backup og meta

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease

Isang bihirang kondisyon na kadalasang nakakaapekto sa mga batang may edad na limang taong gulang pababa ang kawasaki disease. Gayunpaman, may mga kaso na nangyayari ito sa mga bata hanggang sa edad na 13. Sa maagap at tamang paggamot, ang isang batang may ganitong kondisyon ay maaaring gumaling nang walang permanenteng problema sa kalusugan. Gayunpaman, maaari pa ring mangyari ang malubhang komplikasyon ng sakit na Kawasaki. Matuto pa tungkol sa mga komplikasyong ito rito.

Kawasaki Disease

Ang Kawasaki disease ay nagdudulot ng vasculitis ng maliliit at katamtamang laki ng mga daluyan ng dugo na naghahatid ng dugo sa buong katawan. Kapag sinabi nating vasculitis, ito ay nangangahulugan ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo. Tandaan na ang sakit na Kawasaki ay maaaring makaapekto sa anumang daluyan ng dugo, kabilang ang mga nasa puso (coronary arteries).

Dati, tinawag ng mga eksperto ang Kawasaki disease na mucocutaneous lymph node syndrome, dahil ang kondisyon ay nagdudulot din ng pamamaga sa mucus membrane ng mata, ilong, lalamunan, at bibig, gayundin ang mga lymph node.

Hindi pa alam hanggang sa ngayon ang tiyak na sanhi ng Kawasaki disease, ngunit naniniwala ang mga eksperto na ang impeksiyon ay maaaring isang kadahilanan na nag-aambag para magkaroon ng sakit na ito.

Senyales at Sintomas ng Kawasaki Disease

Bago natin isa-isahin at talakayin ang iba’t ibang komplikasyon ng Kawasaki disease, bigyang-pansin muna natin ang mga sintomas. Ang isang bata na may ganitong kondisyon ay maaaring magkaroon ng:

  • Bukol na lumaki
  • Pantal sa pangunahing bahagi ng katawan
  • Mapupulang mga mata ngunit walang discharge
  • Namamaga at mapulang dila
  • Pula, namamagang balat ng mga palad ng mga kamay at talampakan, na may pagbabalat ng balat ng mga daliri at paa.
  • Tuyo, basag na labi

Komplikasyon ng Kawasaki Disease

Ngayong alam na natin ang tungkol sa mga karaniwang palatandaan at sintomas, magpatuloy tayo sa mga komplikasyon ng sakit na Kawasaki. Ayon sa mga ulat, ang Kawasaki disease ay isa sa mga nangungunang sanhi ng ‘acquired‘ na sakit sa puso sa mga mauunlad na bansa. Nasa ibaba ang mga potensyal na komplikasyon ng pambihirang kondisyong ito, na kadalasang nauugnay sa puso.

1. Coronary artery aneurysm

Maaaring pahinain ng Vasculitis ang isa sa mga ugat ng puso. Habang dumadaan ang dugo sa humihinang ugat, maaari itong bumukol o lumobo. Ito ay tinatawag na aneurysm.

Maaaring bawasan ng aneurysm ang suplay ng dugo sa isang bahagi ng puso, na nagdudulot ng infarction (atake sa puso) o nakagambala sa daloy ng dugo, na nagreresulta sa sakit sa puso.

Bagama’t bihira, ang humina at lumubo na arterya ay maaari ding pumutok, na nagiging sanhi ng pagdurugo.

2. Pamamaga ng muscle ng puso

Iisa sa mga potensyal na komplikasyon ng sakit na Kawasaki ay ang pamamaga ng muscle ng puso (myocarditis). Maaari din itong magresulta sa pamamaga ng lining (endocarditis) o ng takip (pericarditis) ng puso.

3. Mga problema sa valve sa puso

Tinitiyak ng mga valve na maayos ang daloy ng dugo sa puso. Kung ang isa sa mga valve ay hindi gumagana ng maayos, ang dugo ay maaaring dumaloy pabalik. Ito ay nagiging sanhi para ang puso ay mahirapan sa pagpapadala ng dugo sa iba’t ibang parte ng katawan.

4. Heart Failure

Isa pa sa mga komplikasyon ng sakit na Kawasaki ay ang pagpalya ng puso. Ito ay nangyayari kapag ang puso ay hindi na nagbobomba ng dugo tulad ng dati.

5. Kawasaki disease shock syndrome

Panghuli, ang Kawasaki disease ay maaaring magresulta sa isang shock syndrome na nailalarawan sa pamamagitan ng isang “patuloy na pagbaba ng systolic na presyon ng dugo,” na siyang pinakamataas na bilang. Ang pagbaba ay maaaring higit sa 20% ng baseline. Ang KDSS ay maaari ding magresulta sa mahinang perfusion, na nangangahulugan na ang mga paa’t kamay ay hindi nakakatanggap ng sapat na daloy ng dugo.

Tandaan na ang KDSS ay isang potensyal na nakamamatay na komplikasyon at maaaring mauwi pa sa multiorgan dysfunction.

Key Takeaways

Ang mga labis na abnormalidad sa puso ay maaaring magresulta sa kamatayan o pangmatagalang komplikasyon na nangangailangan ng paggamot, tulad ng operasyon o mga gamot.
Ang mabuting balita ay bihira ang mga komplikasyon ng sakit na Kawasaki. Sa katunayan, ang Kawasaki disease ay karaniwang nagagamot at karamihan sa mga bata na tumatanggap ng paggamot sa loob ng 10 araw pagkatapos na madiagnose nito ay hindi makakaranas ng mga pangmatagalang problema.
Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng mga senyales at sintomas ng Kawasaki disease, mangyaring dalhin sila sa doktor sa lalong madaling panahon. Kung mas maaga silang makatanggap ng gamutan, mas maliit ang kanilang panganib na magkaroon ng mga komplikasyon.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata rito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kawasaki Disease in Children, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions—pediatrics/k/kawasaki-disease.html, Accessed May 17, 2022
Kawasaki disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kawasaki-disease/symptoms-causes/syc-20354598, Accessed May 17, 2022
Kawasaki disease: Complications, https://www.uptodate.com/contents/kawasaki-disease-complications, Accessed May 17, 2022
Complications, https://www.nhs.uk/conditions/kawasaki-disease/complications/, Accessed May 17, 2022
Congestive Heart Failure: Prevention, Treatment and Research, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/congestive-heart-failure-prevention-treatment-and-research#:~:text=Congestive%20heart%20failure%20(also%20called,is%20about%20to%20stop%20working., Accessed May 17, 2022

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sleepwalking ng Bata: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement