Nagtataka ka ba na ang ibang mga tao at mga bata ay madalas na kinakagat ng lamok? Hindi likas na matalino ang mga lamok upang matukoy kung sinong kakagatin. Ngunit maraming mga rason bakit mas kinakagat ng lamok ang bata. Alamin ang dahilan ng kagat ng lamok.
Kung ang iyong anak ay regular na tina-target ng kagat ng lamok, hindi sila nag-iisa. Tinatayang nasa 20% ng populasyon ay attracted sa lamok nang regular. Narito ang 6 rason bakit ilan sa mga tao ay madalas na kinakagat ng lamok.
Kagat ng Lamok: Bakit Tina-target Lagi ang Iyong Anak?
1. Kagat ng lamok dahil sa damit
Ginagamit ng mga lamok ang kanilang mga mata upang makakita ng kakagatin. Maraming mga pag-aaral ang nagpakita na ang paningin ng lamok ay masyadong sensitibo, lalo na sa hapon. Karagdagan, ang unang paraan para sa lamok upang makita ang mga tao ay sa pamamagitan ng kanilang paningin.
Kung ang iyong anak ay nagsusuot ng bold colors tulad ng itim, dark blue, o pula, madaling makikita ng lamok ang targe. Subukan na palitan ang kulay ng kanilang mga sinu-suot.
2. Nangangagat ang lamok dahil sa kanilang blood type
Ang mga matatandang lalaking lamok ay umaasa sa nectar ng bulaklak upang maka-survive. Ngunit ang babaeng lamok ay kailangan ng protina sa dugo ng tao upang mag-produce ng itlog. Kaya’t ilan sa mga uri ng dugo ay mas prone sa kagat ng lamok.
Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang mga tao na karaniwang kinakagat ng lamok ay nasa grupo ng O na dugo. Ang rate na ito ay higit sa 2 beses na mataas kaysa sa ibang tao na may blood type na A. Habang ang blood group B ay nasa gitna sa lebel ng koleksyon ng pagsipsip ng lamok. Karagdagan, nasa 85% ng populasyon ay nagpo-produce ng substance na nagpapakita ng kanilang blood type.
3. Nangangagat ang lamok dahil sa hininga
Nakakaamoy ang mga lamok ng CO2 (carbon dioxide) nang nasa 500m kalayo. Kaya’t ang iyong sariling hininga ay pinagmumulan ng attraction ng lamok. Mapapansin din, ang mga malalaking bata ay mas madalas na huminga nang may pwersa, mas madaming CO2 kung ganun, kaya’t mas kinakagat sila ng lamok.
Maglalabas ka ng CO2 sa pamamagitan ng iyong ilong at bibig, kaya’t madalas na attracted ang mga lamok sa bahagi ng iyong ulo.
4. Nangangagat ang mga lamok dahil sa pagbubuntis
Ang mga buntis ay mas kinakagat din ng lamok kaysa sa iba. Ang pag-aaral mula sa South Africa ay napag-alaman na ang mga buntis ay higit na maaaring magkaroon ng dengue fever kaysa sa mga hindi buntis.
Ipinaliwanag ng mga siyentista na ang rason bakit ang mga buntis ay mas kinakagat ng mga lamok ay dahil sa pagtaas ng CO2 production ng kanilang sistema. Ang mga babae habang buntis ay nag e-exhale ng higit 21% ng CO2 kaysa sa normal. Ang kanilang temperatura ay tumataas din nang kaunti. Kaya’t mas mataas ang banta na makagat ng lamok.
5. Nangangagat ang lamok dahil sa temperatura ng katawan
Karagdagan sa CO2, ang mga lamok ay sensitibo rin sa ibang mga amoy tulad ng lactic acid, uric acid, at maraming mga compounds sa pawis. Karagdagan, nangangagat ang mga lamok lalo na sa mga taong may mataas na temperatura.
Mas vulnerable ang mga bata sa mga lamok matapos ang ehersisyo dahil ang kanilang katawan ay mas nagpo-produce ng lactic acid at tumataas din ang temperatura. Karagdagan, nakaaapekto rin ang genetic factors sa production ng uric acid, kaya’t ang ibang mga tao/bata ay mas nakaa-attract ng mga lamok kaysa sa iba.
6. Nangangagat ang lamok dahil sa bacteria
Nagpakita ang ilang pag-aaral na ang tiyak na uri ng balat at ang dami ng bacteria sa balat ay nakaka-attract ng lamok. Ang balat ay may hindi mabilang na uri ng bacteria at nakadaragdag ito sa pagkakaroon ng kakaibang amoy sa bawat tao.
Sa isang pag-aaral, hinati ang grupo ng kalalakihan sa dalawang grupo, isang grupo na madaling ma-attract ng lamok at ang isa ay hindi.
Nagpakita ang pag-aaral na ang mga kalahok na “nais” ng lamok ay nagtataglay ng tiyak na uri ng bacteria sa kanilang balat. Naipapaliwanag din nito bakit ilan sa mga species ng lamok ay karaniwang umaatake sa paa, partikular na bahagi ng katawan kung saan may live bacteria at saan nabubuhay ang mga ito.
Matuto pa tungkol sa Nakahahawang Sakit sa mga Bata rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.