Minsan, ang viral fever na may pantal ay maaaring ipag-alala ang maraming tao marahil hindi alam kung lumalala ang sakit o hindi. Ito ay isang senyales na nauugnay sa maraming mga sakit na nangangailangan ng medikal na atensyon. Ano ang tinutukoy ng viral infection?
Bilang karagdagan sa bacteria at fungi, ang katawan ay may kakayahang mahawahan ng mga virus at magdulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, pantal, atbp. Ang mga viral infection ay nangyayari sa lahat ng age groups. Bagama’t ang senyales na ito ay maaaring magdulot ng pag-aalala, ang sakit ay kadalasang gumagaling mag-isa kapag nakaalis na sa katawan ang naturang virus. Ngunit, paano malalaman kung ang rashes galing sa virus?
Paano Malalaman Kung ang Rashes Galing sa Virus?
Ang mga katangian ng isang rashes galing sa virus ay iba-iba sa bawat tao. Kadalasan makikita mo ang maraming maliliit na pulang batik (red spots) na lumilitaw sa balat. Ngunit, maaari rin silang biglang dumating o pa unti-unti sa loob ng ilang araw. Ang lokasyon ng pantal ay maaaring isang maliit na bahagi ng katawan at sa maraming iba’t ibang mga lugar. Halimbawa, ang pantal ng tigdas ay karaniwang nagsisimula sa ulo, kumakalat pababa sa trunk area at pagkatapos ay sa mga kamay at paa habang nilalagnat.
Nagdudulot din ng pangangati kapag hinawakan mo ang naturang bahagi. Ang pinakamahusay na paraan upang matukoy ang rashes galing sa virus ay sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba pang mga sintomas na kasali sa isang viral infection, tulad ng:
Tandaan: Ang katangian ng viral rash ay mamula-mula, nakikita sa buong katawan, at nangyayari sa panahon o pagkatapos ng lagnat.
Sanhi ng mga Rashes Galing sa Virus
Ang viral fever na may rashes ay nangyayari dahil ang immune system ay tumutugon sa virus o sa agent na kumikilos sa mga skin cells.
Halimbawa, kapag nagkaroon ng measles virus (tigdas), ang immune system ay nakakikita ng mga foreign antigen na dumadaloy sa circulatory system at naglalabas ng mga kemikal upang sirain ang mga ito. Gayunpaman, ang mga sangkap na ito ay nagdudulot din ng pamamaga ng balat, na humahantong sa rashes.
Sa kabilang banda, ang mga shingles ay nauugnay sa muling pag-activate ng chickenpox virus na matagal nang dormant sa mga ugat. Kapag naroon, ang virus ay nagsisimulang maglakbay pababa sa mga ugat at sa balat. Pagkatapos ay dumarami sila rito at kalaunan ay nagkakaroon ng shingles rash.
Ang ilang mga viral infection na maaaring magdulot ng lagnat at pantal ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Nakahahawa Ba ang Rashes Galing sa Virus?
Ang rashes galing sa virus ay hindi nakahahawa, ngunit ang virus na nagdudulot nito ay nakahahawa. Pagkatapos mahawaan ng virus, magre-react ang katawan upang sirain ang foreign agent at magdudulot ng lagnat.
Ang ilang mga viral fever na may mga pantal ay kadalasang sanhi ng mga sumusunod na virus:
Ang ruta ng impeksyon ay karaniwang sa pamamagitan ng contact sa mga respiratory secretions sa hangin kapag direktang nagsasalita o may mga secretion mula sa ilong at lalamunan ng isang infected na tao. Tandaan na ang mga taong nahawaan ng virus ay maaaring maipasa ito sa iba bago pa man lumitaw ang pantal.
Gayunpaman, ang ilang iba pang mga viral diseases ay naililipat ng mga vectors tulad ng lamok, ticks, at pulgas, tulad ng Dengue virus.
Paano Gamutin ang Rashes Galing sa Virus?
Ang paggamot para sa mga viral na sakit ay kadalasang nakatutok sa pagibsan ng mga sintomas dahil hindi napapatay ng mga antibiotic ang mga virus.
Mapabibilis mo ang proseso ng pagpapagaling ng iyong katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at paglalaan ng maraming oras upang magpahinga. Kapag mayroon kang lagnat o pananakit ng katawan, maaari kang uminom ng ilang over-the-counter drugs tulad ng paracetamol o non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen.
Kung mayroon kang rashes galing sa virus na may lagnat, subukang lagyan ng ice pack o cream ang pantal. Iwasan ang pagkamot sa mga ito.
Para sa mga kaso ng mga viral infections na nagdudulot ng malubhang karamdaman tulad ng shingles, magrereseta ang iyong doktor ng isang antiviral na gamot para sa iyo.
Kailan Ka Dapat Magpatingin sa Doktor?
Pinakamabuting magpatingin sa doktor sa sandaling makakita ka ng pantal o magkaroon ng rashes dahil sa viral infection.
Humanap kaagad ng medikal na atensyon kung nagkakaroon ka ng:
- Rashes galing sa virus kasabay ng paglalagnat.
- Tumatagal ng higit sa isang linggo, lalo na kapag hindi bumuti ang mga sintomas.
- Paltos.
- Mabilis na pang pagkalat ng pantal sa buong katawan.
- Senyales ng pamamaga, pamumula, at pagtutubig ng rashes
- Sakit o matinding hapdi ng mga rashes
Sa katunayan, maraming mga virus na maaaring magdulot ng pantal pagkatapos makuha ito. Karamihan sa mga viral infection ay kusang nawawala, ngunit ang ilan ay nangangailangan ng antiviral na gamot. Gayunpaman, kung ang pantal at viral fever ay hindi bumuti pagkatapos ng higit sa 1 linggo, dapat kang kumunsulta kaagad sa iyong doktor.
Kung kababalik mo lang mula sa mga bansang mayroong laganap na viral disease, kakailanganin mo ring pumunta sa ospital para sa general check-up. Ang mga ilang viral na sakit na kinakalat ng mga vector ay kadalasang nangangailangan ng mga antiviral drugs upang gamutin ang mga ito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Infectious Diseases ng Bata dito.