backup og meta

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata, anu-ano nga ba?

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata, anu-ano nga ba?

Ang mga karaniwang nakahahawang sakit ng bata ay mga kondisyong dulot ng organisms tulad ng bakterya, virus, at parasites. Sinasabi na ang ilang uri ng infectious illness ay pwedeng maisalin mula sa tao patungo sa iba – ito ay tinatawag na nakakahawang sakit (communicable disease). 

Sa kabilang banda, ang ilang mga nakakahawang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng direct contact kagat ng lamok, o pagkonsumo ng kontaminadong pagkain. Nasa ibaba ang mga karaniwang nakakahawang sakit sa mga batang Pilipino.

Karaniwang sipon o Common Cold

Una sa aming listahan ng mga karaniwang nakahahawang sakit sa bata ay ang sipon. Sinasabi ng mga eksperto na ito ang pinakakaraniwang viral respiratory condition. Nagdudulot ito ng runny nose, nasal congestion (mayroon man o walang discharge), at pagtutubig na mata (watery eyes).

Ang karaniwang sipon ay hindi direktang vaccine-preventable dahil mayroong higit sa 200 viruses na nagdudulot ng sipon. 

Chickenpox o Bulutong

Makikita na ang bulutong-tubig ay isang impeksiyon na dulot ng varicella virus. Mapapansin na ang bulutong-tubig ay nagreresulta sa lagnat, pagkawala ng appetite, pagkapagod at sakit ng ulo. Hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga pantal na nagiging makati, at fluid-filled na kinalaunan ay nagiging scabby.

Sa kabutihang palad, ang bulutong-tubig ay maiiwasan sa bakuna. Bukod pa rito, ang pag kakaroon ng sakit na ito nang isang beses ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng panghabambuhay na kaligtasan sa sakit.

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata: Dengue

Ang dengue ay isang viral illness na nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Sinasabi na ang mga batang may dengue ay pwedeng makaranas ng mild na sintomas, tulad ng lagnat, pantal, pananakit, pagduduwal o pagsusuka. Gayunpaman, pwede rin itong humantong sa mga serious signs, kabilang ang pagsusuka ng dugo at pagdurugo sa tiyan, gilagid o ilong.

Masasabi na sa ating kasalukuyan, mayroon ng mga bakuna laban sa dengue. Ngunit sinasabi ng mga manufacturer, na ang taong hindi pa nagkakaroon ng dengue — at nakatanggap ng bakuna ay pwedeng makaranas ng malalang sintomas, kung sila ay magkakaroon ng dengue sa hinaharap. Ang ganap na usapin ukol dito ay nananatiling nasa kamay pa ng mga awtoridad.

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata: Diarrhea

Hindi mawawala sa listahan ng common infectious disease ang diarrhea. Maraming kaso ng diarrhea ang nangyayari dahil sa food poisoning o paglunok ng mga pagkaing kontaminado ng mga virus (hal. gastroenteritis), bakterya (hal. salmonella), o parasites (hal. amebiasis).

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata: Hepatitis

Ang hepatitis ay isang viral infection na nakakaapekto sa atay. Mayroong ilang mga uri ng mga hepatitis illness. Bawat uri ay nagpapakita ng iba’t ibang mga sintomas. Subalit, ang mabuting balita ngayon ay may bakuna na para sa hepatitis A at B.

Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD)

Isang viral at nakakahawa na kondisyon ang HFDM. Ito ay maaaring makuha ng mga bata mula sa oral ingestion ng virus o direct exposure sa nasal discharge, laway, at respiratory droplets ng infected person.

Makikita na ang kondisyong ito ay nagreresulta sa mga sugat partikular sa bibig at mga pantal sa mga kamay at paa. 

Influenza o Trangkaso

Ang Trangkaso ay isa rin sa mga karaniwang nakahahawang sakit ng bata.

Pwedeng pumunta at magsabi sa’yo ang batang may trangkaso na masakit ang kanilang ulo. Kung saan, sumasakit din ang kanilang katawan, lalamunan, at may baradong ilong. Kapag tiningnan mo ang kanilang temperatura, malamang na mapapansin mo na mayroon silang lagnat.

Karaniwan ang trangkaso ay tumatagal ng isang linggo. Ngunit ang ilang mga sintomas tulad ng pagkapagod ay nananatili sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo. Karamihan sa mga kaso ng trangkaso ay mild. Subalit, ang mga komplikasyon tulad ng pulmonya at impeksyon sa tainga ay mga panganib pa rin.

Dahil dito, hinihikayat ng mga doktor ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa trangkaso taun-taon.

Tigdas, Beke, Rubella

Ang susunod sa aming listahan ng mga nakahahawang sakit ay ang tigdas (measles), beke (mumps), at rubella (German measles).

Mapapansin na ang beke ay nagdudulot ng pamamaga sa parotid salivary glands, na humahantong sa pamamaga sa isa o parehong bahagi ng panga. Habang ang rubella at tigdas ay nagbabahagi ng ilang sintomas tulad ng lagnat at pantal sa katawan. Ngunit, maaaring maging mas malala ito.

Masasabi na ang tigdas, beke, at rubella ay maiiwasan sa bakuna gamit ang MMR vaccine. Kung saan, madalas itong natatanggap ng mga sanggol sa kanilang ika-9 at ika-12 buwan.

Karaniwang nakahahawang sakit ng bata: Conjunctivitis o Sore Eyes

Nagkakaroon ng sore eyes o conjunctivitis ang mga bata mula sa hand-eye contact sa alinman sa virus o bacteria.

Kung ang iyong anak ay may viral conjunctivitis, ang mga sintomas ay mawawala sa kanilang sarili. Ngunit maaaring kailanganin nila ng suportang paggamot, tulad ng acetaminophen. Kung ito ay bacterial sore eyes, pwedeng mangailangan ng antibiotic eye drops ang iyong anak.

Ang viral at bacterial conjunctivitis ay nakakahawa. Kaya pinakamahusay na panatilihin ang iyong anak sa bahay hanggang sa gumaling sila at sanayin mag hugas palagi ng kamay.

Tuberculosis

Pwedeng magkaroon ng tuberculosis ang bata at matanda. Kaya’t isinama namin ito sa aming listahan ng mga nakakahawang sakit sa mga batang Pilipino. Makikita na ang mga batang may TB ay maaring nagpapakita ng lagnat at panginginig, mahinang paglaki, pagbaba ng timbang, at pag-ubo.

Ang bakterya na nagdudulot ng tuberculosis ay maaaring makaapekto sa baga (pulmonary TB) at iba pang bahagi ng katawan (extra-pulmonary TB). Ayon sa mga doktor, ang parehong mga kaso ay nangangailangan ng antibiotic therapy.

Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit sa Mga Bata, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chickenpox (Varicella)
https://www.cdc.gov/chickenpox/about/symptoms.html
Accessed February 17, 2020

Dengue
https://www.cdc.gov/dengue/symptoms/index.html#anchor_1555426819180
Accessed February 17, 2020

Infectious Diseases
https://caro.doh.gov.ph/infectious-diseases/
Accessed February 17, 2020

Common Childhood Communicable Diseases
https://www.porcupinehu.on.ca/en/audiences/educators/cdim/cccd/
Accessed February 17, 2020

Hand-foot-and-mouth disease
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hand-foot-and-mouth-disease/symptoms-causes/syc-20353035#:~:text=Overview,commonly%20caused%20by%20a%20coxsackievirus.
Accessed February 17, 2020

Influenza (Flu) in Children
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/influenza/influenza-flu-in-children
Accessed February 17, 2020

Pinkeye (Conjunctivitis)
https://kidshealth.org/en/parents/conjunctivitis.html
Accessed February 17, 2020

Tuberculosis (TB) in Children
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=90&contentid=P02548#:~:text=A%20child%20can%20be%20infected%20with%20TB%20bacteria%20and%20not,to%20be%20treated%20with%20medicine.
Accessed February 17, 2020

Kasalukuyang Version

07/01/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal ang Incubation Period ng Rabies? Alamin Dito

6 na Paraan Para Magamot ang Shingles Sa Bahay


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement