Ang diphtheria ay isang nakakahawang bacterial infection na may posibilidad na makaapekto sa tonsil, lalamunan, ilong, at/o balat. Basahin dito kung ano ang diphtheria mga palatandaan, sanhi at paggamot.
Kumakalat ito mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng droplet transmission. Kadalasan, ito ay sa paglanghap ng bakterya pagkatapos umubo, bumahing, o tumawa ang isang taong may impeksyon. Bukod pa riyan, maaari rin itong kumalat sa pamamagitan ng mga kontaminadong tissue o ginamit na drinking glasses. Maaari ring magkasakit ang mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak sa open sores ng mga may anyo ng diphtheria na nakakaapekto sa balat. Higit pa rito, maaari itong magdulot ng kahirapan sa paghinga, heart failure, paralysis, at, sa malalang kaso, kamatayan.
Ano ang Sanhi ng Diphtheria?
Ang pagkalat ng bacterium na Corynebacterium diphtheria ang nagiging sanhi ng diphtheria. Kapag nahawa ang isang tao ng bacteria, naglalabas ito ng toxin o lason, sa katawan. Bilang resulta, nahahawahan nito ang upper airways, at sa ibang mga kaso, ang balat.
Ang partikular na bakterya ay gumagawa ng mga lason na sumisira sa malusog na respiratory tissues. Kapag nawasak, ang mga patay na tissue ay lumilikha ng makapal na gray coating. Maaari itong maipon sa lalamunan o ilong sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang gray coating na ito ay kilala bilang isang “pseudomembrane,” at nakakaapekto ito sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:
Ano ang mga Palatandaan at Sintomas ng Diphtheria?
Maaring mula mild hanggang severe ang mga palatandaan at sintomas. Karaniwang lumilitaw ang mga ito dalawa hanggang limang araw pagkatapos ng pagkakalantad.
Maaaring mapagkamalan na sore throat ang diphtheria sa mga unang stage nito. Ang iba pang maagang sintomas ay mababang lagnat at namamagang neck glands. Ngunit habang nagpapatuloy ang impeksyon, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas:
- Hirap sa paghinga at/o paglunok
- Double vision
- Slurred voice
- Iba’t ibang senyales ng pagkabigla (ibig sabihin, maputla at malamig na balat, mabilis na tibok ng puso, pagpapawis, at nababalisa na hitsura)
Ang abnormal na paglaki ng pseudomembrane ang siyang nagpapahirap sa paghinga at paglunok. Kapag ang membrane ay ganap na humarang sa windpipe, maaari itong humantong sa suffocation, o sa pinakamasamang kaso, kamatayan. Ang puso at nervous system ay vulnerable parts din kung minsan. Ito ay dahil maaaring pumasok ang toxins sa daluyan ng dugo.
Kung minsan, ang impeksyong ito ay maaaring makaapekto sa balat. Ang cutaneous diphtheria ay maaaring magdulot ng masakit na impeksyon sa balat, pamumula, at pamamaga. Maaari rin itong mapuno ng nana at natatakpan ng greyish na mga patch ng balat.
Ang mga may diphtheria bacteria ay lubhang nakakahawa hanggang apat na linggo nang walang antibiotic kahit na wala silang mga sintomas.
Sino ang Nanganganib para sa Diphtheria?
High risk na magkaroon ng impeksyon ang mga batang wala pang limang taong gulang at mga nasa hustong gulang na higit sa 60 taong gulang.
Ang iba pang mga tao na mas malamang na nasa panganib ay ang mga sumusunod:
- Ang mga nakatira sa siksikan o hindi malinis na mga kondisyon
- Yung mga malnourished
- Mga bata at matatanda na walang up-to-date immunization records