backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Trigger Ng Photosensitive Epilepsy Sa Mga Bata?

Paano Maiiwasan Ang Trigger Ng Photosensitive Epilepsy Sa Mga Bata?

Kahit saan tayo tumingin, may mga bagong gadget na patuloy na inilulunsad. Ang mga ito ay madalas na ginagamit sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa ngayon, ginagamit ang mga ito ng mga bata para sa distance learning at paglalaro. Ngunit paano nga ba talaga ito nakaaapekto sa pagdebelop ng bata? Mabuti nga ba ang gadgets para sa mga bata? Kahit ipinakikita sa patalastas ng mga kumpanya na ang gadgets ay lubhang makatutulog sa mga bata, marami pa ring mga panganib sa mga bata ang paggamit ng gadgets tulad ng epilepsy. Matuto pa tungkol sa trigger ng epilepsy dito.

Ang Gadgets, Mga Bata, At Photosensitive Epilepsy

Maraming posts sa Facebook, Whatsapp, Viber, at iba pang social media platform kung saan ang mga tao ay nagpapakalat ng “mga katotohanan” at “mga babala tungkol sa paggamit ng gadget para sa mga bata.” Isa sa mga pinakasikat ay kung ilalagay ang telepono sa ilalim ng unan, maaari itong maging sanhi ng matinding radiation. Ngunit mapagkakatiwalaan ba natin ang mga ito, o mga panloloko lamang ba ang mga ito na ikinakalat dahil sa takot?

Ang isa pang bagay na laganap na kumakalat ay ang ideyang ng paggamit ng mga bata ng gadgets, na nagiging sanhi ng episodes ng seizure. Gaano katotoo ito? Maaari bang maging sanhi ng epileptic seizure sa mga bata ang sobrang paggamit ng gadget?

Ano Ang Photosensitive Epilepsy?

Ang photosensitive epilepsy ay isang uri ng epilepsy na nagiging sanhi ng seizure sa isang taong nalantad sa maliwanag o kumikislap na ilaw. Ang ganitong uri ng epilepsy ay karaniwang nauugnay sa anumang uri ng media na may kaugnayan sa screen, na  madaling mangyari sa mga bata.

Maaaring magmula sa ilang mga sanhi ang photosensitive epilepsy. Maaaring magkaroon ng disfunction sa kung paano gumana ang utak ng bata, lalo na’t bata pa sila at hindi pa gaano debelop ang kanilang pag-iisip kumpara sa mga nakatatanda. Minsan, may imbalance sa chemical messengers na matatagpuan sa utak, na tinatawag na neurotransmitter.

Gusto ng mga batang manood ng videos at maglaro gamit ang gadgets. Karamihan sa mga larong ito ay kadalasang may kasamang maliliwanag na ilaw, na may iba’t ibang intensidad, at ang mga ito ay maaaring maging trigger ng epilepsy. Ang mga uring ito ng epileptic episode ay mas karaniwan sa mga bata kaysa sa mga nakatatanda.

Mga Trigger Ng Epilepsy

Ang pangunahing trigger na nakaaapekto sa batang may photosensitive epilepsy ay ang pagkakalantad sa mga ilaw at visual patterns na paulit-ulit na kumikislap. Ang saglit na pagkakalantad ay maaaring hindi gaanong makaapekto, ngunit ang mataas na degrees ng pagkakalantad ay tiyak na maaaring magdulot ng mga problema.

Maaaring magkakaiba ang trigger ng bawat bata. Ang mga ito ay maaaring mula sa flicker ng telebisyon, mga maliliwanag na ilaw na ipinakikita sa videos, o marahil ay visual effects mula sa mga partikular na mobile applications at video games. Nag-iiba-iba ang mga ito, ngunit ang pagkakatulad ay nakasalalay ang mga ito sa mga ilaw at strobing effects.

Kahit na ang isang bata ay hindi masyadong inaatake o may malubhang photosensitive epilepsy, maaari pa rin siyang magkaroon ng seizures. Ang sobrang pagkakalantad sa screens at gadgets ay lubhang mapanganib sa batang nasa murang edad. Maaari itong maging trigger ng epilepsy at maging sanhi ng seizures.

Para sa ilang mga bata, maaaring simple lamang ang trigger ng epilepsy. Kahit na ang maliwanag na contrast ng mga kulay ay maaaring maging sanhi ng seizure.

Maari Bang Magamot Ang Photosensitive Epilepsy?

Matapos malaman ang trigger ng photosensitive epilepsy, alamin naman ang tungkol sa mga gamutan. Walang tiyak na lunas para sa photosensitive epilepsy. Ito man ay maaaring nakaaalarma sa ilang mga magulang, ngunit hindi kinakailangang mag-alala. Habang lumalaki ang mga bata, hindi na sila nagkakaroon ng trigger kumpara noong sila ay maliit pa. Gayunpaman, marami ding mga anti-epileptic na gamot na mabibili na maaaring makapagpabawas sa posibilidad ng seizures.

Kung gusto mong bawasan ang posibilidad na magkaroon ng seizures ang iyong anak, pinakamahusay na bawasan ang kanilang screen time. Ang mga bata ay hindi dapat umasa sa gadgets para sa libangan.

Bukod pa rito, hayaan ang mga bata na magpahinga nang madalas. Kung talagang gusto nilang gumamit ng gadgets, siguraduhing gagamitin nila ito sa oras na hindi sila masyadong pagod, dahil maaari itong maging trigger ng seizure. Makatutulong din kung babawasan ng liwanag ng screens.

Ang photosensitive epilepsy ay maaaring nakaiinis, lalo na para sa mga bata. Ang seizures ay maaaring hindi mahuhulaan kung kailan mangyayari. Ngunit hindi ito magtatagal habambuhay. Siguraduhin lamang na maiwasan ang anomang bagay na mangyari sa lalong madaling panahon. Gayundin, palaging kumonsulta sa pediatrician para sa anomang mga alalahanin.

Matuto pa tungkol sa mga Neurological na sakit sa mga bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Photosensitive epilepsy, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/2868078/, Accessed July 15, 2021

Photosensitive epilepsy, https://www.sciencedirect.com/topics/nursing-and-health-professions/photosensitive-epilepsy, Accessed July 15, 2021

Parents, Beware – This is How Gadgets Are Harming Your Little Child! https://parenting.firstcry.com/articles/parents-beware-this-is-how-gadgets-are-harming-your-little-child/, Accessed July 15, 2021

Photosensitive epilepsy in children, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8044456/, Accessed July 15, 2021

Seizures and Epilepsy in Children, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/epilepsy/seizures-and-epilepsy-in-children, Accessed July 15, 2021

Kasalukuyang Version

01/17/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Gelastic Seizure, Paano Ito Nangyayari, At Paano Ito Maiiwasan?

Seizure Ng Bata: Ano Ang Benign Febrile Seizure?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement