backup og meta

Ano ang Cerebral Palsy? Heto ang mga Dapat Mong Malaman

Ano ang Cerebral Palsy? Heto ang mga Dapat Mong Malaman

Ang cerebral palsy, o CP for short, ay grupo ng mga disorder na nakaaapekto sa kakayahang gumalaw, kabilang na ang muscle movement, coordination, at posture o pagtindig. Ito ang pinakakaraniwang motor disability sa mga bata, na nakapagpapabago sa kanilang brain development. Ang pinsala sa immature brain bago ipanganak ang sanggol ang pangunahing sanhi ng cerebral palsy. Unawain pa kung ano ang cerebral palsy dito.

Hindi nakakalakad o nakakatayo nang maayos ang mga taong may CP. Karamihan dito, ang abnormal brain development na dulot ng cerebral palsy ay nakaaapekto rin sa paningin, pandinig, problema sa kasukasuan, at kung paano gumagana ang pakiramdam. 

Mga Posibleng Senyales at Sintomas

Ang mga senyales at sintomas ng CP ay magkakaiba depende sa tao. Gayunpaman, karamihan sa mga sintomas nito ay mga problema sa paggalaw at koordinasyon ng mga bahagi ng katawan. Karamihan sa mga senyales ay lumilitaw sa infancy o maging sa preschool years. 

Kabilang sa mga sintomas ang:

  • Abnormal muscle tone, pwedeng matigas o masyadong laylay
  • Spasticity, o hindi flexible na muscle joints na may sobrang paggalaw
  • Rigidity, o hindi flexible na muscle joints na may normal na paggalaw
  • Mga problema sa balanse
  • Nahihirapang maglakad o tumayo
  • Maling posture o scoliosis
  • Kakulangan sa muscle coordination
  • Paggalawa na hindi makontrol
  • Delayed, o pag-aalumpihit na galaw
  • Matagal matutong umupo, gumapang, at mag-push up gamit ang mga braso
  • Isang bahagi lang ng katawan (kinakaladkad ang isang binti habang gumagapang, pagkuha ng mga bagay gamit lang ang isang kamay, at iba pa)
  • Sobrang paglalaway
  • Nahihirapang lumunok o kumain
  • Hirap matuto o mag-aral
  • Seizure

Sa ilang mga kaso, maaaring maapektuhan lang ng cerebral palsy ang isang bahagi ng katawan, o isang biyas lamang.

Ang mga sintomas na nakita ay hindi lalala sa paglipas ng panahon at may pagkakataon pang nababawasan ang dalas na mangyari ang mga ito. Ito ay dahil hindi nagbabago o nadedevelop ang disorder habang nagkakaedad. Gayunpaman, ang mga pisikal na kapansanan, tulad ng muscle rigidity ay maaaring lumala kung mapapabayaan. 

Gayunpaman, maaaring maging sanhi ng mga neurological problem ang cerebral palsy, kabilang ang:

  • Problema sa pandinig at paningin
  • Pagiging intellectually challenged
  • Sensitive touch at/o pain receptors
  • mental health issues
  • Mga problema sa pantog tulad ng urinary incontinence

Mga Posibleng Sanhi

Tumutukoy ang mga kaso ng cerebral palsy sa pinsala sa utak sa early infancy o habang ipinapanganak ang bata. Kabilang sa karamihan sa mga kaso nito ang:

  • Mga impeksyon habang nagbubuntis na maaaring nakaapekto sa paglaki ng bata
  • Naranasang stroke ng sanggol habang nasa sinapupunan o habang sanggol pa
  • Jaundice na hindi nagamot
  • Mga inborn genetic disorder
  • Mga medikal na komplikasyon ng nanay habang nagbubuntis
  • Pinsala sa utak habang nasa sinapupunan (dulot ng lead poisoning, bacterial meningitis, hindi maayos na daloy ng dugo sa utak, at kapag naaalog ang sanggol)

Ano ang Cerebral Palsy: Mga Panganib

Mas malaki ang tsansang magkaroon ng cerebral palsy ang mga premature na sanggol 

Mas mataas ang tsansang magkaroon ng CP ang mga batang ipinanganak nang maaga kumpara sa mga sanggol na ipinanganak matapos ang buong 9 na buwan. 

Panganganak ng kambal o triplets

Mas malaki ang tsansang magkaroon ng cerebral palsy ang mga batang ipinanganak nang kambal o mas marami pa. 

Hindi magkaparehong dugo

Sa bibihirang kaso, maaaring magkaroon ng magkaibang blood type ang nanay at ang bata sa kanyang sinapupunan. Ang tawag dito ay Rh disease.

Mga virus na umatake habang nagbubuntis

Maaaring mapataas ang panganib ng pagkakaroon ng cerebral palsy ng ilang viral at non-viral infections, tulad ng German measles, bulutong, herpes, syphilis, at zika virus.

Mga komplikasyon habang nagbubuntis

May ilang mga problema ang pwedeng mangyari habang nagbubuntis. Kabilang dito ang mababang timbang ng sanggol, premature birth, breech position, at iba pang isyu sa panganganak na maaaring makaapekto sa circulatory system ng sanggol.

Diagnosis

Binabantayan ng mga doktor ang mga posibleng panganib o senyales ng cerebral palsy sa mga sanggol na ipinanganak nang maaga. Maaaring tingnan ng mga doktor ang mga sumusunod:

  • Mga delay sa motor development (paggalaw), tulad ng hindi makagapang, hindi makalakad nang normal, o igalaw ang mga biyas nang tama. 
  • Mga delay sa development tulad ng pag-abot sa mga bagay o pag-upo nang diretso sa tamang edad
  • Hindi magkakasunod na paggalaw ng katawan
  •  Mga muscle na masyadong matigas o masyadong malambot
  • Mga reflexes ng sanggol na nagpapatuloy (palmar grasp) kahit nasa edad na sila na hindi na nila dapat ginagawa ito.

Gamutan

Therapy

Walang gamot sa cerebral palsy, ngunit maaaring sumailalim sa therapy ang mga bata upang matulungan silang lumaki at magdevelop. Sa oras na matukoy na may CP ang bata, maaari silang sumailalim sa mga therapy session upang makatulong sa pagdevelop ng motor skills. Nakatutulong din ito upang umunlad sila sa iba pang area gaya ng pag-aaral, pagsasalita, at emotional health.

Ang mga batang may mild cerebral palsy ay maaaring lumaki na hindi maayos ang paglalakad, ngunit hindi nila masyadong kailangan ng tulong upang magawa ito. Sa mga may malubhang cerebral palsy naman ay nangangailangan ng tulong sa paglalakad. Kailangan din nila ng pag-aalaga sa buong buhay nila. 

Gamot

Makatutulong ang gamot sa mga may cerebral palsy pagdating sa pananakit ng kalamnan at paninigas nito. May ilang taong kailangan ng pump na inilalagay sa kanilang balat at mayroon namang mga gamot na pwedeng inumin.

Surgery

Makakatulong ang mga surgical procedure upang maitama ang curved spines at dislocated hips. Maaari ding gumamit ng special equipment tulad ng leg braces upang makatulong sa paglalakad.

Masustansyang Pagkain

Ang mga taong may cerebral palsy ay maaaring mapalakas ang kanilang mga buto sa tulong ng mga pagkaing may mataas na calcium, vitamin D, at phosphorus. Makatutulong sa pamilya ang mga dietitian, therapist, at doktor upang matiyak na nakakakuha ng tamang pagkain ang bata. Makapagbibigay din sila ng payo sa future diet plans at routines. 

Key Takeaways

Ano ang cerebral palsy? Isang brain disorder ang cerebral palsy. Mas karaniwan ito sa mga bata. Naaapektuhan nito ang kakayahang gumalaw at mag-isip. Maaari itong mangyari habang may komplikasyon sa pagkapanganak o sa early infancy.

Nangangailangan ng espesyal na pag-aalaga at atensyon ang mga may cerebral palsy upang lumaki sila in full potential. Wala pang gamot para sa kondisyong ito, ngunit maaaring makatulong ang mga therapy session at special equipment sa development ng bata.

Matuto pa tungkol sa neurological diseases ng mga bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Cerebral Palsy?, https://www.cdc.gov/ncbddd/cp/facts.html#:~:text=Cerebral%20palsy%20(CP)%20is%20a,problems%20with%20using%20the%20muscles.

Accessed April 15, 2021

 

What is Cerebral Palsy?, https://cerebralpalsy.org.au/our-research/about-cerebral-palsy/what-is-cerebral-palsy/

Accessed April 15, 2021

 

Cerebral palsy, https://kidshealth.org/en/parents/cerebral-palsy.html

Accessed April 15, 2021

 

Cerebral palsy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cerebral-palsy/symptoms-causes/syc-20353999

Accessed April 15, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Gelastic Seizure, Paano Ito Nangyayari, At Paano Ito Maiiwasan?

Seizure Ng Bata: Ano Ang Benign Febrile Seizure?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement