Maaaring makaapekto sa sinuman ang impeksyon ng pinworm ngunit pinakakaraniwan ito sa mga bata. Kung hindi maalis sa lalong madaling panahon, ang mga pinworm na nabubuhay at lumalaki sa katawan sa loob ng mahabang panahon ay nasa panganib na humantong sa maraming malalang komplikasyon, na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng pasyente. Alamin pa rito kung ano ang pinworm.
Ano ang Pinworm Infection?
Isang maliit na parasite ang pinworm at maaaring mabuhay sa colon at tumbong. Magkakaroon ka ng pinworms kapag kumain ka ng pinworm egg. Pagkatapos ay mapipisa ang mga itlog sa bituka. Habang ikaw ay natutulog, ang babaeng uod ay aalis sa bituka at pupunta sa anus upang mangitlog sa nakapalibot na balat. Kapag lumabas ka nang hindi naghuhugas ng mabuti ng iyong mga kamay, ang mga itlog ay maaaring makuha sa iyong mga kamay at kumalat sa iba. Ang mga itlog ng bulate ay maaaring mabuhay sa ibabaw ng mga pang-araw-araw na kagamitan nang hanggang 2 linggo.
Sino ang Kadalasang Nagkakaroon ng Pinworm?
Ang pinworm ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sakit ay nakakaapekto sa parehong kasarian at kadalasang nakikita sa mga bata sa pagitan ng edad na 5 at 14. Maaari mong pababain ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito sa pagpapaliit ng mga banta. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon.
Mga Senyales at Sintomas ng Pinworm Infection
Pinakakaraniwang sintomas ng pinworm ang pangangati sa paligid ng anus o puwit (lalo na sa gabi). Ang iba pang mga sintomas ng impeksyon sa pinworm ay maaaring kabilang ang pangangati ng balat sa paligid ng anus, problema sa pagtulog, at pangangati ng ari.
Maaaring may iba pang sintomas at senyales na hindi nabanggit. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa mga sintomas, kumunsulta sa iyong doktor.
Kailan Dapat Kumunsulta sa Doktor?
Kung mayroon mga senyales at sintomas na nabanggit sa itaas, o may anumang mga katanungan o alalahanin, kumunsulta sa iyong doktor. Ang lokasyon at kondisyong medikal ay maaaring iba sa maraming tao. Palaging makipag-usap sa iyong doktor upang matukoy ang pinakamahusay na paraan ng diagnosis, paggamot, at pamamahala para sa iyo.
Ano ang Sanhi ng Pinworm?
Sanhi ng uod na tinatawag na Enterobius vermicularis ang pinworm infection. Ito ay halos kahaba ng stapler at kadalasang kumakalat kung hinawakan mo ang iyong anus at pagkatapos ay hinawakan mo ang pagkain o mga gamit sa bahay.
Mga Kadahilanan na Nagpapataas sa Panganib ng Pinworm
Mayroong maraming mga kadahilanan na maaaring maglagay sa iyo sa mas mataas na panganib ng impeksyon sa pinworm kabilang ang:
- Edad: Ang mga bata ay pinaka-madaling kapitan sa mga impeksyon sa pinworm, kadalasan sa pagitan ng edad na 5 at 14.
- Nakatira sa isang masikip na espasyo.
- Naninirahan sa temperate na klima.
- Hindi magandang kalinisan.
Mga Pamamaraan sa Diagnosis ng Pinworm
Dahil ang mga uod ay karaniwang bumababa sa anus upang mangitlog sa gabi, ang pinakamagandang oras upang suriin ay ilang oras pagkatapos matulog ang sanggol o sa sandaling magising ang sanggol sa umaga. Maaaring gumamit ng flashlight ang mga magulang upang mas malinaw na makita ang mga uod.
Matutulungan ka ng iyong doktor na mag-diagnose ang impeksyon sa pinworm sa pamamagitan ng pagsubok nito gamit ang isang test strip. Ang isang patch ay maaaring ilapat sa balat ng anus at pagkatapos ay alisin. Ang mga uod ay maaaring idikit sa tape at makikita gamit ang magnifying glass o microscope. Dapat isagawa ang test na ito sa umaga bago maligo at gumamit ng banyo.
Pamamaraan sa Paggamot ng Pinworm
Upang gamutin ang impeksiyon ng pinworm, hihilingin sa iyo ng iyong doktor at sa lahat ng miyembro ng iyong pamilya na uminom ng dewormer upang maiwasan ang mga epekto. Makakatulong ang mga cream o lotion na mapawi ang pangangati at kawalan ng ginhawa. Ang mga bulate ay mamamatay sa loob ng ilang araw pagkatapos uminom ng gamot at ang pangangati ay mawawala sa loob ng 1 linggo.
Kinakailangan ng mga miyembro ng pamilya ang maghugas nang mabuti ng mga kamay at regular na maglinis ng kanilang mga kuko. Maligo araw-araw at maingat na hugasan ang bahagi ng puwet. Huwag ilagay ang iyong mga kamay o anumang iba pang bagay sa iyong bibig dahil ang mga itlog ay maaaring maipasa sa ganitong paraan. Gumamit ng mainit na tubig upang maghugas ng mga pinggan, kagamitan sa pagkain, damit, kumot, at tuwalya. Ang mga laruan ng mga bata ay dapat linisin ng isang antiseptiko.
Anong Mga Gawi sa Pamumuhay ang Nakakatulong sa Iyo Upang Limitahan ang Pagdami ng Pinworm Infection?
Ang sumusunod na mga gawi sa pamumuhay ay tutulong sa iyo na mapigilan ang impeksyon ng pinworm:
- Sabihin sa doktor ng iyong anak ang tungkol sa iba pang mga sakit at mga gamot na kanilang iniinom.
- Tawagan ang iyong doktor kung ang pangangati ay hindi nawala pagkatapos ng 1 linggo.
- Bigyan ang iyong anak ng gamot nang eksakto tulad ng itinuro.
- Turuan ang mga bata na maghugas ng kamay nang maayos gamit ang sabon pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain.
- Sabihin sa nars ng paaralan o babysitter kung ang iyong anak ay may pinworms.
- Panatilihing malinis ang mga kuko ng iyong anak at huwag hayaang lumaki ang mga ito nang masyadong mahaba.
- Paliguan ang iyong anak at palitan ang kanilang damit na panloob at bed sheet araw-araw.
- Gumamit ng napakainit na tubig sa paghugas ng mga pinggan, kuskusin ang lahat ng mga laruang nahuhugasan gamit ang bleach solution at kuskusin ang banyo ng maigi.
- Patuloy na magpatingin sa iyong doktor pagkatapos ng paggamot upang matiyak na ang lahat ng mga uod ay napatay.
- Tawagan ang iyong doktor kung sinuman ang may mga sintomas ng impeksyon sa bulate na bumalik pagkatapos ng paggamot o may mga side effect mula sa gamot na hindi mabilis na nawawala.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan, kumunsulta sa iyong doktor para sa pinakamahusay na suporta sa paggamot.
Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit sa Mga Bata dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.