o yeast.
Mga Sanhi ng Diaper Rash
Iritasyon mula sa mga enzyme
Kadalasan, ang diaper rash ay resulta ng pangangati, lalo na kapag ang lampin ay naiwan sa sanggol nang napakatagal. Ang mga enzyme sa tae at ihi ng iyong sanggol ay maaaring makairita sa kanyang sensitibong balat. Ang priksyon mula sa lampin at pagkiskis ay maaari ding maging sanhi ng mga pantal.
Yeast at bacteria
Ang yeast at bacterial infection ay isa pang salarin. Ang mga ito ay nabubuo mula sa mainit at mamasa-masa na kapaligiran gaya ng loob ng lampin. Isa sa mga pinakamainam na paggamot sa diaper rash ay ang pagpapalit ng lampin ng sanggol kapag ito ay nababad at bumigat.
Hugasan ang lugar gamit ang sabon at tubig, pagkatapos ay patuyuin. Pagkatapos, mag-apply ng mga cream at ointment upang paginhawahin ang pangangati at bawasan ang pamumula. Pumili ng mga produkto na naglalaman ng petrolyo at zinc oxide.
Kailan Ako Dapat Pumunta sa Doktor?
Ang mga diaper rash ay kadalasang nawawala nang mag-isa sa mga pangunahing lunas na maaaring magawa sa bahay. Ngunit kung ang pantal ay nananatili pagkatapos ng ilang araw, o nagiging mga sugat, agad na humingi ng tulong sa doktor.
Ang iba pang mga palatandaan na dapat mong pag-ingatan ay ang pagpapaltos, na minsan ay nagkakakanana, lagnat, at kung ang iyong sanggol ay hindi humihinahon pagkatapos maligo at magpalit ng kanyang mga lampin.
Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng mga anti-fungal o antibiotic na cream para gamutin ang pantal. Kung ang sanhi ay isang allergic reaction, maaari rin silang magreseta ng mga steroid.
Papaano Maiiwasan ang Diaper Rash?
Ngayong alam mo na ang pinakamainam na gamot sa diaper rash, mahalagang tandan ang mga stratehiya kung paano ito maiiwasan. Kabilang dito ang:
- Regular na magpalit ng diaper. Ito ay dapat na bawat dalawang oras.
- Linisin nang lubusan ang parte na may rashes gamit ang maligamgam na tubig. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng mga sabon na may alkohol at pabango, dahil ito ay makakairita sa balat.
- Palaging patuyuin bago ilagay ang sariwang lampin. Gustung-gusto ng bakterya ang mga basa-basa na kapaligiran, kaya siguraduhing tuyuin ang balat gamit ang tuwalya o hayaan itong manatiling hubad nang ilang sandali upang matuyo sa hangin.
- Huwag sikipan ang lampin o diaper. Magdudulot ito ng priksyon at pagkiskis. Mamili ng size na bahagyang maluwag para magkaroon ng mas maraming espasyo sa paghinga hanggang sa mawala ang pantal.
- Maglagay ng mga ointment sa bawat palit ng lampin upang paginhawahin ang balat at ibalik ang moisture.
- Kung gumagamit ka ng lampin o cloth diaper, iwasang linisin ang mga ito gamit ang mga fabric softener at iba pang mabangong sabon. Pumili ng isa na angkop para sa sensitibong balat.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Mga Sakit sa Balat sa mga Bata dito.