Madalas na naghahanap ng gamot sa sakit ng ngipin ng bata ang mga magulang. Sapagkat, hindi biro ang kirot at discomfort nito sa isang taon. Pwede itong makasagabal sa pang-araw-araw na pamumuhay at mga gawain ng mga bata at matatanda; maging sanhi ng hirap na pagkilos at mga komplikasyon sa kalusugan, lalo’t kung hindi ito mabibigyan ng kaukulang at angkop na atensyong medikal.
Sa pagsakit ng ngipin ng bata, mahalagang malaman ang ugat ng discomfort na ito para makita na rin kung mayroon na bang pamamaga at iba pang mga sintomas. Mahalaga rin na magpakonsulta sa doktor para mas mabigyan ng karampatang treatment ang isang pasyente.
Basahin at matuto pa sa artikulong ito tungkol sa gamot sa sakit ng ngipin ng bata at posibleng dahilan ng pagsakit nito.
Bakit sumasakit ang ngipin ng bata?
Maraming dahilan ang pagsakit ng ngipin ng mga bata. Narito ang mga sumusunod na dahilan na dapat mong malaman:
- Pagkabulok ng ngipin
- Dental Abscess
- Gum Disease
- Cracked Enamel
- Pagka-stuck ng pagkain sa mga ngipin
Mga gamot sa sakit ng ngipin ng bata: Anu-ano ito?
Maraming home remedies ang pwedeng gamitin para sa gamot sa sakit ng ngipin ng bata. Subalit, laging tandaan mas maganda pa rin na magpakonsulta sa doktor para sa angkop na diagnosis at paggamot.
Narito ang mga sumusunod na home remedies sa sakit ng ngipin:
Bawang
Kilala ang bawang dahil sa medicinal at antibacterial properties na taglay nito. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa National Library of Medicine, hindi lamang ang harmful bacteria na sanhi ng dental plaque ang kayang patayin ng bawang. Maaaring magamit ito bilang pain reliever. Para magamit ang benepisyo ng bawang sa sakit ng ngipin, pwedeng nguyain nang dahan-dahan ang clove ng fresh garlic — o durugin ang garlic clove upang makabuo ng opaste at i-apply ito sa affected area. Sinasabi na maaaring magdagdag ng kaunting asin sa paggamit nito.
Thyme
Mayroong kakayahan na tumulong sa treatment ng sakit ng ngipin ang thyme dahil sa powerful antibacterial at antioxidant properties na taglay nito. Nilalabanan din nito ang bakterya na nakapagbibigay ng kontribusyon sa pagkabulok ng ngipin.
Para magamit ito, i-dilute ang thyme essential oil na may essential oil at ilagay ito sa apektadong lugar. Pwede rin itong magamit bilang mouthwash sa pamamagitan ng pagdadagdag ng oil sa maliit na baso ng tubig.
Dahon ng bayabas
Nguyain ang sariwang dahon ng sariwang bayabas o magdagdag ng dinurog na dahon ng bayabas sa kumukulong tubig at gamiting mouthwash ito. Sa pamamagitan nito, ganap na makukuha ang mga benepisyong hatid ng dahon ng bayabas bilang panlunas. Ang dahon ng bayabas ay mayroong anti-inflammatory properties na tumutulong sa pagpapagaling ng sugat. Nagtataglay din ito ng antimicrobial activity na pwedeng makatulong sa oral care ng isang tao.
Peppermint tea bags
Ginagamit din ang peppermint tea bags para sa pamamanhid at pagpapaginhawa ng sensitibong gilagid. Dapat na hayaan na mag-cool down o lumamig ang tea bago ilagay sa apektadong bahagi. Subalit, kinakailangan na medyo mainit pa rin ito.
Pagbabanlaw ng tubig na asin
Sinasabi ng marami na ang salt water ay isang epektibong first-line treatment at natural na disinfectant. Ang paggamit nito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pamamaga at anumang oral wound. Para magamit ito paghaluin ang ½ teaspoon ng asin sa mainit na tubig at gamitin bilang mouthwash.
Cold compress
Kung sumasakit ang ngipin ng bata pwedeng magamit ang cold compress sa pagpapahupa nito at sa pagbabawas ng pamamaga partikular na kung mayroong taglay na anumang type ng trauma na sanhi ng pagsakit ng ngipin.
Sa paggamit nito, ang blood vessels sa area ay nagko-constrict at ginagawa nitong less severe ang sakit.
Vanilla extract
Nagtataglay ang vanilla extract ng alcohol at napatunayan ng ang antioxidant properties nito ay epektibo sa pagpapagaling. Para magamit ito kumuha ng maliit na amount ng vanilla extract sa cotton ball o sa daliri at ilagay sa apektadong lugar. Siguraduhin lamang na gagamit ng totoong vanilla at hindi ang imitation vanilla.
Dapat bang uminom ng gamot sa sakit ng ngipin ng bata?
Pwedeng uminom ng gamot ang mga bata sa sakit ng ngipin. Ngunit, tandaan hindi dapat basta-basta ang pag-inom ng mga gamot — lalo na ang antibiotics. Pwedeng makabuo ang bata ng resistance sa antibiotics dahil sa hindi angkop at sobrang pag-inom nito – sanhi para hindi na ito maging epektibo sa mga susunod na paggamot. Mas maganda kung magpapakonsulta sa doktor para malaman ang wastong dami at angkop na gamot na dapat inumin ng isang tao.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Huwag kakalimutan na kapag naging matindi ang pagsakit ng ngipin ng bata, maaari itong mauwi sa mas seryosong medikal na kondisyon. Narito ang mga sumusunod na bagay na dapat ikonsidera sa pagpapakonsulta sa isang dentista:
- Lagnat
- Pamamaga
- Pagkaramdam ng pananakit kapag kumakagat
- Nahihirapan sa paglunok o paghinga
- Pagkakaroon ng general pain na tumagal ng isa o higit pang mga araw
- Abnormal na red gums
- Foul-tasting discharge o pus
Key Takeaways
Maaaring makasagabal at magbunga ng discomfort ang pagsakit ng ngipin sa mga bata. Dagdag pa rito, bilang magulang, maganda kung maging aware sa haba at dahilan ng pananakit ng ngipin ng anak. Kaya’t mabuti kung pumunta sa dentista para malaman ang diagnosis kung bakit sumasakit ang ngipin ng anak. Para na rin mabigyan ng tamang paggamot ang anak at hindi mauwi sa anumang malalang komplikasyon sa kalusugan.