Gaano katagal nananatili ang COVID sa damit? Upang maiwasan ang epidemya, ang pagsasagawa ng mga hakbang sa pag-iingat ayon sa patnubay ng Kagawaran ng Kalusugan ay lubhang mahalaga. Dagdag pa sa regular na paghuhugas ng kamay, ang paglalaba ng mga damit, at regular na pag-disinfect sa iyong kapaligiran ay kailangan din upang mabawasan ang tyansa ng impeksyon.
Gaano katagal nananatili ang COVID sa damit? Paano dapat natin labhan ang ating mga damit sa panahon ng epidemya? Alamin sa artikulong ito ang mga kasagutan.
Kumakalat ba ang coronavirus sa pamamagitan ng mga damit?
Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang pangunahing paraan ng pagkakahawa ng coronavirus ay sa pamamagitan ng respiratory droplets (pagbahing o pag-ubo ng isang taong may COVID). Bukod pa rito, ang virus na ito ay maaari ding makapasok sa katawan mula sa mga kontaminadong bagay. Kabilang dito ang damit.
Gaano katagal nananatili ang COVID sa damit?
Nagsagawa ng pag-aaral ang US National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) upang malaman kung gaano katagal nananatili ang coronavirus sa iba’t ibang mga bagay. Natuklasan mula sa mga resulta ng pananaliksik na ito na ang virus ay maaaring manatili ng hanggang 4 oras sa mga bagay na tanso. 24 oras naman ang tagal sa mga karton, at 72 oras sa mga plastic at stainless steel.
Walang impormasyon upang matukoy kung gaano tiyak na katagal nananatili ang COVID sa damit. Gayunpaman, ayon sa eksperto sa mga nakahahawang sakit na si Amesh A. Adalja, MD, isang senior scholar sa Johns Hopkins Center for Health Security sa Maryland, USA, ang buhay ng COVID sa damit ay maaaring mula sa ilang oras hanggang sa isang araw. Ang oras na ito ay nakadepende sa materyal ng tela, mga kondisyon ng kapaligiran, temperatura, at kahalumigmigan ng hangin.
Gaano kadalas dapat labhan ang mga damit?
Kung walang sinuman sa inyong pamilya ang positibo sa COVID-19 o kakikitaan ng anumang mga senyales ng karamdaman, maaaring labhan ang mga damit katulad ng karaniwan.
Gayunpaman, kung ikaw ay pumunta sa isang masikip na lugar (halimbawa, supermarket) o ang mga tao sa iyong paligid ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng social distancing (panatilihin ang minimum na distansya na 2 metro kapag nakikipag-usap), dapat mong protektahan ang iyong sarili.
Narito ang ilang tips:
- Agad na magbihis ng iba, at malinis na set ng damit sa oras na makauwi.
- Ang mga detalye ng damit (zippers, butones, atbp) ay maaaring gawa mula sa iba pang materyal, gaya ng plastic at stainless steel. Ang viruses ay maaari pa ring mabuhay sa mga ito at makapasok sa iyong bahay. Samakatuwid, hindi dapat balewalain kahit ang mga pinakamaliit na detalye ng mga damit.
- Inirerekomenda rin ng mga eksperto na ang pagtanggal sa mga mikrobyo ay mas epektibo kung ibabad mo ang mga damit sa sabon at tubig nang mas matagal at labahan ang mga ito sa mainit na tubig.
- I-sanitize ang mg.a damit ng mga taong may sakit o pinaghihinalaang nahawaan ng COVID-19.
- Kung ang iyong mahal sa buhay ay pinaghihinalaang may COVID-19, kinakailangan ang pag-iingat sa paglalaba ng mga damit, tuwalya at bed sheet na kanilang ginamit.
- Iminumungkahi ng DOH ang paggamit ng disposable gloves at mask sa paglinis ng mga kagamitan ng mga taong may sakit. Kasabay nito, matapos maglilinis, agad na itapon ang mga ginamit na gloves at mask sa basurahan. Pagkatapos, hugasan ang iyong mga kamay nang maigi.
- Dagdag pa rito, hindi dapat ipagpag ang maruming damit ng taong may saki. Maaari itong maging sanhi ng pagkalat ng virus sa hangin. Ang mga basket na naglalaman ng mga maruruming damit ng mga taong may sakit ay dapat ding i-disinfect matapos gamitin.
Dapat bang labhan ang mga damit sa laundromat?
Maaaring labhan ang mga damit sa mga laundromat. Ngunit kailangan mong mahigpit na sundin ang mga alituntunin at regulasyon sa social distancing. Maaaring mabuhay ang COVID-19 sa mga bagay sa loob ng ilang mga oras (o maging ng ilang mga araw). Samakatuwid, mahalagang gawin ang lahat ng pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Dapat ding sundin ng laundromats ang mga karaniwang kasanayan sa kalinisan, bukod sa COVID-19 protocols (paghihiwalay ng mga damit ng bawat indibidwal, paggamit ng de-kalidad na panlaba, atbp.)
Kung pupunta sa laundromat, kinakailangan magsuot ng mask at panatilihin ang minimum na distansya mula sa mga staff. Para sa self-service laundromats, kailangan magsuot ng gloves. Iwasan ding hawakan ang mukha gamit at i-disinfect ang bahagi ng mga makinang ginamit sa salon. Dapat din gumamit ng hand sanitizer pagkatapos maglaba at maghugas ng kamay gamit ang sabon sa pagka-uwi.
Key Takeaways
Sana ay nakatulong sa ang artikulong ito na masagot ang tanong na: Gaano katagal nananatili ang COVID sa damit? Ang paglilinis ng mga gamit sa bahay at ng mga damit ay mahalaga upang maiwasan ang sakit. Bukod pa rito, dapat ding tandaan ang madalas na paghuhugas ng mga kamay. Huwag kalimutan ang pagsunod sa mga regulasyon ng isolation upang maprotektahan ang iyong sarili at ang komunidad.
Matuto pa tungkol sa mga Nakahahawang Sakit sa mga Bata dito.