backup og meta

Eczema sa mga Bata: Alamin Dito ang Sanhi at Lunas

Eczema sa mga Bata: Alamin Dito ang Sanhi at Lunas

Sinasabi ng pag-aaral na kadalasang lumalabas ang eczema bago ang edad na 5; sa katunayan, The American College of Allergy, Asthma & Immunology ay nagsabing 60% ng mga kaso ay nagde-develop ng sintomas sa edad na 1, habang 30% ay nararanasan sa edad na 5. Ano ang mga sanhi ng eczema sa mga bata, at paano ito malulunasan ng mga magulang sa bahay?

Ano ang Eczema?

Ang eczema ay termino na ibinigay sa grupo ng hindi nakahahawang kondisyon na nagiging sanhi ng pamumula ng balat, kakatihan, at pamamaga. Ang kati at pamamaga ay maaaring maging hindi komportable at mahihirapan ang mga bata sa pagtulog. Sa ibang mga kaso, ang mga balat ay nakikitang makalislis.

Maraming mga uri ng eczema, kabilang na ang atopic dermatitis, seborrheic dermatitis, at contact dermatitis. Tandaan na maraming mga tao na napagpapalit ang kahulugan ng eczema at atopic dermatitis; dahil ang atopic dermatitis ay ang pinaka karaniwang uri ng eczema.

Ano ang Itsura ng Eczema?

Ang itsura ng eczema ay iba-iba sa mga bata. Minsan, ang rashes ay lumalabas sa buong katawan; sa ibang mga kaso, may isang bahagi lamang na apektado. Sa mga sanggol, kadalasan itong nagsisimula sa ulo at mukha. Para sa mga bata, ang rashes ay maaaring mag-develop sa likod ng tuhod, elbow crease, o sa paligid ng mga mata.

Karagdagan, tandaan ang mga tao ay makararanas ng exacerbation periods (flare-ups) kung lumala ang rashes at mababawasan kung gumaling. Kaya ito mahalaga na malaman kung ano ang nagtri-trigger ng flare-ups.

Mga Sanhi ng Eczema sa mga Bata

Ngayon na mayroon na tayong mas maayos na ideya tungkol sa eczema bilang kondisyon sa balat, talakayin natin ang mga sanhi nito.

Hindi pa rin alam ng mga doktor ang mga sanhi ng eczema sa mga bata; gayunpaman, pinaghihinalaan na ito ay kombinasyon ng genetics at lifestyle factors. Halimbawa, ang isang bata ay maaaring magkaroon ng eczema dahil ang kanilang immune system ay nagre-react na iba-iba sa tiyak na mga bagay.

Sa ibang mga kaso, may kinalaman ang allergy. Ang punto nito ay ang allergic contact dermatitis ay nangyayari dahil ang ating immune system ay nagre-react sa isang substance, na nagiging sanhi ng paglabas ng rashes.

Karaniwang Nagtri-trigger sa Eczema

Dahil ang sanhi ay hindi pa nalalaman, ang pinaka mainam na gawin ng mga magulang ay alamin ang nagtri-trigger dito. Ito ay upang mabawasan (kung hindi ganap na matanggal) ang exposure ng mga anak nila rito. Ang pinaka karaniwang nagtri-trigger sa mga bata ay mga:

  • Salik na humahantong sa pagiging tuyo ng balat, tulad ng tuyo at malamig na hangin.
  • Nakaiiritang mga substance, tulad ng mga sabon at shampoo na may matapang na kemikal.
  • Nakaiiritang fabrics tulad ng wool
  • Init at pagpapawis
  • Allergens (pagkain, dumi, mite, pollen, at iba pa)
  • Infections

eczema sa mga bata

Paano Lunasan ang Eczema sa mga Bata

Matapos matutuhan ang tungkol sa potensyal na mga sanhi, panahon na upang talakayin ang lunas.

Paglaban sa panunuyo ng balat

Ang pagiging tuyo ng balat ay nagpapadali sa balat na kapitan ng impeksyon at iritasyon. Upang labanan ang panunuyo ng balat, ikonsidera ang tips sa baba.

  • Paliguan ang iyong anak nang maligamgam na tubig. Huwag gumamit ng matapang na produkto sa pagligo; sa halip, pumili ng walang amoy, hypoallergenic na produkto. Sa huli, huwag kamutin ang apektadong bahagi,
  • Tapikin ang tuyong balat ng anak. Kung nagbigay ang doktor ng lunas na cream o ointment, ilagay ito bago ang paglalagay ng moisturizer.
  • Maglagay ng makapal na moisturizer matapos maligo kung ang balat ay mamasa-masa pa. Ito ay makatutulong mag-iwan ng moisture. Maaari kang magtanong sa pediatrician o dermatologist para sa mainam na moisturizer.
  • Suotan ang iyong anak ng mga damit na gawa sa cotton. Iwasan ang posibleng iritasyon sa fabrics tulad ng wool.

Paglaban sa pangangati

Isa sa mga mahalagang paraan paano malulunasan ang eczema sa mga bata ay ang pag-iwas sa pagkamot dahil nagpapalala ito ng rashes maging ang pagtaas ng banta ng impeksyon. Gupitan ang mga kuko ng iyong mga anak at paalalahanan sila na tapikin ang kanilang mga balat gamit ang malinis na kamay kung nangangati.

Kung kukunsultahin mo ang doktor, malamang na magrereseta sila ng anti-itch cream para sa iyong anak. Maaari silang magreseta ng antihistamine upang makatulong sa pangangati, na maaari ding maging kapakipakinabang na nagdudulot ng pagkaantok sa mga panahon na nahihirapan na makatulog sa pangangati.

Paglaban sa iritasyon sa balat

At sa huli, upang malabanan ang inflammation at iritasyon ng balat; maaari ding magbigay ang doktor sa iyong anak ng anti-inflammatory medicines. Maaari itong corticosteroid o non-steroidal ointments. Kung nangyari na ang impeksyon sa balat, ang iyong anak ay maaaring kailanganin ang ilang antibiotics. 

Key Takeaways

Dahil hindi pa rin natin alam ano ang mga sanhi ng eczema sa mga bata, ang paglunas ay kadalasang naisasagawa sa pagpapabuti ng mga sintomas.
Ang pinaka mainam na paraan upang mabilis na malunasan ang eczema sa mga bata ay labanan ang panunuyo ng balat, kakatihan at iritasyon. At syempre, huwag kalimutan na bawasan ang exposure sa mga nagpapa-trigger dito.

Matuto pa tungkol sa Mga Sakit sa Balat ng mga Bata rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eczema in Babies and Children
https://www.healthychildren.org/English/healthissues/conditions/skin/Pages/Eczema.aspx
Accessed February 24, 2021

Eczema – causes, symptoms, treatment
https://www.southerncross.co.nz/group/medical-library/eczema-causes-symptoms-treatment#
Accessed February 24, 2021

Eczema in Babies and Children
https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/skin/Pages/Eczema.aspx
Accessed February 24, 2021

Eczema in Children
https://acaai.org/allergies/who-has-allergies/children-allergies/eczema
Accessed February 24, 2021

Atopic Dermatitis and Eczema Symptoms & Causes
https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/a/atopic-dermatitis-and-eczema/symptoms-and-causes
Accessed February 24, 2021

Diagnosis and Management of Contact Dermatitis
https://www.aafp.org/afp/2010/0801/p249.html#:~:text=
Accessed February 24, 2021

Eczema (Atopic Dermatitis)
https://kidshealth.org/en/parents/eczema-atopic-dermatitis.html
Accessed February 24, 2021

How to Treat & Control Eczema Rashes in Children
https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/skin/Pages/How-to-Treat-and-Control-Eczema-Rashes-in-Children.aspx
Accessed February 24, 2021

Kasalukuyang Version

04/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Tamang Pangangalaga sa Balat ng Bata: Mga Dapat Tandaan

Kagat Ng Lamok Sa Bata: Ano Ang Mainam Na Solusyon Dito?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement