backup og meta

Mata Ng Bata, Paano Nga Ba Dapat Alagaan?

Mata Ng Bata, Paano Nga Ba Dapat Alagaan?

Mayroong ilang mga kondisyon sa mata at mga problema sa paningin na maaaring madebelop sa pagkabata, tulad ng sore eyes, cross-eyed (pagkaduling), at lazy eye. Narito ang ilang mga tips sa pangangalaga ng mga mata ng bata na dapat malaman ng bawat magulang.

Tips Para Alagaan ang Mata ng Bata

Panatilihin ang isang malusog na pamumuhay sa panahon ng pagbubuntis 

Sa panahon ng pagbubuntis, ang malusog na pamumuhay at mga habit sa pagkain ng nanay ay maaaring makatulong sa development ng mga mata ng kanyang sanggol. Gaya na lamang din ng diet at pamumuhay ng nanay habang nagpapasuso ay nagkakaroon din ng epekto sa kalusugan ng mga mata ng bata.

Magkaroon ng isang masustansyang diet 

Bigyan ang inyong mga anak ng pagkain na mayaman sa nutrisyon tulad ng lutein, zeaxanthin, omega-3 fatty acids, zinc, at vitamin A, C, at E. Maaaring makatulong ang sa pagpapabuti at pagpapanatili ng kanilang paningin. Makukuha mo ang mga sustansyang ito mula sa prutas at gulay tulad ng karot, kalabasa, kale, avocado, kangkong, pula ng itlog, kiwi, ubas, at dalandan.

Gumugugol ng mas maraming oras sa labas 

 Ayon sa pag-aaral, ang madalas na paglabas ay epektibong napipigilan ang pagkakaroon ng onset myopia (nearsightedness). Ang pagdaragdag ng higit pang mga gawaing panlabas tulad ng paglalakad o pagbibisikleta sa pang-araw-araw na gawain ng iyong anak ay maaaring makatulong na mapanatili ang malinaw na paningin nila sa abot ng makakaya nito.

Sanayin ang Malusog na Pangangalaga sa mga Mata ng Bata

 Narito ang iba pang tips sa pagpapanatiling malusog ang mga mata ninyo at ng iyong anak na maaaring sundin:

  • Hikayatin ang iyong anak na magbasa sa maliwanag na lugar, dahil ang madilim o mahinang liwanag ay maaaring humantong sa malabong paningin sa paglipas ng panahon.
  • Kapag nagbabasa, ang mga mata ng bata ay dapat na 15 inches ang layo mula sa aklat, at 20 hanggang 40 inches ang layo mula sa screen. 
  • Ibigay ang angkop na laruan sa iyong anak na walang matulis na mga bahagi na maaaring makasundot ng kanilang mga mata.
  • Bigyan ang iyong anak ng tamang proteksiyon sa mata kapag naglalaro ng sports, nanonood ng mga fireworks, at iba pang mga aktibidad na maaaring makapinsala sa kanilang mga mata. 
  • Bigyan ang iyong mga anak ng mga laro at laruan na maaaring makatulong na pasiglahin ang kanilang paningin.
  • Magkaroon ng regular na check-up upang makita ang development ng paningin ng iyong anak sa paglipas ng mga taon at upang makita ang mga maagang senyales ng mga problema sa mata ng bata.
  • Ang iyong anak ay dapat na matulog sa inirekumendang bilang ng oras upang maiwasan ang pananakit ng mata (12-16 na oras at 10-14 na oras sa isang araw, kabilang ang mga naps, para sa mga sanggol at mga batang edad na 1 hanggang 5, ayon sa pagkakabanggit).

Mga palatandaan at sintomas ng problema sa paningin 

Ang mga bata ay mas madaling kapitan ng mga problema sa mata dahil ang kanilang mga mata ay nadedebelop pa rin. Ang pag-alam sa mga maagang palatandaan ng mga problema sa paningin ay susi sa pag-aalaga ng mga mata ng iyong anak.

Ang mga palatandaan ng mga problema sa paningin ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Madalas na pagkusot sa mga mata 
  • Sensitibo sa liwanag 
  • May mahinang kapasidad sa pagsubaybay o pagtitig o problema sa biswal na pagsunod sa mga bagay 
  • Malubhang pamumula ng mga mata na maaaring may pananakit o wala
  •  Labis na produksyon ng luha
  •  Misalignment ng mata ng bata
  • Mabilis, at walang kontrol na paggalaw ng mata ng bata
  • Kawalan ng kakayahang tumuon sa malapit o malayong mga bagay 
  •  Pagkaduling o pagkabanlag 
  • Pananakit ng ulo kapag nagbabasa o kapag nasa harap ng screen 
  •  Pamumuti ng mga pupil
  • Pagbaba ng academic performance, lalo na kapag ang bata ay nakaupo sa hulihan ng silid-aralan.

Kung ang iyong anak ay may isa o higit pa sa mga sintomas na ito, kumonsulta sa isang ophthalmologist.

Key Takeaways

Ang mga problema sa mata ay maaaring magbigay sa sinoman ng paghihirap. Gayunpaman, maaari mong protektahan ang iyong anak mula sa mga komplikasyon sa paningin sa hinaharap kung hinihikayat mo sila nang tamang pangangalaga sa mata ng bata. Bilang isang magulang, ang pagsunod sa mga tips sa pangangalaga ng mata na binanggit sa artikulong ito ay maaaring lubos na mapabuti at mapanatili ang kalusugan ng mata ng iyong anak.

Matuto nang higit pa tungkol sa Child Eyecare dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Time Spent in Outdoor Activities in Relation to Myopia Prevention and Control: A Meta-Analysis and Systematic Review. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5599950/ Accessed October 2, 2020

Protecting Children from the Ultraviolet Radiation – archived, 11 December 2009 https://www.who.int/uv/resources/archives/fs261/en/ Accessed October 2, 2020

The Sun, UV Light, and Your Eyes https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/sun Accessed October 2, 2020

To Grow Up Healthy, Children Need to SIt Less and Play More https://www.who.int/news-room/detail/24-04-2019-to-grow-up-healthy-children-need-to-sit-less-and-play-more Accessed October 2, 2020

Your Child’s Vision https://kidshealth.org/en/parents/vision.html Accessed October 2, 2020

Simple Ways to Protect Your Child’s Eyes https://eyescreen.cordlifetech.com/ways-to-protect-your-child-eyes Accessed October 2, 2020

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement