backup og meta

Ligtas Ba Para Sa Bata Ang Maligo Kahit May Viral Na Lagnat?

Ligtas Ba Para Sa Bata Ang Maligo Kahit May Viral Na Lagnat?

Maaari bang maligo ang bata kung may viral na lagnat? Ngunit ano nga ba ang viral na lagnat? Ito ay ang lagnat na sanhi ng malubhang impeksyong dulot ng virus sa katawan. Karaniwan ito sa mga batang may mahinang immune system.

Sa mga karamihan ng mga kaso ng lagnat, kusa itong nawawala sa loob ng 2-7 araw nang hindi ginagamot. Gayunpaman, ang viral na lagnat kung minsan ay sintomas ng sakit tulad ng dengue at meningitis, UTI, pneumonia, acute gastroenteritis, at tonsillitis, at iba pa, lalo na sa mga bata. Samakatuwid, kung ang lagnat ay sinasabayan ng marami pang ibang mga hindi karaniwang sintomas, agad na isugod ang iyong anak sa ospital upang masuri at para sa tiyak na diagnosis.

Habang may viral na lagnat, marami ang kadalasang umiiwas sa paliligo at sa pagdampi sa tubig sa takot na mas magkasakit. Ngunit totoo nga ba ito? Alamin sa artikulong ito.

Pwede Bang Maligo Kung May Lagnat? 

Ang mga batang may lagnat ay kadalasang nakararamdam ng lubhang pagod at nais na lamang magpahinga sa kama. Gayunpaman, ang paliligo kung may viral na lagnat ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng temperatura ng katawan, dahilan upang mas guminhawa ang pakiramdam ng iyong anak. Kung maghapong babalutan lamang ng kumot ang iyong anak, ang init mula sa kanyang katawan ay hindi makakalabas, kaya’t mahihirapang bumaba ang kanyang lagnat.

Makatulong ang paliligo upang pansamantalang maibsan ang init sa katawan, at maging upang maging malinis at komportable ang iyong anak. Ang pagligo rin sa pamamgitan ng maligamgam na tubig ay dahilan upang maging dilated ang mga kalapit na ugat, na makatutulong sa pagpapababa ng lagnat at epektibong nakapagpapapigil sa kombulsyon.

Anu-Ano Ang Mga Dapat Isaalang-Alang?

Maaaring maligo ang iyong anak kahit na siya ay may viral na lagnat, ngunit siguruhing panatilihing mainit ang kanyang katawan bago at matapos maligo. Ang paliligo gamit ang malamig na tubig ay maaaring maging dahilan upang mas mapataas ang temperatura. Sa ganitong paraan ay hindi lalamigin ang iyong anak, dahilan upang lumubha ang mga sintomas ng sakit.

Bago maligo, painumin ang iyong anak ng isang baso ng maligamgam na tubig. Matapos maligo, patuyuin nang mabuti ang kanyang katawan upang maiwasang magkaroon ng sipon.

Maaari Bang Basain Ang Buhok?

Tulad ng paliligo kahit may viral na lagnat, iniisip din ng mga pasyente kung may epekto ba o wala ang pagbasa ng buhok kahit may lagnat. Gayunpaman, kadalasang nagtatagal ang viral na lagnat sa loob ng 1 linggo. Kung hindi mapananatili ang personal na kalinisan, maaaring makaramdam ng hindi komportableng pakiramdam. Ang mga batang may viral na lagnat ay maaari pa ring maligo at basain ang kanilang buhok gamit ang maligamgam na tubig. Sa katunayan, ang mga taong may viral na lagnat ay maaari pa ring basain ang kanilang buhok nang hindi naapektuhan ang mga sintomas nito.

Mga dapat tandaan sa pagbasa ng buhok habang may lagnat ang katawan:

  • Gumamit ng maligamgam na tubig at basain ang buhok sa silid na may maayos na bentilasyon.
  • Bilisan at gawing episyente ang paliligo.
  • Mabilis na patuyuin ang buhok at panatilihing mainit ang katawan matapos basain ang buhok.

Ano Ang Dapat Gawin Kung May Lagnat?

Kung may mataas na lagnat ang iyong anak, panatilihin siyang hydrated at pakainin siya ng mga masusustansyang pagkain. Maaari din siyang paliguan gamit ang maligamgam na tubig. Iwasan ang pagpapakain ng mamantika at maanghang na pagkain.

Maaaring painumin ang iyong anak ng over-the-counter antipyretic kung ang lagnat ay mataas at hindi nawawala. Makatutulong ito sa pansamantalang pagpapababa ng lagnat. Matapos nito, painumin siya ng maraming tubig upang mapalitan ang mga nawalang tubig sanhi ng dehydration dahil sa lagnat. Ang malubhang dehydration ay maaaring humantong sa mga mapapanganib na komplikasyon.

Tandaan: ang iyong anak ay hindi dapat balutin nang mahigpit ng kumot o pagsuotin ng mainit na damit. Mapipigilan lamang nito ang maayos na pag-regulate ng init ng katawan.

Sa paggamit ng electric fan, iwasan ang pagtutok nito nang direkta sa iyong anak. Dapat ding panatilihing bukas ang pinto para sa maayos na sirkulasyon ng hangin. 

Dagdag pa, gumamit ng thermometer upang masubaybayan ang temperatura ng katawan. Kung mananatili ang lagnat sa mahabang panahon o kung hindi bumuti ang mga sintomas matapos uminom ng gamot at magsagawa ng home remedies, agad na kumonsulta sa doktor upang magkaroon ng wastong diagnosis sa sanhi ng sakit.

Matuto pa tungkol sa Infectious Diseases ng Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fever, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/fever/, Accessed Aug 1, 2022

Bacterial vs. viral infections: How do they differ? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infectious-diseases/expert-answers/infectious-disease/faq-20058098, Accessed Aug 1, 2022

Bacterial infection or virus, https://www.dukehealth.org/blog/it-bacterial-infection-or-virus, Accessed Aug 1, 2022

Fever, https://www.uofmhealth.org/health-library/fevr4, Accessed Aug 1, 2022

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal ang Incubation Period ng Rabies? Alamin Dito

6 na Paraan Para Magamot ang Shingles Sa Bahay


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement