backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Peklat? Tandaan Ang Mga Bagay Na Ito

Paano Maiiwasan Ang Peklat? Tandaan Ang Mga Bagay Na Ito

Kahit na tayo ay nagluluto, nagjo-jogging, gumagawa ng arts and crafts, ang mga kaunting injury ay maaaring mangyari. Ngunit mas mataas ang banta sa mga bata dahil sa kanilang pagiging natural na curious at playful. Kung ang iyong mga anak ay nakaranas ng mga sugat, paano maiiwasan ang peklat?

Paano Nagkakaroon Ng Peklat

Ang pagpapaliwanag sa praktikal na tips sa kung paano maiiwasan ang peklat ay nangangailangan ng pang-unawa sa kung paano nangyayari ang peklat.

Ang peklat ay isang bahagi ng natural na paggaling ng sugat, na mayroong apat na yugto.

  • Hemostasis: Ito ang unang yugto kung saan ang katawan ay naglalagay ng platelet sa sugat upang tumigil ang pagdurugo. Ang mga platelets ang nagpapagaling sa sugat at nagpoporma ng scab, na nagproprotekta sa ilalim ng balat.
  • Inflammation: Sa yugotong ito, ang katawan ay magpapadala ng white blood cells upang tanggalin ang bacteria. Ang sugat sa stage ng inflammation ay makikita na mapula at namamaga at may mainit at masakit sa pakiramdam. Tandaan na natural na masosolusyonan ito kung hindi maiimpeksyon.
  • Proliferation: Sa yugtong ito ay mapoporma na ang mga bagong cells sa bahagi ng sugat. Ang sugat sa yugto ng proliferation ay may nangungulubot na scab na may bagong balat sa paligid nito.
  • Maturation: Ito ang kokompleto sa proseso ng paggaling, na mayroon o hindi kabilang na peklat.

Ang pagkakaroon ng peklat ay nakadepende sa maraming factors. Mababaw ba o malalim ang sugat? Ano ang uri ng balat na namana ng iyong anak? At paano inaalagaan ang sugat?

Sa madaling salita, kung mayroong sugat ang iyong anak – mula sa maliit na galos, o paso, o major surgery – laging mayroong posibilidad na maaari silang magkaroon ng peklat. Ang magandang balat ay mayroong mga paraan upang maiwasan ang peklat o mabawasan ang itsura nito.

paano maiiwasan ang peklat

Paano Maiiwasan Ang Peklat

Paano maiiwasan ang peklat? Syempre, ang pinakamainam na paraan ay umiwas na masugatan. Ngunit sa mga bata, imposible ito. Ang pinakamainam na magagawa ng magualang ay pagsuotin sila ng protective helmet at knee pads sa mga tiyak na aktibidad tulad ng pagbibisikleta at sports.

Kung sila ay nakaranas ng injury, alalahanin ang mga pag-aalaga sa sugat:

1. Marahan na linisin ang sugat.

  • Hugasan nang mabuti ang mga kamay bago linisin ang sugat.
  • Kung ang sugat ay dumurugo, kumuha ng malinis na tela o bandage at idiin ito sa bahagi ng sugat ng ilang mga minuto.
  • Hugasan ang sugat ng mild na sabon sa gripo. Huwag kuskusin, kung mayroong nakikitang dumi o particles, hayaan ang running water na malinis ito.
  • Ganap na patuyuin ang sugat.

2. Panatilihing nakatakip ang sugat.

Ayon sa mga eksperto, ayos lamang na hindi nakatakip ang mga mild na sugat. Gayunpaman, kung ang sugat ay nasa bahagi na madaling marumihan, mainam na lagyan ng gasa o bandage ang sugat.

Para sa mga bata na hindi mapakali sa kanilang sugat, mainam na takpan ang kanilang sugat. Palitan ang bandage araw-araw o kung ito ay nabasa o nakontamina.

Ang pagtakip sa galos, cut o paso ay nakababawas ng banta ng impeksyon. Mahalaga ito dahil ang impeksyon ay nagpapatagal sa yugto ng inflammation ng paggaling ng sugat at nagpapataas ng sanhi ng pagpepeklat. Karagdagan, ang pananatiling na moist ang sugat at nakatakip sa umpisang paggaling na yugto ay nagpapadali ng paggaling at nakapagbabawas ng banta ng peklat.

3. Lagyan ng petroleum jelly.

Kung ikaw ay mayroong plain na petroleum jelly sa bahay, maaari mo ring lagyan ito sa ibabaw ng sugat bago takpan ito ng bandage o gasa.

Ayon sa American Academy of Dermatology Association, ang petroleum jelly ay nagpapanatili sa sugat na mag porma ng scab. Ipinaliwanag nila na ang mga sugat na nagpoporma ng scab ay matagal na gumaling.

4. Iwasan ang pagkamot ng sugat o pagtanggal ng scab.

Ito ang isa pang praktikal ngunit mapanghamon na tip upang maiwasan ang sugat sa pagkakaroon ng peklat: sabihan ang iyong anak na iwasan ang pagkamot ng sugat. Gayundin ang paghinto ng pagtanggal ng scabs.

Ang pagkamot at pagtanggal ng scabs ay magiging sanhi ng mas maraming inflammation, na maaaring mas magkaroon ng peklat. Upang matulungan ang iyong anak, gupitin ang kanilang mga mahabang kuko. Maaari ka ding gumamit ng anti-itch na ointment na akma para sa mga sugat.

Maganda rin na iwasan na mabanat ang bahagi ng balat na may sugat. Lagyan ng protective bandages (depende sa uri ng injury). Ang mga silicone gel ay nakatutulong din.

5. Alagaan ang ganap na magaling na sugat.

Sa oras na ganap na gumaling ang sugat at makita ang kapansin-pansing peklat, ipagpatuloy ang pag-aalaga sa apektadong bahagi. Bawasan ang itsura ng peklat sa pamamagitan ng pagmamasahe nang marahan paminsan-minsan at maglagay ng sunscreen dito sa loob ng 6 na buwan matapos ang injury. Dahil karaniwan ang hyperpigmentation matapos ang paggaling ng sugat at maaring lumala ito sa exposure sa araw.

Gayundin, maaari kang kumonsulta sa dermatologists para sa produkto na makapagtatanggal ng peklat. Ang mga produktong ito ay tipikal na makapagpapanipis, lambot, at magpapabuti ng kulay ng peklat.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Everyday Cuts and Scrapes: How to Prevent Scarring, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/everyday-cuts-and-scrapes-how-to-prevent-scarring, Accessed January 7, 2021

PROPER WOUND CARE: HOW TO MINIMIZE A SCAR, https://www.aad.org/public/everyday-care/injured-skin/burns/wound-care-minimize-scars, Accessed January 7, 2021

Cuts, Scrapes & Scar Management: Parent FAQs, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/injuries-emergencies/Pages/Treating-Cuts.aspx, Accessed January 7, 2021

Scars, https://kidshealth.org/en/kids/scars.html, Accessed January 7, 2021

Wounds and Scars, https://www.cincinnatichildrens.org/health/w/wounds-scars, Accessed January 7, 2021

Caring for Cuts, Scrapes, and Wounds, https://www.aafp.org/afp/2002/0715/p315.html, Accessed January 7, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Impeksyon Sa Balat: Protektahan Ang Sarili Laban Sa Virus, Bacteria At Fungi

Karaniwang Sakit sa Balat: Anu-Ano Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement