Para sa maraming mga magulang, isang mahalagang sandali ang marinig ang unang salita ng kanilang anak. Kung ang unang salita ay “mama” o “dada,” nangangahulugang ang bata ay nagsisimula nang matuto ng marami pang mga salita, na sa kalaunan ay maaari ay magiging mga parirala na. Ngunit kung minsan, ang mga bata ay hindi nagsisimulang magsalita nang kasing bilis ng kanilang mga kasing edad. At kakaunti lamang ang naniniwala na ang screen time ay may kaugnayan sa speech delay. Subalit ano ang speech delay? Alamin sa artikulong ito.
Maikling Gabay Sa Speech Development Ng Bata
Kung nais malaman kung paano karaniwang nadedebelop ang pagsasalita ng iyong anak, isaalang-alang ang mga edad na ito at ang karaniwang katumbas na “pakikipag-usap” na inaasahan nilang magagawa:
- 6 buwang edad = babbles
- 12 buwang edad= kayang gayahin ang mga simpleng salita; 4-6 na salita sa bokabularyo
- 18-24 na buwan = bokabularyo ng 50 salita; may kakayahang pagsamahin ang mga salita
- 2-3 taon = 200-300 salita sa bokabularyo; maaaring makapagsabi ng 2-3 salita na pangungusap
Tandaan:
Karaniwang ang mga bata ay may kakayahan nang makapagsalita sa pagitan 18-30 buwan.
Ano Ang Speech Delay? Mga Posibleng Dahilan
Kung sa iyong palagay ay may speech delay ang iyong anak, narito ang mga posibleng dahilan:
- Anatomic problems – Ang mga kondisyon tulad ng cleft, short frenulum, sinus cavity deviations, ay maaaring maging sanhi ng speech delay. Ang mga sakit sa tainga at mga sakit na nakaaapekto sa pandinig ay maaari ding maging salik.
- Neurologic problems – Ang mental retardation/global developmental delays, childhood apraxia, autism spectrum disorder at iba pa ay maaaring magdulot ng speech delay.
- Psychosocial Factors – Ang kahirapan, mga magulang na may mababang background sa edukasyon, limitadong pagkakalantad sa lipunan ay ilan din sa mga nakaaapektong salik.
- Genetics – family history, male sex
Ano Ang Speech Delay? Sanhi Ba Ito Ng Screen Time?
Naobserbahan ng maraming mga pag-aaral ang ugnayan sa pagitan ng screen time at speech delays. Sa kabila ng mga pag-aaral na tulad ng mga nito, tandaang ang pagkakaroon ng direktang ugnayan ng screen time at speech delays ay maaaring nakalilito.
Ang pinakamainam na sagot ay ang pagsasaalang-alang ng mga pangunahing salik — edad at kalidad ng screen time.
- Edad = Walang screen time para sa mga batang wala pang 2 taong gulang; 1 oras na screen time o mas kaunti pa kada araw para sa mga batang edad na 2-5 taon (Canada Pediatric Society).
- Kalidad = Ang maraming mga palabas ay makatutulong tulad ng Sesame Street, Dora the Explorer (Media Psychology).
Kailan Dapat Humingi Ng Medikal Na Tulong?
Iba-iba ang pagdebelop ng bawat bata. Gayunpaman, magandang ideya na malaman kung kailan dapat dalhin ang iyong anak sa doktor kaugnay ng kanilang speech development. Humingi ng medikal na tulong kung:
- Naabot ng bata ang mas mataas na limitasyon ng age range nang hindi natatamo ang inaasahang speech development.
- Pagkakaroon ng iba pang kaugnay na kondisyong medikal — labis na katabaan, apektadong pagtulog, atbp.
- Kaugnay din ang iba pang mga aspeto ng pagdebelop tulad ng motor delay, cognition delay, social impairment, atbp.
Paano Makatutulong Ang Magulang?
Ang tunay at personal na pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga matatanda at iba pang mga bata ay ang pundasyon ng pagdebelop ng komunikasyon sa mga bata. Dapat itong maging kapansin-pansin sa paaralan, tahanan, at sa lahat ng iba pang kapaligiran para sa mga bata.
Kabilang sa dalawang mahahalagang alituntunin ang mga sumusunod:
- Hangga’t maaga ay subukang simulan ang pakikipag-usap sa bata.
- Kahit na “cute” ito, iwasan ang baby talk.
Gayundin, ang mga magulang ay maaaring manood at makibahagi sa screentime ng kanilang mga anak. Matapos ito, muling ituro ang mga nilalaman ng palabas na pinanood. Ang ideya ay limitahan ang oras habang pinabubuti ang kalidad ng screen time.
Key Takeaways
Iba-iba ang speech development ng bawat bata. Ang isang bata ay maaaring magsalita nang mas maaga kaysa sa iba bagama’t sila ay parehong malusog. Ngayon, ang screen time ba ay nagiging ng speech delay? May mga pag-aaral na kakikitaan ng koneksyon, subalit nakalilito pa rin na pagkakaroon ng direktang ugnayan ng mga ito. Pinakamainam pa ring limitahan ang screen time ng isang bata habang pinabubuti ang kalidad nito. Syempre, huwag kalimutan na ang pagbabantay ng mga magulang ay mahalaga. Makibahagi sa screen time ng iyong anak upang magkaroon pa rin ng komunikasyon.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.