backup og meta

Duling Na Mata: Ano Ang Sanhi, At Paano Ito Ginagamot?

Duling Na Mata: Ano Ang Sanhi, At Paano Ito Ginagamot?

Ang Strabismus o duling na mata ay isang karaniwang kondisyon sa mga bata. Nakaaapekto ito ng pantay sa batang babae o lalaki ng hanggang 5% porsyento sa kabuuang bilang. Ano ang sanhi ng strabismus o duling ng mata sa mga bata? Paano ito maitatama?

Ano ang strabismus o duling na mata?

Bago natin talakayin ang mga sanhi ng strabismus sa mga bata, tukuyin muna natin ang kondisyon.

Ang isang bata ay may strabismus kung ang kanyang mga mata ay hindi nakahanay. Sa madaling salita, ang mga mata ay hindi “nakatingin” sa parehong direksyon.

Kapag ang mga mata ay ibinaling sa loob (esotropia), karaniwan nating tinutukoy ito bilang “duling;” o nakakurus ang mga mata. Sa kabilang banda, kapag ang mata ay nakabukas (exotropia), marami ang gumagamit ng salitang “banlag” o wall-eyed. Ang isang bata ay mayroon ding strabismus kung ang isang mata lamang ang naka-misaligned. Higit pa rito, ang mga mata ay maaari ding lumiko pababa o pataas.

Mga posibleng sanhi ng strabismus o duling na mata 

Anim na muscles ng mata ang kumokontrol sa paggalaw ng ating mga mata. Ang isang muscle ay gumagalaw sa mata sa kanan; gumagalaw ang isa sa kaliwa. Samantala, ang pang 4 na muscles ay ibinabaling ang mga mata pataas, pababa, at sa iba’t ibang anggulo.

Para makapag-focus tayo sa isang punto o imahe, ang lahat ng mga muscle na ito ay dapat magtulungan.

Nangyayari ang Strabismus kapag ang mga muscles ng isa o magkabilang mata ay hindi gumagana nang magkasama. Gayunpaman, ang eksaktong dahilan para sa failure na ito ay hindi pa rin malinaw. Ayon sa mga eksperto, ang idiopathic strabismus (strabismus of unknown origin) ay ang pinakakaraniwang uri ng strabismus.

Dahil kontrolado ng utak ang mga muscles ng mata. Ang mga sumusunod na isyu ay tungkol sa utak na maaaring magresulta sa strabismus:

  • Cerebral palsy
  • Hydrocephalus
  • Down Syndrome
  • Tumor sa utak

Bukod sa mga isyu sa kalusugan tungkol sa utak, ang mga depekto sa mata ay maaari ding maging sanhi ng strabismus.

Mga salik na nagpapataas ng panganib ng strabismus o duling na mata

Habang ang eksaktong mga sanhi ng strabismus sa mga bata ay hindi malinaw (maliban sa mga alalahanin sa utak at mata), ang mga sumusunod na salik ay maaaring magpapataas ng panganib ng isang bata:

  • Prenatal drug exposure
  • Prematurity o mababang timbang ng kapanganakan
  • Kasaysayan ng pamilya ng strabismus

Ang strabismus ba ay kapareho ng lazy eye (amblyopia)?

Ang Strabismus at lazy eye ay hindi pareho.

Gaya ng nabanggit kanina, ang strabismus ay isang kondisyon na may hindi pagkakapantay-pantay na mga mata. Sa kabilang banda, ang amblyopia ay nangyayari kapag ang isa sa mga mata ay may mahinang paningin, na ginagawa itong mas mahina o “tamad.”

Gayunpaman, ang dalawa ay hindi magkaugnay. Ayon sa American Academy of Ophthalmology (AAO), ang strabismus ay maaaring humantong sa amblyopia, kung saan ang hindi maayos na mata ay nagiging mahina ang paningin, at samakatuwid ay nagiging tamad.

Lazy Eye sa mga Bata: Mga Sanhi at Tritment

Ano ang mga opsyon sa tritment para sa strabismus?

Ipinaliwanag ng mga eksperto na sa normal na paningin, ang ating mga mata ay nakatutok sa iisang lugar. Pagkatapos ang ating utak ay “nagko-coordinate” sa kung ano ang nakikita ng mga mata at bumubuo ng isang solong imahe.

Sa strabismus, ang mga mata ay nakakakita ng dalawang magkaibang larawan. Bilang resulta, maaaring “mabalewala” ng utak ng bata ang imaheng nagmumula sa mas mahina o hindi maayos na mata. At ito ay nakakaapekto sa kung paano nila nakikita ang posisyon ng mga bagay.

At dahil ang strabismus ay nakakaapekto sa paningin, ang tritment ay kinakailangan. Gayunpaman, ito ay nakasalalay sa ilang mga kadahilanan tulad ng kung ano ang nagiging sanhi ng strabismus at duling na mata, edad ng iyong anak, at ang kalubhaan ng misalignment.

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang sumusunod:

Maghintay at obserbahan

Kung napansin mong mali ang pagkakatugma o may duling na mata ng iyong bagong panganak, huwag mataranta.

Nakikita mo, normal para sa mga bagong silang na magkaroon ng hindi pagkakatugma ng mga mata sa unang ilang buwan ng kanilang buhay. Gayunpaman, kung mananatili silang naka-cross-eyed o naka-wall-eyed sa kanilang ika-4 hanggang ika-6 na buwan, maaaring ito ay may strabismus. Pinakamabuting dalhin sila sa doktor sa mata.

Tandaan na ang lahat ng mga sanggol ay dapat magkaroon ng screening ng paningin sa edad na 6 hanggang 12 buwan. Kung mas maaga makikita ang strabismus, mas mabuti.

Mga salamin sa mata at prisma

Maaaring kailanganin ng mga sanggol at bata ang corrective eyeglasses. Ang mga salamin ay makatutulong sa kanila na tumutok at ituwid ang mga hindi nakahanay na mga mata.

Sa ilang pagkakataon, ang isang prisma (instrumento na nakababaluktot ng liwanag) ay maaaring ikabit sa mga salamin sa mata o isama bilang bahagi ng lens. Para matulungan ang bata na tumuon at ang duling na mata.

Eye patch o eye drops

Ang isa pang pagpipilian ay ang paggamit ng isang eye patch. Sa diskarteng ito, isusuot ng bata ang patch para matakpan ang mas nakakakitang mata. Dahil dito pinipilit na gamitin ang hindi maayos o mahinang mata, na maaaring lumakas sa paglipas ng panahon.

Kung ang isang patch sa mata ay hindi komportable sa isang bata. Ang doktor ay maaaring magbigay sa kanila ng eye drops na pansamantalang lumalabo ang mas malakas na paningin ng mata.

Ang doktor ay malamang na magtuturo sa bata ng ilang mga ehersisyo sa mata para mapabuti ang hindi nakaayon na lakas ng mata kasama ng eye patch o eye drops.

Operasyon

At sa wakas, kung ang mga diskarte sa itaas ay hindi gumagana, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng operasyon sa mata. Para “muling iposisyon” ang mga muscle ng duling na mata.

Habang ang iyong anak ay nangangailangan ng general anesthesia para sa operasyon. Kadalasan na hindi nila kailangang manatili sa ospital nang magdamag at maaaring umuwi pagkatapos ng operasyon.

Matuto pa tungkol sa Child Eyecare dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Strabismus | Symptoms and Causes
https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/s/strabismus-and-amblyopia/symptoms-and-causes
Accessed January 6, 2021

Amblyopia: What Is Lazy Eye?
https://www.aao.org/eye-health/diseases/amblyopia-lazy-eye
Accessed January 6, 2021

Strabismus
https://www.msdmanuals.com/home/children-s-health-issues/eye-disorders-in-children/strabismus
Accessed January 6, 2021

Crossed Eyes (Strabismus)
https://www.health.harvard.edu/a_to_z/crossed-eyes-strabismus-a-to-z
Accessed January 6, 2021

Strabismus in Children
https://www.aao.org/eye-health/diseases/strabismus-in-children
Accessed January 6, 2021

Strabismus
https://kidshealth.org/en/parents/strabismus.html
Accessed January 6, 2021

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement